Chapter 25

398 21 1
                                    

Bluey's POV

Pagkapasok na pagkapasok Namin nila Domer sa cottage naramdaman ko Ang biglang pagbigat nang atmosphere. Ang awkward nang katahimikan. Samantala ramdam ko Naman Ang titig Mula sa aking tagiliran kung San naka-upo na Ang iba pa naming kasama para Kumain. Nginitian lang ako ni Dana bilang pagbati habang may dala-dalang pagkain patungo sa lamesa. Sinundan ko Naman sya nang tingin, sa tingin ko ay Tama nga si Feng na Wala talaga silang balak Kumain hangga't Hindi kami kumpleto. Napako Naman Ang tingin ko Kay Amber na nakatitig lang sa akin, ngumiti lang ako nang pilit dahil ramdam ko na nababagabag sya. Marahil ay sa biglang pag iiba nang mga kilos ko Mula pa kagabi, nababasa ko Ang lungkot at pag-aalala sa kanyang mga Mata. Na para bang may mga gusto syang sabihin sa akin, ngunit di nya magawa dahil may iba pa kaming mga kasama. Naramdaman ko Naman Ang mahinang pagbunggo sa akin nang Isang tao, kaya agad Kong nilingon Ang salarin. Si Kuya Anson Pala, binigyan nya lang ako nang nagbabantang tingin. Bago nya ako lagpasan ay bahagya syang lumapit sa akin

"Mag-usap kayong dalawa huh? Yung kayong dalawa lang, Hindi Yung ganyan Bluey" may pagbabanta nyang tingin, siguro ay ramdam nya din Ang tensyon sa pagitan naming dalawa ni Amber. Marahan lang Naman at pilit na tango lang Ang naging tugon ko. Tsaka nya ako nilagpasan, naramdaman ko Naman Ang pagsiko ni Domer sa akin kaya tinaasan ko sya nang kilay. At ganoon din Naman Ang ginawa nya sakin, kaya napa-iling lang ako sa kanya

"Nababaliw Ka na Naman ata Dyan" pahayag ko sa kanya

"Tange! Tara na Kako, kanina pa sila naghihintay. Mukang ayaw pa nila Kumain hangga't Wala pa tayo doon" tumango lang Naman ako tsaka sumunod sa kanya

"Good luck" malokong bulong ni Feng sa akin kaya napataas Ang kilay ko dahil sa sinabi nya. Nag-smirk lang Naman sya sakin, kaya Puno nang pagtataka akong nakatingin sa kanya. Then tumingin sya sa harapan, particular sa pwesto ni Amber. Kaya napangiti sya sakin nang mabasa nya Sa aking mga Mata na nakuha ko na kung ano Ang ibig nyang sabihin.

Nauna na syang umupo sa upuan Sana ni Domer kung San katapat nito si Erot at sa tabi Naman nya ay si Amber. Kung San nakatapat Ang nag iisang bakanteng upuan, kung San doon ako uupo. Nagbuntong hininga na lang ako tsaka na kumilos para makaupo.

Pagka-upo ko ay naramdaman ko Ang mga Mata nila na napako sakin. Bukod na lang kay Kuya RJ at Ate Mika na busy sa kanilang sweet-gesture-thingy. Samantalang napansin ko si Dana na wari'y ay nagtatanong dahil ramdam nya Ang tensyon. Kaya napabuga ako nang hangin, tiningnan ko sila isa-isa na agad din nag-iwas nang tingin. Napako Naman Ang mga Mata sa harapan ko, nakatingin lang sya sakin. Napansin ko Ang namumuong luha sa kanyang mga Mata, kaya Naman napatitig na ako sa kanya.

Gusto ko syang tanungin sa kung ano nga ba talaga Ang nasa isip nya, bakit Ganito Ang ginagawa nya. Pero may part sa Sarili ko na gustong tumayo at yakapin sya, nararamdaman ko Ang sakit sa puso ko dahil sa emosyong nababasa ko sa mga Mata nya. Bumaba Ang tingin ko sa kanyang kamay na madiing nakahawak sa baso na nakapatong sa lamesa. Muli akong nagpakawala nang buntong hininga, lihim akong napa-iling at natawa sa aking Sarili. Hindi ko na talaga alam Ang nangyayari sa Sarili ko. Nasasaktan ako dahil sa kanya, pero mas Lalo akong nasasaktan ngayong nakikita Ko Ang lungkot sa mga Mata nya.

"Let's eat" pahayag ko sabay ngiti, parang gusto nang tumulo nang mga luha nya. Hinawakan ko lang Ang kamay nya at marahan na pinisil. Tumango lang Naman sya. Bago ako nagsimula nang kumuha nang pagkain, sinulyapan ko Ang mga kasama ko, nginitian ko lang sila at tinanguan habang nagsasalin ako nang pagkain sa aking Plato. Medyo gumaan Naman Ang atmosphere.

"Ano?" Pabulong Kong Tanong Kay Domer nang maramdaman ko Ang marahan nyang pag-apak sa paa ko, nasa kalagitnaan ako nang pagsubo nang pagkain. Sinimangutan ko lang sya dahil nginitian at tinaasan nya lang ako nang kilay. Kasunod ay mapang-asar na ngisi tsaka bumulong

Into The Unknown (COMPLETED)Where stories live. Discover now