Bluey's POV
"Where am I? "
Hindi ko alam kung nasaan akong lugar ngayon, pero ang alam ko ay lagi akong nagpupunta dito sa tuwing ipinipikit ko ang aking mga mata. I saw this unfamiliar but really familiar woman standing in front of me while she smiling at me. Ngunit malabo ang kanyang imahe.
Hindi ko man sya nakikita ng malinaw ramdam na ramdam ko naman ang saya nya habang nakayakap sya sa aking bewang at maging ako ay ganoon din.
Naririnig ko ang kanyang boses, ngunit hindi ko marinig ng malinaw kung ano ang mga sinasabi nya para din itong nagmumula sa malayo kahit na kung tutuusin ay nasa harapan ko lang naman sya.
It was in the middle of dark and cold night habang ang mga bituin ay masayang kumukutitap. Ramdam ko ang lamig ng hangin na syang humahampas sa amin. Sa tingin ko ay nasa isang bahay kami, nakatayo kami sa isang balkonahe habang may mga di rin kilalang mga tao ang nagkakasiyahan sa baba at labas ng bahay.
"Where am I?"
Ano ba ang ginagawa ko sa lugar na ito, muli akong humarap sa babaeng kaharap ko. Hahawakan ko sana ang kanyang mukha ngunit ganoon na lamang ang aking pagkagulat nang bigla itong naglalaho na para bang usok.
"Where am I? Who are you? "
Tukoy ko sa babaeng nakaupo sa aking harapan habang ako ay nakatayo lamang sa isang lugar. Hindi ko malaman kung ano ba ang mga nakikita ko, madaming sasakyan sa paligid naririnig ko din ang mga sari-saring ingay na parang nagmumula sa malayo. Tumingin lang ako sa aking harapan, partikular sa babae.
Ang sumunod ay nakita ko na lamang ang sarili ko na nababalutan ng tubig ang aking katawan.
Sinusubukan kong lumangoy dahil pakiramdam ko ay napupuno na ng tubig ang aking baga, maging ang aking puso ay kinakapos na din sa hangin.Mula sa ilalim ng tubig ay may nakikita kong babae na pilit umaabot sa aking kamay. Sinubukan kong itaas ang aking braso upang abutin sya, ngunit napakabigat ng mga ito. Maging ang buong katawan ko hanggang sa unti-unti na akong lumubog at nagdilim ang aking paligid, ngunit bago ako tuluyang mawala ay narinig ko ang boses nya mula sa malayo
"Babe? Babeee!"
"Haaah!" Bigla na lamang akong napabalikwas nang bangon habang hinihingal. Agad kong hinawakan ang aking kaliwang dibdib kung saan halos tumalon na palabas ang aking puso dahil sa sobrang bilis at lakas ng pagpintig nito.
Nararamdaman ko ang pagtulo ng malalamig kong pawis mula sa aking noo pababa sa aking mukha at leeg, maging sa aking buong katawan. Habol hininga akong lumingon sa kabuuan ng aking kwarto, madilim at tahimik. Napasabunot ako sa aking ulo habang inaalala ang bagay na nakita ko sa aking panaginip.
Bakit ganoon? Parang totoo ang nangyari, ramdam ko din ang sakit ng mga sugat na natamo ko. Hindi kaya?
Nanlaki ang aking mga mata, ngunit mabilis ding naipilig ang aking ulo upang alisin ito sa aking isipan. Imposibleng mangyari iyo. Una sa lahat dito na ako sa isla lumaki kasama sina nanang at tatang, hindi ko pa din nakikita ang lugar na iyon. Tama isa lang iyong masamang panaginip. Hindi ko na dapat pa iniisip ang mga ganoong bagay, pero...
Napatulala na lamang ako nang muli kong maalala ang malabong imahe ng babae sa aking panaginip. Naramdaman ko na naman ang pananakit at paninikip ng dibdib ko.
"Bakit? " tanong ko sa aking sarili tsaka dahan-dahang hinawakan ang aking pisnge kung saan may luhang bigla na lamang tumulo.
Marahas ko itong pinunasan. Sa tingin ko ay nababaliw na talaga ako, lagi na lang akong umiiyak sa tuwing nagigising ako. Wala akong pinagsabihan tungkol sa bagay na ito, simula nang magkamalay ako after ng 3 taon kong pagkakatulog. Ayon sa kwento ni tatang sa akin.
YOU ARE READING
Into The Unknown (COMPLETED)
RomanceGxG story book two of The Popular Unknown Psychopath