KABANATA 61: DEFENDING AND HARSH

1.3K 146 109
                                    

KABANATA 61: DEFENDING AND HARSH

SWEETHEART KRYSTAL's POV

Wala akong maayos na tulog. Hindi ko rin alam kung bakit bigla na lamang akong nakaramdam ng kaba at takot. Feeling ko talaga ay may masamang mangyayari kaya ganito ako nababahala mula pa kagabi. Halos inumaga na ako sa kakaisip at binabagabag. Ano ba itong nararamdaman ko? Bakit ba masyado akong kinakabahan na ewan?

Ramdam ko ang pagkulo ng tiyan ko dahil sa gutom kaya napabuntong-hininga ako at agad na akong bumangon sa kama. Nakita ko pa ang pusa na si meanie na mahimbing pa ring natutulog sa sofa. Mabuti pa yung pusa patulog-tulog na lang at animo'y walang pinoproblema. Sighed. Mapapa-sana all na lang talaga ako.

Dumiretso na ako sa banyo para gawin ang morning routine ko. Matapos ang ilang minuto ay nakaligo na ako at nakapag-ayos na rin ng sarili. Lumabas na rin ako sa kwarto ko at dumiretso sa kusina para magluto ng kakainin naming almusal.

Bigla akong natigilan sa pagpasok sa loob ng kusina nang makita ko si Chaeryoung na naroon sa loob. Oo nga pala, dito siya natulog kagabi dahil inabutan na siya ng gabi sa pagtambay dito bahay nila Cheol. Hinsi ko alam kung bakit siya palaging nagpupunta dito samantalang pinagbawalan na pala siya nung Chairman ng Pledis Entertainment na makipagkita kanila Mingyu.

Kasalukuyan siyang nagluluto at hindi ko alam kung papasok ba ako sa loob o huwag na lang. She looks kind because her face looks like an angel but she was just pretending to be an angel. Kunwari mabait at anghel sa paningin ng iba pero kapag nakatalikod na ay masama pala ang pag-uugali. Kaya hindi na ako magtataka kung bakit naiinis si Woozi sa kanya. He hates Chaeryoung dahil na rin sa masama niyang ugali.

"Kamusta? Mukhang buhay prinsesa ka na talaga dito sa bahay nila Mingyu ah?"

Narinig ko ang isang boses na nagsalita at medyo natawa pa ito. Napaangat ako ng ulo at doon ko lang napansin na nakatingin na pala sa gawi ko si Chaeryoung. Sobrang lalim na naman ang iniisip ko at hindi ko man lang namalayan na nakatingin na siya sa akin. Tumikhim ako at naglakad patungong refrigerator.

"How about you? Kamusta ang pagkukunwari mong isang anghel kuno?" tanong ko rin sa kanya.

Hindi ko na natuloy ang pagbukas ng ref dahil marahas niyang hinawakan ang braso ko at hinarap ako sa kanya. Bakas sa mukha niya ang labis na galit. Ano bang problema ng babaeng 'to sakin?

"Binalaan na kita diba? Umalis ka na dito kung ayaw mong gawin kong impyerno yung buhay mo!" may gigil niyang sambit at napaaray naman ako dahil sa sobrang higpit ng pagkakahawak niya sa braso ko.

"How many times do I have to tell you that only SEVENTEEN has the right to evict me from here." matigas kong sabi sa kanya dahilan para tumawa siya ng mahina.

"Talagang sinubukan mo ang pasensya ko ah? Sabagay umaga naman at maganda ang araw sa labas. Maybe I should do my acting skills now." aniya at ngumisi siya ng mala-demonyo sa akin.

Napakunot-noo ako sa sinabi niya. Hindi ko rin alam kung ano ang ibig niyang sabihin pero bigla na naman akong nakaramdam ng matinding takot at kaba.

"A-anong gagawin mo?" tanong ko sa kanya pero mas lalong lumawak ang pagkaka-ngisi niya. Napaatras ako nang hawakan niya bigla yung kutsilyo na ginamit niya kanina sa paghiwa ng putaheng niluluto niya.

"Chaeryoung? Anong gagawin mo? B-bitawan mo yan!" utos ko sa kanya pero hindi niya ako sinunod.

I could see in her face that she was determined in what she was going to do. Papatayin ba niya ako? Sasaksakin? Bakit ganito siya? Nababaliw na siya!

Seventeen And The Long Lost Royal Princess | UNEDITEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon