Chapter 36: ZEVENTHEEN GRAYSTONE

286 9 0
                                    

Tahimik lang naman si Zeventheen habang pinagmamasdan at isa-isang tinitingnan ang mga taong nagdaraan sa kanyang harapan. Nagbuntong hininga lang sya tsaka tumingin sa kanyang relo, halos isang oras na syang naka-upo sa park at naghihintay. Nakakaramdam na sya nang sobrang pagkayamot dahil pakiramdam nya ay wala syang mapapala sa ginawa nyang pagtakas. Nagpapawis na pinahid nya ang kanyang dalawang palad sa kanyang hita, habang walang katapusan sa pag-ta-tap ang kanyang paa sa lupa.

"Are you looking for me?" Napalingon naman kaagad sya sa taong iyon, napatayo sya at parang natulos sa kanyang kinatatayuan habang nakatitig sa nakangiting mukha nang babae. Naramdaman nya ang biglang pag-iinit nang kanyang mukha, kaya napa-iwas sya nang tingin dito at umiling

"Ano ka, gold? Bakit naman kita hihintayin?" Hindi nakatinging turan nya.

"Aaah ganon ba. Akala ko pa naman hinihintay mo ako..."  May himig nang lungkot sa boses nitong turan kaya tumingin sa kanya si Zeventheen. Napa-iwas naman nang tingin ang babae sa kanya habang namumula ang pisnge nito.

"Kasi ako, ilang araw kitang hinihintay dito. Kaso di ka nagpakita" nakaramdam naman nang guilt si Zeventheen buhat sa sinabi nang babae

"B-bakit mo naman ako hinihintay?" Lumingon na sa kanya ang babae, nakabusangot ito tsaka nag-crossed arms

" Baka nakakalimutan mo na babayaran mo ako?" Napataas naman ang kilay ni Zeventheen dahil sa sinabi nito

"Akala ko ba bukal sa puso mo iyong binigay at wala kang hinihintay na kapalit?" Maang na tanong ni Zeventheen sa kanya.

"Ahmm... Sinabi ko ba yun?" Sabay iwas nitong tingin at may pagkamot pa sa kanyang ulo, habang ngumingiwi-ngiwi ang mukha nito

"Oo sinabi mo" diretsong tugon ni Zeventheen sa kanya

"Tsaka sabi mo pa..." Tugon nya sabay lumunok

"tuturuan kita kung paano makakabawe sakin... sa susunod na lang kita tuturuan kung paano maging mabuting tao" tsaka nag-crossed arms na nakatingin sa babae

"That's what you told me, Ms. Claire Sandoval" nakatitig lang na turan nya kay Claire, napatitig lang naman ito sa kanya habang naka-awang ang mga labi na animo ay may sasabihin ngunit di na nagawa pang lumabas nang mga salita sa kanyang bibig.

"Hey! Are you still with me?" Napakurap naman si Claire when Zeventheen snapped her fingers sa harapan nito para gisingin ang lumilipad nitong diwa

"Y-yeah... I'm into you.." napataas naman ang kilay ni Zeventheen dahil sa sagot ni Claire

"What?" Tila natauhan naman si Claire sa kanyang sinabi, napakurap-kurap sya tsaka lumunok at pumikit nang madiin habang kinukumbinsi nya ang sarili nya na umayos

"I mean, yeah I'm still with you" Turan nya tsaka tumingin kay Zeventheen na nakatitig lang sa kanya

"Naalala ko lang kasi yung kanta nang Paramore, alam mo yun? Still into you yung title, kinakanta kasi nang kaibigan ko kanina" kinikilatis lang naman ni Zeventheen ang kanyang mukha, dahil sa pinagsasabi nya.

Into The Unknown (COMPLETED)Where stories live. Discover now