"She's getting worse. I think we have to do something" di mapakaling turan ni Mr. Anderson tsaka hinawakan ang kanyang baba while walking back and forth, samantala nakasunod lang nang tingin si Mr. Smith sa kanya. Nag-iisip din kung ano nga ba ang gagawin nila
"What else we could do? In fact, we can't decide what we must do to her because she's in chairwoman's hand. We don't have rights para pagdesisyonan ang mga bagay wether it's good or bad for her. Dahil in the end ang chairwoman pa din ang magde-decide non" walang pag-aalinlangan pahayag ni Mr. Smith dahilan para mapatitig sa kanya si Mr. Anderson
"Then I must do something before it's too late, before we lost her completely" huling sinabi ni Mr. Anderson bago nagpasyang umalis sa harapan ni Mr. Smith, nakasunod lamang nang tingin sa kanya si Mr. Smith na wala nang nagawa pa kundi ibalik na lamang muli ang kanyang atensyon sa harap nang monitor kung saan makikita si Zeventheen sa loob nang isang silid na nagwawala
"Evelyn, I need to talk to you" napabalikwas naman si Evelyn sa kanyang inuupuan dahil sa biglang pagsulpot ni Mr. Anderson.
"We need to do something, we must convince the chairwoman to let Zeventheen out of this place for the mean time. We need to take her somewhere far away from this place, from those events to pull herself together. Before the council know about this, dahil oras na malaman nila ang nangyayari kay Zeventheen na syang next in line para sa title nang pagiging leader nang familyang ito, ay malaking gulo. Maraming miyembro nang familyang ito ang hindi nagustuhan ang naging resulta nang tournament. Hindi sila satisfied sa naging resulta, madaming nag-iisip at nagdududa na may pandarayang nangyari dahil sa isa syang Graystone. Iniisip nila na nanalo lang si Zeventheen dahil sa kanyang pangalang dinadala, kaya naman hangga't maaga pa ay dapat nating maagapan at maayos ang sitwasyon ni Zeventheen.." mahabang turan ni Mr. Anderson ni hindi na magawa ni Evelyn na makapagsalita, kaya tikom lamang ang kanyang bibig habang mataman lang na nakikinig kay Mr. Anderson
"Hindi dapat malaman nang council at nang ibang miyembro nang familyang ito ang kalagayan ni Zeventheen. Dahil gagamitin nila ito laban sa kanya at sa chairwoman, it will surely shake the foundation of this empire na hindi natin dapat hayaan" napa-isip naman nang malalim si Evelyn at unti-unting nilamon nang takot at pag-aalala sa maaaring kahinatnan ni Zeventheen oras na mangyari nga ang bagay na iyon
"Hinding hindi ko hahayaan na mangyari iyon. Hindi ako makakapayag na ganon-ganon na lamang nila aagawin at aalisin ang bagay na pinaghirapan at inilaan para sa anak ko. Hindi ako makakapayag na mawala na lang nang ganon ang lahat nang kanyang pinaghirapan. Ano sa tingin mo ang dapat nating gawin Mr. Anderson? We need to do something to protect her and her position at pati na rin ang familyang ito" Puno nang pag-aalala at despirasyon ang kanyang mga mata habang nakatitig kay Mr. Anderson
"We need to hide her, pansamantala. Hindi dito sa loob nang mansyon, dahil kahit na gaano kalaki ang lugar na ito ay ganoon naman kaliit ang tsansa na makaligtas sya oras na magkaroon nang hindi inaasahang pagkakataon. Kailangan natin syang ilabas, sa lugar kung saan mas maitatago nya ang kanyang pagkatao" naguluhan naman si Evelyn sa sinabi ni Mr. Anderson
"Paano natin sya ma-itatago kung ilalabas natin sya sa publiko Mr. Anderson?" Nalilitong tanong nya
YOU ARE READING
Into The Unknown (COMPLETED)
RomanceGxG story book two of The Popular Unknown Psychopath