KABANATA 23: GOING BACK TO SEOUL
SWEETHEART KRYSTAL's POV
Nagising ako kinaumagahan na wala na si Wonwoo sa tabi ko pero nagulat ako dahil bumungad naman sa akin ang mukha ni Hoshi na sobrang lapit ng mukha sa akin. As in sobrang lapit na akala mo may tinitingnan siyang kung ano sa mukha ko.
"Good morning Krystal! Mabuti naman at gising ka na!" he said cheerfully and smiled at me very sweetly.
Kinunutan ko siya ng noo at bumangon na rin ako sa kama. Tumingin ako sa wall clock at alas sais palang ng umaga. Anong ginagawa niya dito sa kwarto ko ng ganitong kaaga?
"Paano ka nakapasok dito?" tanong ko sa kanya pero naalala ko naman bigla na hindi ko pala na-ilock ang pintuan ng kwarto ko. Baka hindi na rin nilock ni Wonwoo yung pinto bago siya lumabas kagabi sa kwarto ko?
"Kumakatok kasi ako kanina pero hindi mo ako pinagbubuksan ng pinto kaya pumasok na lang ako tapos hindi pa naka-lock yung pintuan kaya ayon naabutan kitang natutulog pa. Yayayain sana namin ikaw na kumain ng breakfast." natatawa niyang sabi sabay kamot sa ulo niya. Ngumiti naman ako pero agad akong napatakip sa bibig ko nang may naalala ako. Oh crap!
"Bakit? May problema ba?" tanong ni Hoshi ng mapansin niyang mabilis akong nagtakip ng bibig.
Umiling-iling ako sa kanya. Shit! Bagong gising lang ako tapos hindi pa ako nakakapag-sipilyo at nakakapaghilamos ng mukha! Baka mamaya ang baho-baho ng hininga ko!
Pakshit na malagkit!
"Bakit ka ba nagtatakip ng bibig diyan?" tanong ni Hoshi at akmang tatanggalin yung dalawa kong kamay sa bibig ko nang mabilis akong umiwas. Agad ko namang tinakip yung kumot sa kalahating mukha ko kaya mas lalong nagtaka si Hoshi sa akin.
"Eh kasi hindi pa ako nakakapaghilamos! Baka mamaya may muta pa ako tapos mabaho pa yung hininga ko!" bulalas ko at mas lalong tinakpan ng kumot yung bibig ko.
Hoshi's loud laughter echoed throughout my room. May pahawak-hawak pa siya sa tiyan niya tapos bigla akong hahampansin ng mahina. Tumatawa siya na parang baliw at parang may sinabi ako sa kanyang nakakatawang joke. Doon ako nakakuha ng tiyempo para amuyin ang hininga ko.
Mabuti naman at hindi ako bad breath! Kinapa ko rin ang dalawa kong mata, mabuti rin at wala akong muta! Nakakahiya yun kay Hoshi kung sakaling mabaho ang hininga ko at may muta pa ako.
"Maganda ka pa rin naman tignan tapos sobrang bango mo pa kaya." sabi niya nang sa wakas ay nahimasmasan na siya sa kakatawa.
Feeling ko tuloy ay nagsi-akyatan ang dugo ko sa mukha ko mabuti na lang natatakpan ng kumot yung kalahating mukha ko kaya hindi nakita ni Hoshi kung paano ako pamulahan ng pisngi.
"Kahit na! Sige lumabas ka na para makapaghilamos muna ako." sagot ko sa kanya pero umiling-iling sakin ang loko.
"I told you, sobrang bango mo kaya wag mong takpan yung mukha mo." aniya at mabilis niyang hinatak yung kumot ko pero hindi ako nagpatinag.
Mas okay kung makakapaghilamos muna ako! Nakakahiya pa naman at isang Kpop Idol ang kaharap ko! Kung sila Kaye ang nasa katayuan ko baka mamaya hiniling na lang nila na lamunin sila ng lupa dahil sa kahihiyan.
Haleer? Nakakahiya kayang humarap sa isang tulad niya lalo na kapag hindi pa ako nakakapag-sipilyo!
"Nakakahiya kaya!" singhal ko sa kanya at tinawanan na naman niya ako.
"I don't care. I really like your scent, Krystal. And don't even cover your face because I can't see you!" singhal din niya sa akin at para tuloy kaming tanga na naghahatakan ng kumot dito.
BINABASA MO ANG
Seventeen And The Long Lost Royal Princess | UNEDITED
FanficCOMPLETED ✔ What would you do if you found out you were a royal princess? What would you do if you were the missing princess and everyone thought you were dead? But what if, the thirteen boys suddenly appeared in your life? What if the famous and ha...