Chapter 22

360 14 0
                                    

Third person's POV

Habang masayang namimili nang mga lamang dagat sina Amber, hindi nila alintana ang ilang pares nang mga mata na nakatingin at nakabantay sa bawat galaw na ginagawa nila. Tila ba pinag-aaralan, kinikilatis at kinakabisa ang bawat galaw nila. Samantala ang grupo naman nila Amber ay walang humpay na nakikipagbatian sa mga taong nasa talipapa, mapa-tindera man at kapwa mamimilî.

"Ate bigyan nyo nga po kami nang tig iisang pusit na ito. Yung sasakto po sa aming lahat. Nagtitipid po kasi kami" turan ni Feng sa tindera na napatingin lang sabay ngiti sa kanya, na agad din namang sumunod

"Sus! Kunwari ka pa Feng, dinamay mo pa kami. Ang sabihin mo kuripot ka talaga. Gawa-gawa ka naman nang kwento dyan" sabat naman ni Domer na nang-aasar, kaya naman hindi na nagpalipas pa nang minuto si Feng at agad nya itong pinatikim nang malutong na sapak na kinatawa nqman nang mga kasama. Samantalang kitang-kita naman ang pagkabigla nang batang tindera sa nasaksihan nya, napahawak pa ito sa kanyang ulo na kunwari'y sya ang tinamaan habang nakangiwi.

"Ay! Wala po akong nakita"  turan nang tindera sabay tingin sa taas upang umiwas nang tingin, sabay talikod. Na para bang nahiya sya para kay Domer at nakaramdam din nang awa.

"Tsaka nga po isang kilo nang hipon ate. Pwede pong pakibilang?" Turan naman ni Domer, agad namang  napatingin sa kanya ang mga kasama habang busy sya sa pagsusuri nang hipon. Nahalata nya  ang biglang pagtahimik nang mga kasama kaya napatingin din sya sa mga ito na nakatingin sa kanya.

"Oh! Bakit kayo ganyan makatingin?" Tanong nya sa kanyang mga kasama

"Bat kailangan mo pang ipabilang sa tindera yung isang kilong hipon?" Curious na tanong naman ni Bluey habang puno nang pagtataka ang kanyang mga mata

"Ah! Yun ba? Minsan kasi nagpaluto din kami kasama mga pinsan ko nung nagbakasyon kami, kulang yung bilang nang hipon kaya nabitin kami" napatampal naman sa mukha sina Erot at Anson sa naging tugon ni Domer

"Oooh!" Naging respond lang Nila Amber, tsaka napatikhim sabay Iwas nang tingin  sa mga tindera. Kunwari ay sa mga paninda Nila itinuon ang kanilang atensyon. Samantalang alangan namang napatingin at napangiti lang sina Anson sa mga tindera na tila nahihiya din dahil sa ginawa nang kung sino man iyon.

"Ma, pa mamili na po kayo nang kung ano gusto nyo" turan nang katabi naming costumer habang may masamang matndang lalaki at babae. Busy sIla sa pagtingin nang mga lamang dagat, Ngunit Kita sa kanila Ng kilos ang pag-aalinlangan

"Ikaw na ang bahala anak kung ano gusto mo" tugon Naman nang timang sa kanyang anak tsaka matipid na ngumiti

"Kayo nga pinapapili ko eh. Ikaw po ba papa, ano gusto nyo? Hipon o kàya pusit? Mag buttered at adobo po Tayo" magandang turan nang kanyang anak

"Eh magkano ho ba dito sa pusit at hipon?" Tanong nang ginoo sa tindera habang nakatutok sa mga paninda

"380 pesos po per kilo ang pusit sir. 400 pesos per kilo Naman po ang hipon" nakangiting tugon Naman nang tindera. Tila nagulat ang ginoo sa kanyang narinig na agad binawi ang pagkakaturo nang kanyang daliri sa mga paninda tsaka ito ipinasok sa kanyang bulsa.

Napatingin Naman sina Bluey at Amber, maging si Domer sa mag-asawa. Pinapanuod Nila ang mga ito habang busy ang iba nilang mga kasama

"Ay! Ang Mahal Naman pala. Huwag na lang anak, kahit isda na lang. Napakamahal" turan nang ginoo sa kanyang anak na agad namang sinang-ayunan nang ginang

Into The Unknown (COMPLETED)Where stories live. Discover now