Third person's POV
Tahimik Ang buong kwarto habang payapang nakahiga si Bluey sa kanyang higaan. Pagkalipas nang ilang Segundo ay unti-unting nagdilat Ang kanyang mga Mata, ngunit agad Naman nyang hinarangan Ang kanyang mga Mata upang salagin Ang nakakasilaw na liwanag na sumisilip sa kurtina nang kanyang bintana. Pagkatapos ay Dahan-dahan syang bumangon, pikit Ang Isang Mata habang inaaninag Ang kabuuan nang Lugar. Inilibot nya Ang kanyang paningin Hanggang sa magpasya na syang tumayo. Agad nyang nilapitan Ang kanyang bintana at hinawi Ang kurtina na tumatabon Dito. Nabigla Naman sya sa liwanag na sumabog sa kanyang mga Mata kaya napatakip sya nang dalawang kamay sa kanyang Mukha. Huminga sya nang malalim nang marinig nya Ang huni nang mga ibon, ngumiti sya at tuluyan nang binuksan Ang kanyang mga Mata nang makarecover na ito sa liwanag nang araw.
Sumalubong sa kanyang paningin Ang luntiang kapaligiran na nilamon nang katahimikan, bukod sa ingay nang mga ibon, nang mga Puno at ihip nang hangin. Naramdaman naman nya kaagad Ang paghaplos nang malamig na hangin sa kanyang Mukha nang buksan na nya Ang glass window nang kanyang binata, kung saan until-unting hinaplos nito Ang mga kagamitan na nasa loob nang silid. Mula sa pahina nang kanyang mga libro at notebook, maging Ang paghawi nito sa maliit na kalendaryo. Nag-stretching muna si Bluey bago tuluyang tumalikod Mula sa bintana, napatitig Naman sya sa pintuan na kaharap na nya Ngayon ilang pulgada Ang distansya Mula sa kinatatayuan nya. Kumilos na sya at lumapit sa kanyang walk-in closet, nangunot Ang kanyang noo dahil sa Nakita nyang mga damit sa loob nang closet. Hinaplos at pinagmasdan nya Ang mga ito, mula sa mga black, gray sweater, t-shirts at polo shirt. Bumaba pa Ang kanyang paningin at nag wonder sa loob nang closet natagpuan Naman nya Ang mga pang-ibaba na jeans at ilang mga undergarments. Nakataas Ang kanyang Isang kilay na kumuha na lamang nang jeans, black sweater, white polo shirt at undergarments na gagamitin nya. Pagkatapos ay isinara na Ang closet sabay harap sa pintuan, naka-ilang hakbang pa lamang sya ay napatigil sya dahil sa Isa na namang pintuan na kanyang Nakita, nilapitan nya iyon at Puno nang curiosity na binuksan. Napangiti Naman sya nang Makita na Isa Pala iyong bathroom.
Pagkapasok nya ay mabilis nyang hinubad Ang kanyang mga suot para maligo, ngunit napahinto sya nang makaharap sya sa salamin. Puno nang katanungan at pagtataka Ang kanyang mga Mata dahil sa mga pasa at sugat na nakita't nahahawakan nya sa kanyang mga balat. Napakislot pa sya nang hawakan nya Ang Isang sugat na may kalaliman pa at ilang pasa sa kanyang katawan na makikitanh bago pa. Kibit balikat na lamang nya ito pinagsawalang bahala at nag-umpisa na sa kanyang paliligo.
Halos kalahating oras Ang lumipas bago sya matapos sa kanyang paliligo dahil na Rin sa sakit nang kanyang katawan sa bawat pagdampi nang tubig Dito. Agad nyang tinuyo Ang sarili at sinuot Ang kanyang mga damit pagkatapos nyang lagyan nag Benda at gamutin Ang kanyang mga sugat at pasa. Maging Ang maliit na hiwa sa kanyang ilong ay nilagyan nya nang ointment at bandaid. Pagkatapos ay kinuha na nya Ang kanyang mga gamit, tsaka lumabas nang kwarto.
Pagkalabas nang kwarto ay muli syang nilamon nang katanungan, lalong Lalo na sa katahimikan g bumabalot sa buong Lugar. Wala syang marinig na kahit Anong kaluskos, naglakad lang sya Hanggang sa makarating sya sa kusina na walang Ibang makikita o maririnig. Nagsimula na lamang syang magluto nang kanyang makakain.
YOU ARE READING
Into The Unknown (COMPLETED)
RomanceGxG story book two of The Popular Unknown Psychopath