Chapter 17

562 33 4
                                    

Bluey's POV

mabilis akong tumatakbo at walang tigil na hinahabol ang nasa aking harapan, pinipilit ko silang abutin kahit na ramdam kong nanghihina ang aking buong katawan, maging ang aking isipan ay napupuno ng dilim at mga negatibong isipan. Samantalang ang puso ko ay nilalamot nang matinding takot at pag-aalala

"Amber..." Nanghihina kong bulong sa kanyang pangalan habang nakatingin sa kanya na papalayo

"Sandaleee..." Pilit kong nilalabanan ang takot at bigat na bumabalot sa aking puso

"Pakiusap *sob*" hindi ko na napigilan pa ang bikig na nakaharang sa aking lalamunan, kasabay nang sunod-sunod na pagtulo ng luha ko.

"Amber... Huwag mo kong iwan... Pakiusap... Bumalik ka.." Hinihingal kong turan habang nakatingin sa papalayo nyang pigura, ngunit walang tigil sa paghabol sa kanya

"Amber?? Ambeeer!" Ramdam ko ang nagwawala kong puso nang makita ko syang huminto sa harapan ko, nakatitig lang sya sakin habang may luha sa kanyang mga mata. May sinasabi sya habang inaabot sa akin ang kanyang mga kamay. Pinilit ko naman yung abutin hanggang sa mahawakan ko ito, hinigpitan ko ang hawak sa kanyang mga kamay lalo na nang maramdaman ko na parang may force na humihila sa amin palayo

"Huwag mo akong bitawan" turan ko sa kanya, marahan lang syang napapikit habang umiiyak. Maging ako ay hindi ko na napigilan ang umiyak nang malakas

"Pakiusap! Huwag mo kong bitawan!" Puno nang pagmamakaawa kong turan.

"Huwag... Huwaaag!" Tila sinaksak ang kaliwa kong dibdib nang makita ko na lang ang unti-unting pagbitaw nya sa akin kamay. Nakatitig lang sya sakin habang may dugo na tumutulo mula sa kanan nyang ulo.

Halos tumigil sa pagtibok ang puso ko, maging ang paghinga ay hindi ko na din magawa. Puno nang panlulumo lang akong nakatingin sa kanya habang unti-unting pumipikit ang kanyang mga mata at ang pagbagsak ng kanyang katawan.

"Hahaha!" Napahinto ako sa paglapit sa kanya nang marinig ko ang malademonyong tawa nya na nagmumula sa aking likuran.

Lumingon ako upang tingnan kung sino sya, ngunit isang madilim na pigura lang ang nakita ko. Nakatayo sya habang ang baril na ginamit nya kay Amber ay nakatutok na sa akin, kaya napaatras ako.

Ngunit lumalapit sya lalo, kaya nagpatuloy ako sa pag-atras hanggang sa muli kong paghakbang paatras ay naramdaman kong may yumakap sa aking katawan sabay ay ang biglang pagbagsak ng aking katawan sa malamig na tubig. Huli kong nakita ay ang imahe ni Amber na umiiyak

Pinipilit ko syang abutin ngunit sa paggalaw ko ay mas lalo akong nilalamon pailalim ng tubig, hanggang sa tuluyan na akong maubusan ng lakas. Ang dilim at lamig na lamang ang bumalot sa aking buong pagkatao.

I saw Amber with some other guy,  ang saya-saya nya tingnan habang may hawak na bulaklak at masayang nakikipag-usap sa taong yun. Ang sakit ng puso ko. Nasa malayo lang ako habang pinagmamasdan syang may kasamang iba, at mukang masayang-masaya naman sya.

Napatalikod ako nang makita nya ako, naglakad ako palayo sa kanya. Naramdaman ko syang sumunod, kasunod ay ang sigawan ng mga tao sa paligid. Kaya mabilis akong napalingon, nakita ko na lamang ang ilang mga debris na babagsak sa kanya, kaya mabilis akong lumapit sa akin at sinangga ang tatang debris sa kanya. Ramdam ko ang mainit na likido na umaagos mula sa aking balikat pababa sa aking braso. Pagkatapos ay iniwan ko na lang sya, hanggang mawalan na lang ako ng malay sa isang kwarto.

Into The Unknown (COMPLETED)Where stories live. Discover now