Naalimpungatan ako dahil sa isang bagay na dumidikit sa aking mukha, mamasa-masa ito. Narinig ko pa ang munting pagtawa ng maliit na tinig, winaksi ko ang bagay na ito nang muli itong dumikit sa aking pisnge. Pinunasan ko ang aking pisnge tsaka tumagilid ng higa habang nakatakip sa aking tenga ang aking kamay dahil naiingayan ako sa mabining pagtawa ng tinig. Tila tuwang-tuwa ito sa kanyang ginagawa, gusto kong buksan ang aking mga mata ngunit ramdam ko ang bigat nito.
Napa-ungot ako nang maramdaman ko ang bigat na dumagan sa aking tagiliran at pilit tinatanggal ang kamay at braso kong nakatakip sa aking tenga at ulo. Dumapa ako tsaka itinago ang aking mukha sa unan habang nakatakip na ang dalawa kong kamay sa magkabila kong tenga. Ngunit hindi pa rin umalis ang malikot na nilalang, sumakay lang ito sa aking likod tsaka naramdaman kong hinila nya ang collar ng aking damit sa bandana likod habang niyuyugyog ako nito.
"Nanang inaantok pa po ako"reklamo kong ungot, sandali syang natigil kaya napangiti ako. Nanahimik na sya kaya tinanggal ko na din ang pagkakatakip ko sa aking tenga at inayos ang pagkakasubsob sa unan.
Ilang segundo pa lang ng katahimikan ay nangilabot ako dahil sa hangin na tumatama sa aking tenga, sa tingin ko ay sinisilip nya ako, ramdam ko ang pagkakalapat ng kanyang katawan sa aking likod habang nakadapa ang mga kamay Naman nito ay nasa aking balikat at leeg. Naramdaman ko pa ang pagtusok nya sa aking ilong kaya napa-ungot akong muli. Narinig ko naman ang pino nyang tawa, tuwang tuwa at muling inulit ang ginawa. Kinakamot ko ang aking ilong dahil parang nangati ito tsaka nagbaling sa kabilang side. Lumipat din ang ulo nya sa kabilang side dahil nararamdaman ko na naman ang mainit na hangin na nagmumula sa kanya.
This time ay tinutusok na nya ang aking pisnge kaya inalis ko ang daliri nya, pero dakilang makulit ang nilalang na ito. Kaya nang tusukin nyang muli ang aking ilong ay hinuli ko ang kamay nya. Nangunot ang noo ko dahil maliit na kamay ang nahawakan ko, bahagya akong umangat at idinilat ang isa kong mata. Inaantok na tiningnan ko ang kamay na hawak-hawak ko.
Mas lalo akong napasimangot tsaka lumingon sa nilalang na nasa likuran ko. Unti-unting nagdilat ang mga mata ko't pinagmasdan ang nilalang na ito. Napakurap pa ako sandali tsaka nagpungas upang maging malinaw ang paningin ko. Nanlaki naman ang mga mata ko dahil sa nakita ko.
"Bata??" Tanong ko sa aking sarili at muli syang tiningnan. Nakangiti lang sya sa akin ng sobrang tamis, tuluyan na akong bumangon. Yumakap sya sa aking leeg habang tumatawa, para tuloy syang nangangabayo, natawa din naman ako sa naging reaksyon nya. Lumuhod ako sa aking kama tsaka hinawakan ang kamay nyang nasa leeg ko, inaalalayan ko syang tumayo tsaka ko sya hinarap.
Naka-indian sit na ako habang nakaharap at humikikap pa na pupungas-pungas. Nakaluhod sya sa aking harapan kaya napayuko ako upang tingnan sya. Inabot ng dalawa nyang kamay ang aking pisnge tsaka hinalikan ang aking noo
"Good morning Dada! Muah! Muah! Muah!" Masaya nyang bati habang pinupugpog ako ng halik sa mukha kaya natawa ako sa ginagawa nya.
Ang ginawa ko naman ay kiniliti ko sya ng kiniliti, tawa sya nang tawa habang sinisipa ako. Kaya napapailag ako, napuno na
ng tawanan ang buong kwarto ko dahil sa paghaharutan naming dalawa. Bigla syang tumayo tsaka kumuha ng unan sabay hampas sa akin ng malakas. Feeling ko nabingi ako doom at tuluyan nang nagising dahil sa lakas ng impact nang paghampas nya.Tiningnan ko sya, binitawan na nya ang unan tsaka napatakip sa kanyang bunganga. Nginisihan ko naman sya tsaka ko sya sinugod ng kiliti. Tawaa ako nang tawa dahil nasisiyahan ako sa ginagawa namin. Hanggang sa tinigilan ko na sya dahil parang nahihirapan na syang huminga sa kabila ng mga pagtawa nya.
"Tama na! Enough na!" Turan ko sa kanya tsaka bumaba ng kama. Nakatayo na ako habang nagsusuot ng aking indoor slippers. Tumayo na din sya at humarap sa akin habang hinahawi ang kanyang buhok. Lumapit naman ako sa kanya, pinatalikod ko sya tsaka inayos ko ang buhok nya at tinalian ito ng panali ng buhok ko.
YOU ARE READING
Into The Unknown (COMPLETED)
RomanceGxG story book two of The Popular Unknown Psychopath