Amber's POV
Hindi ko alam kung ano ang mga salita na dapat kong bitawan upang tugunan ang kanyang pagtatapat. Tila may nakabara sa aking lalamunan at umatras ang aking dila. Masaya ako dahil gusto nya ako, ngunit bigla kong naisip kung ano nga ba ang sitwasyon namin ngayon. Nginitian ko na lamang si Bluey bilang tugon at mas piniling itikom ang aking bibig sa mga oras na ito, dahil iyon ang mas makakabuti ngayon saming dalawa. Sa akin, lalong lalo na sa kanya. Hahayaan ko na lang muna na gustuhin ako ni Bluey, hanggang sa bumalik na nang tuluyang sa akin si Zev. Napaka-unfair para sa katauhan ni Bluey, ngunit anong magagawa ko. Si Zev lang ang nakikita at nadarama ko kapag kasama ko sya. Oo dahil malayong-malayo ang katauhan ni Zev sa kanya, tila ba magkaiba silang tao na nasa iisang katawan.
"Teka bat pa nga ba ako namimili at nagkukumpara sa pagitan nilang dalawa? Eh iisa lang naman sila"
Turan nang aking sarili sa aking isipan. Ngunit nagkokontra ang aking isip at puso, nais kong magbalik na sa akin si Zev, ngunit kapag nangyari iyon. Naisip ko naman ang katauhan nya bilang si Bluey, kung saan mas nakikita at nararamdaman ko ang kanyang kasiyahan kesa noon. Bigla ako nakaramdam nang lungkot, dahil hindi naman maaari na mabuhay ang dalawang magkaibang katauhan sa iisang katawan. Parang tinutusok ang aking puso dahil sa biglang pagkirot nito habang nakatanaw ako kay Bluey na masayang namimili nang mga seafoods. Masaya syang nakikipag-kwentuhan sa ibang tao, masaya sya sa mga simple at maliliit na bagay sa kanyang paligid. Yung kislap nang kanyang mga mata kapag pinagmamasdan nya ang kalangitan, sa tuwing sinasamyo nya ang malamig na hangin. Sa tuwing nakakakita sya nang mga bagay na bago sa paningin nya, sa tuwing nakikipagbatian sya sa mga taong nadaraanan nya. Ang mga ngiting iyon na hindi ko pagsasawaan na pagmasdan. Napahawak ako sa kaliwang dibdib ko dahil bumilis na lang bigla ang pagtibok nito, tila iisang tao lang din ang nakikita ko sa mga oras na ito.
"Parang di ko kakayanin kapag dumating ang araw na hindi ko na makikita ang mga ngiting iyon mula sa kanya"
Turan nang aking isip, di ko namalayan na tumutulo na pala ang luha ko. Napatingin sya sakin, nabasa ko ang pagbabago nang kanyang ekspresyon. Marahil ay nakita nya ang biglang pagluha ko. Yumuko ako tsaka ko pinunasanan ang aking luha, pag-angat nang aking ulo upang tingnan syang muli ay nakita ko syang ibinaba sa lalagyan ang mga bagay na hawak nya at nagpaalam sa kanyang mga kasama para lumapit sakin. Umiling ako nang dahan-dahan, hanggang sa bumilis dahil naglakad na sya patungo sakin na may pag aalala, agad ko syang sinalubong. Patakbo akong lumapit sa kanya, di ko na alintana ang sasakyang parating. Mahalaga ay makalapit ako sa kanya.
Nang tuluyan akong makatawid ay agad kong isinabit ang dalawa kong braso sa kanyang leeg at mahigpit na hinapit sya sakin upang yakapin nang mahigpit. Tsaka ko isinubsub sa kanyang leeg ang aking mukha habang wala pa ring tigil sa pagtulo ang aking mga luha. Alam kong nararamdaman nya ang init nang aking mga luha. Napayuko sya't gumanti rin nang yakap sa akin habang hinahagod nya ang aking ulo, na syang nakatulong naman para kumalma ang aking pakiramdam. Halos ilang minuto kaming magkayakap, tila isang mag asawa na matagal na di nagkita at nagkasama. Di ko sya magawang bitawan dahil sa takot na baka maglaho na lang sya bigla sa aking harapan.
"I'm sorry Zev for feeling this way. I'm really sorry, I shouldn't but I did. Sorry"
......
It felt so weird, when you get confused about one person's personality even though they are just the same person, but seems not. Or it is because you're looking for someone whose been gone long ago. They seem like the same person you used to know, the looks. But as time goes by, you realized, lot of things has changed. When you look at them, you will loss at the memories of who they used to be on your life. Because the longer you look at their eyes the more you cannot recognized them. And it felt sucks and miserable, the betrayal is overwhelming. Because it feels like, time stole something important in your life and you will never find replacement no matter what you do. It's like losing at the unknown dimension, you don't know where to go, you're not sure how you should react, what should be the feeling you must feel in that very moment. It's like looking a river in a vast dessert, it felt unsure. The desperation and uncertainty running in your mind, makes your system shutdown.
YOU ARE READING
Into The Unknown (COMPLETED)
RomanceGxG story book two of The Popular Unknown Psychopath