Amber's POV
Pansin ko ang kanina pang ngiti nya habang naglalakad kami, hindi ko alam kung saan kami patungo. Pero patuloy lang akong nakasunod sa kanya, kung saan-saang eskinita, hagdan at daan ang tinatahak namin. Ilang beses na din akong muntikang madapa at matalisod dahil sa madilim ang paligid, good thing dahil mabilis nya akong nahawakan sa kamay upang alalayan
"Hold on me. I won't let you go" may kaakibat na saya at kirot ang mga salitang iyon na binitawan nya. Masakit dahil para sa akin ay may iba pa meaning iyon. Hindi lang basta ibig sabihin, kundi may malalim na ibig sabihin. Gusto ko syang sigawan at tanungin na bakit?
You told me to trust you. You told me you will never leave me, you told me you will be by my side. But what just happen?
Gusto kong sabihin iyon sa kanya lahat, ngunit hindi maaari. Imbis na sumagot ay nginitian ko lang sya tsaka tumango. Mahigpit akong kumapit sa kanyang kamay habang napupuno na naman ng takot ang aking puso na makabitaw sa pagkakahawak nya. Kaya ibinuhos ko ang buong lakas ko upang kumapit sa kanya ng mahigpit. Nakatingin sya sa aking mga mata na punong-puno ng pagtataka, marahil ay nagtataka sya sa ikinikilos ko. Nakikita ko iyon sa kanyang mga mata
"I'm just making sure na mahigpit din ang pagkakakapit ko, so in case na aksidente mo akong mabitawam o mapagod ka sa pagkakahawak sa aking kamay ay hindi ako makakabitaw o mahuhulog ng ganon-ganon lang. Dahil mahigpit ang hawak ko" madamdamin kong turan, hindi sya umimik. Biglang nagkaroon ng awkwardness sa pagitan namin.
"Ano ka ba?! Syempre safety first!" Cheerful kong turan sa kanya tsaka tawa ng mahina, mabawasan lang ang mabigat na atmosphere na namamagitan sa amin.
"Sabagay tama ka! Safety first! Mahirap mahulog ng walang sasalo, lalo na kung ganito kataas at kabato ang kahuhulugan mo" turan nya tsaka ngumiti na sinagot ko lang ng tango at ngiti. Then ipinagpatuloy na namin ang paglalakbay naming dalawa patungo sa dulo ng walang hanggan.
Kanina pa kasi kami nagpapaikot-ikot at liko, sinasabi nya lang na malapit na sa tuwing nagtatanong ako kung malapit na. Ngunit ilang minuto na ay hindi pa din namin nararating ang lugar na iyon.
Nagtaka ako nang bigla syang huminto tsaka luminga-linga sa paligid na syang ginawa ko na din. Napamewang ako tsaka ko sya tiningnan ng masama
"Aminin mo nga sa akin, sigurado ka ba na alam mo ang pupuntahan natin o naliligaw na tayo? Kasi alam mo napansin ko na kanina pa tayo naglalakad, pero hanggang ngayon heto pa rin tayo! Paikot-ikot" hindi sya umimik, tahimik lang syang nakatingin sa akin.
"Anong tinitingin-tingin mo dyan? Teka! Anong ginagawa mo?!" Bigla akong kinabahan nang dahan-dahan syang naglakad palapit sa akin habang nakangisi. Napapikit ako ng dakmain nya ang magkabila kong balikat.
Naramdaman ko na lang na pinihit nya ang aking balikat paharap sa aking likuran hanggang sa tumigil sya. Ramdam ko ang init ng katawan nya habang nakatayo sya sa aking likod at ang kanyang mga kamay ay nasa magkabila kong balikat. Halos magkadikit na ang aming katawan, ramdam ko din ang mabilis na pagtibok ng kanyang puso dahil nakatapat ang tenga ko sa kanyang dibdib habang nakatalikod ako.
"Actually kararating lang natin" turan nya, hindi ako umimik. Nanatili lang akong nakapikit. Bigla akong nakaramdam ng kilabot nang maramdaman ko ang mainit na hangin na syang tumatama sa aking tenga. Muntik pa akong mapasigaw sa sunod na nangyari, napakuyom na lang ako ng mahigpit upang pigilan ang aking sarili at pati ata paghinga ko ay ganoon din. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko
"Now, open your eyes" malambing nyang bulong sa aking tenga na kinataas ng balahibo ko sa katawan. Huminga ako ng malalim tsaka dahan-dahang idinilat ang aking mga mata. Una ay isa lang hanggang sa makita ko ang malabong tanawin. Hindi ako sigurado kung ano ang mga ito.
YOU ARE READING
Into The Unknown (COMPLETED)
RomanceGxG story book two of The Popular Unknown Psychopath