Bluey's POV
Mula sa kinauupuan ko, tanaw ko ang makapal na ulap mula sa laot. Kahit na binabalot na nang dilim ang kalangitan, Kita ko ang makapal na ulap at ang nagbabadyang sama nang panahon na paparating dito sa buong isla. Tanging ang liwanag lamang na nagmumula sa ilaw nang mga bangka mula sa malayo at malapit na pangpang ang nagbibigay liwanag sa aking kapaligiran.
Tahimik lamang akong nakaupo, pinakikikinggan ang malumanay na pagpalo nang Alon dito sa dalampasigan, habang pinagmamasdan ang segu-segundong pagkidlat mula sa kalawakan doon di kalayuan. Tila kalmado ang buong kapaligiran, ang karagatan sa mga oras na ito. Ilang mga tinig lang naman ang maririnig mula sa kung Saan. Sari-saring tinig, mula sa mga taong nagkakasiyahan. Walang katapusang tawanan, ang pag-ihip nang hangin, ang huni nang mga insektong panggabi, at ang tunog nang umaalingawngaw na makina nang bangka sa di kalayuan na daungan.
Mula sa aking kina-uupuan,nakikita ko ang ilang grupo nang mga kabataang nagkakasiyahan, ang ilang tumpok nang mga tao na kanya-kanyang nagbo-bonfire at nagca-camping. Mula sa lugar na ito, nakikita ko ang di makitang kaligayahan na nagkukubli sa islang ito. Dahil sa isipang ito, wala akong ibang nagawa kundi ang mapangiti na lamang habang pinagmamasdan at pinapakinggan ang nagkakasiyahang grupo sa kalayuan.
Bigla akong napatingala sa madilim na kalangitan,may mangilan-ngilan pa namang bituin. Samantalang sa kabilang ibayo ay nilalamon na nang dilim. Kinilabutan ako dahil sa biglang pag-ihip nang malamig na hangin na Syang nagpatayo nang mga balahibo sa aking buong katawan. Tanging pagyakap na lamang sa aking sarili ang aking ginawa upang ibsan ang lamig na aking nararamdaman habang binabalot nang kadiliman dito sa lugar kung Saan ako lamang ang nakakakita.
Napabuntong hininga na lamang ako habang malayo ang aking tanaw, nagbabakasakali na baka mayroon akong matatagpuan mula sa kalayuan. Isang bagay na di ko malaman kung ano Ngunit aking inaasam-asam.
"Haaaay... Kunwari pa ako, eh isang tao lang Naman talaga ang hinahanap-hanap ko" mga salitang lumabas sa aking tikom na bibig habang nakatanaw sa malayo, matipid na ngiti ang aking pinakawalan nang lumitaw sa aking alaala ang kanyang larawan.
Ang kanyang napakagandang larawan na Hindi ko pagsasawaan na pagmasdan, mapa-araw man o gabi. Mapa-bagyo man, ay di ko mapagsasawaan. Ang nakakahawa nyang ngiti, ang tinig nya na tila isang awitin sa aking pandinig. Ang haplos nya na nagpapakalma sa aking damdamin. Ang buong katauhan nya, na sa akin ay gumambala kàya Naman ang puso at isip ko ay di magkasundo. Lagi na lamang pagtatalo ang namamagitan sa kanilang dalawa, na maging sa pagsapit nang gabi ay di ako hinahayaang makapagpahinga nang payapa.
"Hahahaha... Woaaah! Tsk! Kailan mo ba ako titigilan at pagpapahingahin! Kahit Saan ako lumingon, anuman ang aking gawin. Ikaw at ikaw ang nakikita at naaalala ko" turan ka na Akala mo'y kaharap ko lang SYA.
"AAAAAAH!" Buong lakas kong sigaw hanggang sa maubusan ako nang hininga. Dinaig ko pa ang nagkakarerang mga kabayo dahil sa hingal ko. Habol hininga akong nakangiti habang pinagmamasdan ang nagliliparang alitaptap sa aking kinatatayuan.
"Siguradong matutuwa sya kung sakaling nakikita nya ang mga ito" sambit ko nang itaas ko ang aking palad at S'YA namang pagdapo nang alitaptap kàya napangiti ako, kasunod nito ay ang paglalakbay nang aking alaala pabalik sa kanya.,sa mga bagay na nangyari sa mga nakalipas na ilang àraw.
Third person's POV
(Flashbacks...)
"So ano pa ang mga bagay na hindi natin alam sa isa't isa?" Tanong ni Anson, halatang may sapi na nang alak. Tiningnan nya isa-isa ang kanyang mga kasama na nakatingin din sa kanya
YOU ARE READING
Into The Unknown (COMPLETED)
RomanceGxG story book two of The Popular Unknown Psychopath