Third person's POV
"Oh! Kumpleto na ba ang mga kakailanganin natin?" Tanong ni Anson kay Erot na Syang nag-aayos nang kanilang mga bag at gamit sa likod nang pick up truck na Pula.
"Sa tingin ko ay wala Naman na, bukod sa mga kailangan na doon na lang natin bibilhin sa lugar na pupuntahan natin kung sakaling kulangin Tayo nang supply". Tugon naman ni Erot habang sinisigurado na maayos ang pagkakaayos nang mga gamit. Nakapamewang lang Syang tumayo tsaka humarap sa kanyang mga kasama na halos di na makapag antay.
"Baba ka na nga dyan, napakabagal mo talaga kahit kelan! Dali! Sayang oras!" Naiinis na turan ni Feng habang nakapamewang ang isang kamay, samantalang ang isa ay nakaharang sa kanyang noo upang salagin ang mainit na sinag nang àraw na tumatama sa kanyang mga mata.
Tila di maitago nang grupo ang kanilang tuwa at excitement habang lumilipas ang mga minuto ay mas lalong lumalalim ang nararamdaman Nila.
Samantalang tahimik lang Naman sina Amber at Bluey sa isang tabi, halos di na maalis ang ngiti sa mga labi ni Bluey. Lalo na Ngayon, tila isang tao lamang ang nakikita nang kanyang mga mata. Hindi maalis ang kanyang atensyon sa tahimik na si Amber habang nagpipicture na nakangiti. Panakanaka'y isinasama SYA nito sa picture, Minsan Naman ay walang paalam na kumukuha nang litrato si Amber sa busy na mga kasama. Maging sa tahimik na si Bluey, kàya di rin mawala ang ngiti sa mga labi nang babae.
Labis Naman ang paghangang nararamdaman ni Bluey habang nakatingin kay Amber. Dahil sa napaka simple nitong pananamit ay magagawa nyang paikutin ang leeg at ulo nang sino mang makakakita sa kanya.
Di Naman alintana nila Bluey at Amber na kanina pa pala tapos ang kanilang mga kasama na mag ayos nang mga gamit. Dahil sa di pangkaraniwang damdamin ay di Nila alintana ang mga pares nang mga mata na animo'y pinapanuod sila na tulad nang isang telenovela. Hindi matatanggi ang tuwa at sayang nararamdaman nang mga ito para sa kanilang kasama na si Bluey. Hindi matatanggi ang saya Nila dahil ito'y di maitatago nang kanilang mga mata.
Di man Nila gustuhin na putulin ang munting selebrasyon nang kani-kanilang mga damdamin ay kinakailangan dahil tumatakbo ang oras. Nagpasya na lamang si Anson na SYA ang pumutol sa anumang namamagitan sa dalawa, pansamantala.
"Ehem! Ehem!" Turan ni Anson, Ngunit tila walang naririnig o nakikita ang dalawa liban sa kanila lamang.
"Aaah!" Agaw pansin Naman ni Feng nang bigla na lamang itong humiyaw na animo'y gusto nang lumabas nang kanyang Baga sa lakas nito. Kàya maging ang iba nilang kasama ay labis din ang takot at kaba na lumingon sa kanya.
Nakangiti lang Naman SYA nang nakakaloka habang may tinatanaw kunwari mula sa malayo. Kàya Naman napalingon din sa direksyon na yun ang kanyang mga kasama.
"Akala ko may batang tumalon sa truck!" Nakakaloka nyang turan sabay tingin sa kanyang mga daliri dahil sa Sama nang tingin nang kanyang mga kasama.
Panaka-naka ay mahina na lamang itong tumawa sa kanyang mga kasama habang isa-isa nya itong tinitingnan."Ano ba Naman kayo, napakaseryoso nyo Naman. Parang namalikmata lang Naman ako, syempre nagulat ako kàya yun" balewa nyang paliwanag sabay kibit balikat sa kanyang mga kasama na wala na ding nagawa pa kundi ang tingnan lang SYA.
Mga ilang minuto lang ay nagpasya na silang magsisakay nang dumating na din ang ilang pinsan ni Anson na Syang nagmamay-ari nang pick up truck. Saktong sakto ang pagbisita nang kanyang pinsan para magbakasyon, kàya Hindi na sIla namoblema pa sa gagamiting sasakyan.
YOU ARE READING
Into The Unknown (COMPLETED)
RomanceGxG story book two of The Popular Unknown Psychopath