Chapter 7

794 33 5
                                    

Amber's POV

Impit ang boses ko nang maramdaman ko ang mainit na pag-ihip ng hangin sa aking leeg. Idinilat ko ang aking isang mata upang lingunin kung saan iyon nanggagaling. Nanlaki bigla ang dalawa kong mata nang makita ko kung ano ang nangyayari.

Halos gahibla na lang ng buhok ang pagitan ng mukha namin, napalunok ako habang magkatitigan kaming dalawa. Nangilabot ako nang bigla syang bumulong

"P-pasensya na. H-hindi ko lang mapigilan ang sarili ko. S-sana p-pagbigyan mo ako, k-kahit ngayon lang"  mahina nyang bulong sa aking tenga, gusto kong mapapikit dahil sa dating ng kanyang boses na syang nagbibigay kilabot sa aking katawan. Daig ko pa ang pusang nakalunok ng dila dahil wala manlang ni isang salita na lumabas sa aking bibig, tumango lang ako bilang tugon

"Salamat" tuluyan na akong napapikit nang ilapit na nya nang tuluyan ang kanyang mukha at katawan sa akin. Ramdam ko ang panginginig ng aking katawan lalo na nang tuluyan nang pumulupot ang kanyang braso sa aking bewang at muling sumiksik ang kanyang mukha sa aking leeg.

Madiin din akong nakahawak sa bedsheet habang nakapikit. Nararamdaman ko pa din sa leeg ko ang kanyang hininga. Ilang minuto na ay wala pa rin syang ginagawa kaya dahan-dahan akong nagdilat ng mata.

"A-anong  ginagawa mo?" Naguguluhan kong tanong sa kanya, bahagya akong lumayo para sipatin sya nang mabuti. Nag-angat sya ng ulo tsaka ngumiti na parang bata

"Hehehe eh di ba sabi mo okay lang? Pasensya ka na, natatakot kasi ako sa dilim eh. Lalo na ngayon wala ako sa sarili kong kwarto" pahayag nya sabay kamot sa kanyang pisnge.

"A-akala ko..." Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil napahiya ako sa sarili ko

"Sige na, please?" Pagpapaawa effect nya. Wala na akong nasabi pa kundi ang tumango na lang, aba! Ako pa ba ang aarte. Syempre hindi na uy! Ika nga grab the opportunity.

Ilang sandali ay napuno na lang nang katahimikan ang buong kwarto, hindi ko manlang namalayan na umuulan na pala sa labas. Bukod sa mahina at mabagal na paghinga nya ay wala na akong ibang naririnig kundi ang nakakabinging katahimikan na sinasabayan din nang mabilis na pagtibok ng aking puso.

Ilang minuto na ang nakalipas ngunit magpahanggang ngayon ay hindi pa rin kumakalma ang aking puso. Huminga ako ng malalim tsaka dahan-dahang pumihit paharap sa kanya, ibinaba ko kaunti ang aking sarili upang magpantay ang aming mga mukha at para na rin mapagmasdan ko ito ng maayos.

Inilagay ko sa ilalim ng aking ulo ang kaliwa kong kamay upang gawing unan habang nanlalamig na nakakuyom naman ang isa na nasa aking dibdib. Unti-unting sumilay ang munting ngiti sa aking labi.

Pinagmasdan ko ang payapa nyang mukha habang natutulog, hinawi ko ang hibla ng hindi kahabaan nyang buhok na syang tumatabing sa kanyang mukha. Mas lalo akong napangiti nang malinaw ko na itong makita sa kabila nang dilim na dulot ng kawalan ng ilaw.  Pinatay ko  ang ilaw dahil hindi ko gusto ang dating ng kulay nito.

Sa kabila nang dilim na naghahari sa pagitan namin ay nangingibabaw pa din ang kagandahan ng kanyang mukha. Marahan kong hinawakan ang kanyang pisnge upang damhin ang init nito, napangiti ako habang ang aking mga luha ay nag-uumpisa nang mamuo

"Am I dreaming now?  If yes,  then I would like to sleep like this forever.  Mas gugustuhin  ko na lang na managinip habang nasa harapan kita.  Matagal  Kong hinintay at pinangarap ang pagkakataon na ito,  kung saan Malaya kitang mapagmamasdan at mahahawakan.  Thank you dahil sinagot ng langit ang matagal ko nang dasal at ngayon nga ay nandito ka na Sa harap ko,  muli" marahan kong pinahid ang aking luha tsaka napapikit ng madiin

Into The Unknown (COMPLETED)Where stories live. Discover now