Bluey's POV
"Hoy, hindi ka ba tinuruan na mag-sorry?! Tsaka hubarin mo nga yang helmet mo na yan ng makita mo ang hinahanap mo!" Pagbabanta nya sakin tsaka kinatok ang aking helmet
Nanatili akong walang imik tsaka uli sana papaandarin ang aking sasakyan ngunit hinarangan nila ito at hinawakan pa ang harapan.
Samantalang napayuko naman ako sandali tsaka dahan-dahang inangat ang salamin ng aking helmet. Pagkatapos ay nag-angat ako ng ulo upang magtama ang aming mga paningin
Nakita ko naman ang pagkagulat sa kanyang mukha, nakita ko pa ang paglunok nya pati ang pawis na namumuo sa kanyang mukha
"You should know first how to approach someone properly, if you don't want to put your life in risk" tangi ko lang sinabi tsaka muling ibinaba ang salamin
"I think you got the wrong person. No I mean, you got the worse person. Your nightmare"
Pagkalagpas na pagkalagpas ng kanyang kamay ay sya namang pag-abante kong muli sabay dakma sa kanyang batok gamit ang aking kanang kamay, sabay buong lakas ko na hinampas ang kanyang pagmumukha sa lamesa.
Pinagmasdan ko lang na dumausdos ang kanyang katawan papahiga sa sahig. Yumuko ako tsaka naupo, pinagmasdan ko ang kanyang mukha. Tinapik-tapik ko ito, ngunit ayaw gumising. Hinawakan ko ang kanyang baba tsaka binaling sa kaliwa't kanan ang kanyang mukha.
Hindi na talaga nagising, napabuntong hininga na lamang ako habang nakayuko. Tinanggal ko ang aking sunglass gamit ang kaliwang kamay, tsaka muling tinitigan ang kanyang mukha. Basag ang kanyang ilong kung saan may dugong lumalabas
"Oh poor guy. If I were you, I will put that thing down and bend your knee, apologize for what you did"
Humarap naman ako sa kanya tsaka napatingin ako sa baseball bat na nabitawan nya. Naglakad naman ako patungo doon.
Huminto ako nang nasa paahan ko na ang baseball bat. Yumuko ay tsaka hinawakab ang hawakan nito. Lumingon ako sa lalaking pula ang buhok. Nababasa ko naman ang matinding takot sa kanyang mga mata.
Umikot ako upang magkaharap kami, naglakad ako ng dahan-dahan palapit sa kanya habang hinihila ang baseball bat na syang lumikha ng ingay.
"Watch and learn everyone" huling sinabi ko tsaka ko pinukpok nang pinukpok ang kanyang mga kamay hanggang sa masiguro kong durog na ang mga buto nito
Halos hindi sya magkamayaw sa pag-iyak hanggang sa nawalan na sya nga malay.
"That's it. I warned you, but you didn't listen"
"Remember this color. Dahil oras na makita nyo ito, you should hide and get out of my way or you will be in danger"
Humahangos ako nang magmulat ako ng aking mga Mata, inilibot ko ang aking paningin sa buong paligid. Sobrang dilim, napatingin ako sa katabing higaan nang marinig ko ang biglang pagtawa ni Feng habang natutulog.
Napahawak ako sa aking ulo nang maalala ko ang mga napanaginipan ko. Napailing ako ng marahas upang tanggalin ito sa aking isipan. Pakiramdam ko ay hindi lamang iyon isang panaginip, kundi isang bangungot.
Napapikit ako nang mariin nang maalala ko na naman ang dugong umaagos sa sahig, habang may nakahandusay na nilalang. Ang dugo na nakabalot sa kamay ng isang tao, biglang bumilis ang tibok nang puso ko nang sumagi na naman sa aking alaala ang itsura ng isang nilalang na may pulang mga mata at nababalot ito ng dugo habang nakangisi itong nakaharap sa salamin.
YOU ARE READING
Into The Unknown (COMPLETED)
RomanceGxG story book two of The Popular Unknown Psychopath