Chapter 3

845 36 0
                                    

Amber's POV

"Dito po  ang magiging kwarto nyo maam, and kung may gusto naman po kayo o may nais kayong ipag-utos tawagan nyo lang po ang receptionist just click number 1 and dial. Tuwing 7:30 am po ang schedule ng breakfast. Kung gusto nyo naman po ay mayroong malapit na mga kainan sa labas ng inn na pwede nyong kainan." Tumango lang naman ako bilang tugon tsaka inilibot ko ang aking paningin sa kabuuan ng kwarto. Simple lang naman sya tamang-tama lang para sa isang tao, malinis at mukang komportable naman pag-stay-han for one week

"Salamat. Sya nga pala maiba wala ba talagang ibang paraan para makapagbyahe ako papunta sa isla de unknown? Kung pwedeng mag-rent ay gagawin ko" umiling lang naman sya sakin

"Pasensya na po maam, mahigpit po kasing ipinagbawal muna pansamantala ang pagbyahe para na rin po sa kaligtasan ng mga bisita. Balita ko nga po ay pinabalik po ng isla ang mga bisita na uuwi po sana sa araw na ito dahil sa masamang panahon" nagbuntong hininga naman ako dahip isang linggo ang masasayang.

"Huwag po kayong mag-alala maam, agad naman po namin kayong sasabihan kapag pwede nang bumyahe. Sa ngayon po ang mas mabuti at magandang gawin nyo, kung ayos lang sa inyo pwede ko po kayong i-tour sa lugar na ito. Sigurado po ako na magugustuhan nyo ang lugar at magkakapag-relax po kayo. Tamang-tama may lived band po mamaya sa kapitolyo para sa pagdaraos ng kaarawan ng aming gobernador, imbitado po ang lahat na magtungo doon" masaya nyang pahayag.

"Ganon ba, sige titingnan ko and salamat uli" tugon ko sa kanya

"Sige hoh kung ganoon. Maiwan ko na po kayo muna para makapagpahinga, maaari nyo naman akong tawagan kung may kailangan kayo. Nasa inyo naman na po ang contact card ko, huwag po kayong mahihiya and sana po ay mag-enjoy kayo habang nandito sa lugar namin" tumango lang ako tsaka bago sya tuluyan nang nagpaalam.

Into The Unknown (COMPLETED)Where stories live. Discover now