Chapter 49

386 20 1
                                    

"Ang aking Mahal" tila nanlamig ako dahil sa mga katagang huli nyang binitawan bago nya ako tuluyang talikuran at iwan.

Napatingin naman ako sa Zane's Tierras kung saan payapa at kasalukuyang nagpapahinga at naglalagi si Bluey. Kagat labi lang akong napabalik ng tingin sa papalayong pigura ni Amber.

"We need to report it Bluey! Kailangan nating ipagbigay alam sa mga awtoridad ang ating nasaksihan!" Pasigaw na turan ko sa kanya habang hindi mapakali. Marahas syang napaharap sa akin tsaka nya marahas na hinawakan ang collar ng aking suot

"Di ba matalino ka? Pero bakit hindi mo gamitin ngayon!. Hindi natin kilala ang mga taong sangkot sa krimeng nasaksihan natin, lalong lalo na hindi natin alam kung ano ang kaya nilang gawin sa atin at sa ating pamilya. Hindi ko kayang ipahamak ang aking pamilya Anson. Hindi ko kaya" lumuluha na din nyang pahayag dahil sa labis na takot at frustration

" Pero Bluey! Anong gusto mo? Magbulag-bulagan na lang tayo? Makakaya ba yun ng konsensya mo?" Muli kong tanong sa kanya. Napa-iling lang sya habang nakasabunot ang kanyang mga kamay sa magkabila nyang ulo

"Iyon ang makakabuti sa atin Anson! Iyon lang ang paraan para masiguro ang kaligtasan natin. Kaya wala tayong gagawin kundi ang manahimik, magpanggap na walang nangyaring ganon on our watch. Kung hindi, hindi lang ikaw at ako ang maaaring mapahamak. Maging ang ating pamilya" wala na akong nagawa pa kundi ang nanlalambot na naka-upo na lamang sa upuan dito sa kwarto ng dorm.

Pagkatapos na pagkatapos ng araw na yun, noong maulan na araw na yun kung saan pareho naming nasaksihan ang pagdanak ng dugo ay nag-pasya na kaming umalis sa lugar na yun at magbalik sa GSU.

Walang araw na bumabalik ang mga alaalang iyon na tila isang bangungot na mahirap takasan. Paulit-ulit na nagbabalik sa aking alaala ang mga pangyayari, bawat detalye. Halos mawala na ako sa sarili at di ko magawang makapag-pokus sa aking pag-aaral dahil sa pangyayaring iyon. Maging si Bluey ay labis ding nababagabag sa pangyayaring iyon.

"Ano na ba ang nangyayari dito sa school natin? Noong nakaraan may natagpuan silang patay sa school, pagkatapos yung staff ng school and then ngayon naman yung babae. Nakakakilabot" narinig namin ni Bluey na pahayag ng kapwa namin istudyante dito sa loob ng library habang nagbubulungan sila. Nagkatinginan kami ni Bluey dahil sa narinig namin.

"Pare narinig nyo ba yung nangyari sa Business Management Department?" Panibagong balita na narinig namin habang naglalakad kami papasok ng gate ng iskwelahan

"Oo nga! Tapos alam nyo ba na pinatalsik at binugbug pa nya yung professor ng klase na yun" tahimik lang kami ni Bluey na nakikinig sa usapan nila habang nasa likuran nila kami

"Narinig ko din ang mga sunod-sunod na insidente sa iskwelahan at lahat ng iyon mula sa mga Senior High School Department. Biruin mo napakatapang ng gumawa nun. Kahit ang iskwelahan ay walang nagawa para pigilan iyon" nagtaka naman ako dahil sa narinig ko

"Sino ba ang taong iyon?" Muling tanong ng isa pang lalaki

"Hindi ko alam kung sino, pero may bali-balita na kumakalat na baka isa iyon sa may-ari ng iskwelahan kaya ganoon kalakas ang loob. Ganon naman talaga di ba? Kung baga hari-hari sya dito" muling pahayag ng isang lalaki

Into The Unknown (COMPLETED)Where stories live. Discover now