I was looking all over the place but I can't see any signs of her. My heart beats faster and my breath felt so heavy that cause me pain inside. The thoughts of losing her is making me feel crazy, I can't lose her. Not now that I found her, I just can't. I want to scream my lungs out, I want to scream her name. But it feels my voice got stucked, I can't utter a words because the pain and burden I'm feeling right now is overwhelming.
"Bakit mo pala ginawa yun babe? Gumastos ka pa ng pera para sa kanila, eh hindi mo naman kailangang gawin iyon" tanong ko sa kanya, pero ang totoo ay may hidden agenda ako. Nakatingin lang sya sakin then tumingin sa kawalan habang nag-iisip ng isasagot
"Hmm... wala naman. Sabi kasi nila share your blessing. Kaya iyon ang ginawa ko. Binigay ko lang sa kanila kung ano ang wala sila na meron ako, wala namang mali sa ginawa ko babe. Hindi yun questionable, dahil nararapat lang naman na gawin natin iyon sa kapwa natin. Kung anong meron tayo na wala sila, magbigay tayo. Kasi nga daw mahihina ang tao, we lean to each other, helps each other, care for each other, give love to each other and that how we made to be a human. Isa pa gusto ko lang i-share sa kanila yung happiness na hindi matutumbasan ng kahit anong halaga. Wala na kasi akong mapaglagyan dito sa loob ko dahil nag-uumapaw yung saya ko lalo na nandito ka sa tabi ko, kaya naman para di masayang I want to give them happiness kahit na sa maliit na bagay o simpleng pamamaraan lang. Dahil ang totoong happines babe, hindi yan tungkol sa bagay na nakukuha mo, maging kahit na ang pera. Dahil yung true happines it's about how you feel dyan sa puso mo" mahaba nyang pahayag tsaka ngumiti sakin na syang nagpangiti din sakin, ipinulupot ko ang aking braso sa kanyang bewang tsaka ko sya niyakap ng sobrang higpit.
"I can't lose you now, babe" turan ko sa aking sarili at muling luminga-linga sa aking paligid. Ngunit ilang minuto na at halos mabali na ang aking leeg kakahanap sa kanya ay hindi ko sya makita.
"I can't lose you again babe. This time I will do everything on my power to bring you back to me. I will do everything" determinado kong turan tsaka napakagat sa aking lower lips upang pigilan ang nagwawalang boses dito sa aking loob.
Binaliwala ko na ang paligid dahil naisip ko na wala akong mapapala gayong kanina ko pa sya sinusubukang hanapin dito sa gitna nang maraming tao. Mabilis akong nagbaling sa loob ng hospital tsaka tumakbo muli papasok diretso sa information desk upang magtanong tungkol sa kanya
"Ahmm excuse me miss, maaari ko bang malaman kung nasaan na ang pasyenteng si Bluey De Mesa? Hindi ko na kasi sya nakita sa room nya" kuyom ang mga kamay ko habang mataman lang na nakatingin sa staff na nagma-manage upang paki-usapan sya na sabihin sakin ang kinaroroonan nya. Ramdam ko na din ang panggigilid ng aking mga luha. Nabasa ko naman ang pag-aalinlangan sa kanyang mga mata, napapikit ako sabay naman nun ang pagtulo ng aking luha sa kaliwang mata.
"Please miss, sabihin mo na sakin. I need to see her. Please!" Puno ng pagmamakaawa kong turan, marahas kong pinunasan ang luhang naglandas sa aking kaliwang pisnge habang patuloy na pinapatatag ang aking sarili sa kabila ng aking panghihina dahil sa isiping mawawala na naman sya sakin.
"Sis! Break lang muna ako, restroom lang" agaw atensyon ng isa pa nyang kasama na sinagot lang naman nya ng ngiti at marahan na tango. Hanggang sa tuluyan na itong umalis, muli syang nagbaling sa akin. Nakatitig lang ako sa kanya habang nangungusap ang aking mga mata. Tumingin muna sya sa paligid tsaka nagtipa sa keyboard ng computer
"You know miss, it's confidential kaya sana ay sekreto lang natin ito. Kung hindi ay mapapatalsik ako sa aking trabaho" buhat sa kanyang sinabi ay nabuhayan ako ng pag-asa, nginitian ko sya at tinanguan habang patuloy pa ding tumutulo ang aking mga luha.
Kumuha sya ng kapirasong papel tsaka may isinulat, kaya agad ko naman iyong tinanggap at binasa pagkabigay nya
"Abay De Mesa, Isla De unknown" ang nabasa ko sa nakasulat tsaka nagbaling sa babae. Tumango lang naman ito
YOU ARE READING
Into The Unknown (COMPLETED)
RomanceGxG story book two of The Popular Unknown Psychopath