Bluey's POV
Tahimik lamang akong nakatingin sa aking sarili mula sa salamin habang inaayos ang aking sarili. Tulala lang ako, ngunit sa aking ulo ay walang katapusang tumatakbo ang isang alalahanin na syang nagbibigay sa akin ng matinding takot.
Humugot akong muli nang malalim at mabigat na paghinga tsaka ito buong lakas na inilabas, umaasa na mailabas ko din ang matinding bigat at takot na nararamdaman ko sa aking loob.
Hindi ko maintindihan kung bakit ko ito nararamdaman, sa hindi malamang dahilan ay sobra yung takot at pangambang nararamdaman ko. Para bang ito ay may dalang pasabog na syang magpapabago sa aking buhay, hindi man ngayon. Baka bukas o sa susunod na mga araw.
Natatakot ako. Natatakot ako sa maaaring maging epekto nito sa aking pagkatao. Natatakot sa mga pwedeng mangyari. Dapat nga bang sundin ang sinasabi ng puso ko? Dapat ko pa bang hanapin at alamin ang nawawalang parte dito sa isip ko?
Gusto ko, nais kong malaman at makita kung ano man yung nawala sa akin. Ngunit paano ko gagawin iyon? Lalo na't walang kasiguruhan ang daang tatahakin ko upang makita iyon. Napakadilim ng daan patungo sa walang katiyakang bagay.
Paano? Paano ko nga ba magagawa yun? Nahihirapan akong mag-decide sa kung ano ba talaga ang dapat o susunod kong gawin. Napakahirap talaga kapag yung sarili mo ang nawawala. Napakahirap hanapin, lalo na kung halos di mo ito makilala.
Sino nga ba kasi talaga ang hinahanap ko? Wala akong kaide-ideya kung ano nga ba at kung bakit ko pa nga ba ito ginagawa. May malakas na boses dito sa aking dibdib na nagsasabing dapat kong hanapin ang nawawalang iyon upang mabuo na ang aking pagkatao. Ngunit ang aking isip? Nababalot ng takot at dilim.
Sa huling minuto na pagtitig sa salamin ay muli akong nagpakawala ng isang napakalalim na buntong hininga. Wala mang kasiguraduhan, ay dapat ko pa ding subukan. Turan ko sa aking sarili, pagkatapos ay kinuha ko na ang aking bag, kung saan nakalagay ang ilanh gamit na sa tingin ko ay magagamit ko sa aking paghahanap.
Ngunit mabilis akong napatukod sa lamesa nang isasara ko na sana ang zipper ng aking bag. May kung sino akong nakikita nakasuot sya ng itim na gloves habang inaayos ang isang itim na bag, kinabahan ako nang makita ko kung ano ang mga bagay na inilalagay nya dito. Hindi ko maintindihan kung bakit at kung para saan ang mga bagay na yun. Ngunit malakas ang kutob ko na hindi yun magandang pangitain.
Ipinilig ko ang aking ulo upang alisin ito sa aking isip. Napahawak ako sa aking dibdb dahil sa napakabilis na pagtibok ng aking puso. Para akong kakapusin ng hangin dahil sa bigat nang aking nararamdaman sa mga oras na ito.
Ilang minuto ang aking pinalipas bago tuluyang kumalma ang aking sarili. Wala na ata akong ibang nagawa sa buong maghapon kundi ang mag-isip ng malalim at maglakbay ng sobrang layo ang aking diwa sa loob ng buong araw, lalong-lalo na angw alang katapusang buntong hininga na nagmumula sa pinakaibuturan ng aking puso.
Bakit ba kasi kailangang may ganito pang feelings o pangyayari? Required ba talaga na may taong nagkakaganito? Kailangan ba talaga na makaramdam tayo ng ganito? Kung oo, bakit? Ano nga ba ang mabuting resulta nito? Ano ang magandang dulot?
Samantalang parang purong alalahanin at saloobin lamang ang dala ng mga ganitong damdamin sa atin. Napakahirap at nakakapagod din, lalo na kung sa araw-araw na ginawa ng Diyos ay wala kang ginawa kundi ang mag-isip at mag-alala, sa kung ano nga ba ang mga mangyayari kinabukasan. Ang pag-alala sa nakaraan. Ang patuloy na makaramdam ng disappointments.
"Haixt! Imbis na mag-alala sa mga bagay na walang kasiguruhan. Bakit hindi na lang natin hanapin at alamin ang mga bagay-bagay?" Turan ko sa aking sarili habang nakaharap sa salamin. Ngumiti lang ako tsaka tumango
YOU ARE READING
Into The Unknown (COMPLETED)
RomanceGxG story book two of The Popular Unknown Psychopath