KABANATA 33: SORRY
MINGYU's POV
"Kumain na kaya siya?" tanong ni Jeonghan hyung sa amin.
"Pero paano kung hindi pa?" salita naman ni Jun hyung.
"Tignan niyo nga oh? Wala man lang bawas yung niluto namin ni Dokyeom kaya malamang hindi pa siya kumakain." turan naman ni Minghao.
"Kung kumatok na kaya tayo sa kwarto niya?" suhestiyon naman ni Wonwoo hyung sa amin.
"Kasalanan kasi 'to ni Mingyu hyung." may inis na sabi ni Seungkwan at lahat sila ay sabay-sabay na napatingin sa direksyon ko. Kung nakamamatay lang ang masamang tingin ay paniguradong tigok na ako kanina pa.
"Anong ako? Eh kayo lang naman yung nagsabi tungkol doon." depensa ko sa sarili ko. Sila naman talaga yung may kasalanan. Kung hindi lang kasi nila pinag-usapan yung tungkol dun ay hindi sana kakaripas ng takbo si Krystal palabas ng practice room.
"It's also your fault. Kung hindi mo lang kasi sinabi yung tungkol dun, edi hindi sana mababanggit nila Dino yun." Joshua hyung kaya napakamot naman ako sa ulo ko.
Kasalanan ko nga ba? Malamang oo! Kung hindi ko lang kasi binanggit yun kanina hindi sana tatakbo si Krystal palabas ng practice room! Baka mamaya ay galit na yun sa akin at sinumpa na ako.
"Ise-check ko lang siya sa kwarto niya. Hindi man lang siya kumain ng tanghalian kanina. Baka pati hapunan hindi rin siya kakain dahil sa pagpapahiya mo sa kanya." Seungcheol hyung at pinandilatan pa niya ako ng mata.
"Napahiya ko ba siya?" inosenteng tanong ko.
"OO!" sabay-sabay nilang sagot. Sabi ko nga hindi na ako magtatanong eh.
Tumingin ako sa bakanteng silya kung saan dapat uupo si Krystal. Pinag-handaan na kasi namin ito bago pa siya makarating dito sa bahay. Pasado alas nuebe na nang gabi at narito na kaming lahat sa dining area para kumain ng dinner.
Kaso limang minuto na ang lumipas at wala pa ring Krystal na lumilitaw. Ni hindi man lang namin napansin na hindi pala siya kumain ng lunch dahil busy rin kami sa kaka-practice ng sayaw. Nabaling naman ang atensyon ko kay Seungcheol hyung dahil bigla siyang tumayo.
"Pupuntahan mo na ba siya sa kwarto niya?" tanong ni Wonwoo hyung sa kanya.
"Yup. Para mayaya ko na rin siyang kumain." sagot agad ni Seungcheol hyung pero mabilis ko siyang nahawakan sa kanyang kamay para mapigilan. Tumingin siya sakin na may halong pagtataka.
"Pwede bang ako na lang ang magpunta sa kwarto niya? Para naman makahingi na rin ako ng sorry sa kanya." sabi ko. Mukhang kailangan ko talagang humingi ng sorry kay Krystal. Masyado yata akong napa-sobra kaya siguro siya nahihiya at ayaw niya rin sigurong lumabas sa kwarto niya.
"Aba kailangan mo talagang mag-sorry sa kanya! Baka gusto mong isumbong kita kay Prince Tatum?" pagbabanta ni Woozi hyung sa akin.
"Hala Mingyu hyung, mga gangster pa naman yung mga Kuya ni Krystal diba?" sabat naman ng maknae namin na si Dino.
Siya rin naman kasi ang may kasalanan. Kung hindi kasi siya nagtanong kanina hindi sana mangyayari 'to. Pero bigla akong napalunok sa sinabi ni Dino. Baka mamaya ipa-hunting ako bigla nila Prince Tatum at ipa-salvage ako sa Han River! Naku po, sayang ang kagwapuhan ko kung nagkataong ipapatay ako ng mga Kuya ni Krystal!
"Sige na Mingyu, siguraduhin mo lang na kasama mo si Krystal okay?!" singhal ni Hoshi hyung sa akin kaya tumango ako at agad nagtungo sa kwarto ni Krystal.
Nakarating din ako agad sa tapat ng kwarto niya. Kaya mo yan Mingyu! Kailangan kong ibaba ang pride mo alang-ala sa sarili kong kapakanan! Buhay ko rin ang nakasasalalay dito! Huminga muna ako ng malalim bago ako tumatok ng tatlong beses sa pinto.
BINABASA MO ANG
Seventeen And The Long Lost Royal Princess | UNEDITED
FanfictionCOMPLETED ✔ What would you do if you found out you were a royal princess? What would you do if you were the missing princess and everyone thought you were dead? But what if, the thirteen boys suddenly appeared in your life? What if the famous and ha...