Chapter 11

729 29 2
                                    

Bluey's POV

"I'm sorry about what happened a while ago.  It's just that,  Hindi ko  lang napigilan yung sarili ko. Lalo na nang makita ko yung lalaki na sinampal ka, parang biglang nag-init yung kamay ko lalong-lalo na yung ulo ko. Hindi ko maintindihan, ngunit parang kusa na lang gumalaw ang katawan ko at nagawa ko ang bagay na iyon. Gusto ko mang pigilan ang aking sarili, pero hindi ko magawa."

"In fact I really like it,  no I love it.  There's something akong naramdaman. Ang sarap sa pakiramdam at ang saya, lalo na when I saw his blood. It makes my heart beat faster" bulong ko, tila sa sarili ko lamang iyon sinabi.

Wala ibang maririnig sa paligid kundi ang katahimikan at ang ingay lamang ng mga alon at hangin. Ang malakas na kabog ng puso ko, ang malalim at mabagal na paghinga lang namin.

"Saan tayo pupunta? Sigurado ka ba na safe tayo dyan?" Muli nyang tanong sabay turo sa motor habang napupuno ng pag-aalala ang kanyang mga mata.

Hinarap ko sya, nginitian tsaka ko marahang pinisil ang kanyang kamay. Gusto kong tanggalin ang takot at pag-aalala sa kanya, lalo akong napangiti nang tumango na lamang sya't ngumiti din. Nawala na ang pagaalala at takot sa kanyang mga mata, napalitan iyon ng excitement at tiwala.

Binitawan ko na ang kanyang kamay tsaka kinuha ang helmet na para sa kanya. Nakatitig lang sya sakin habang isinusuot ko iyom sa kanya. Pagkatapos ay tinitigan ko sya sabay katok sa kanyang ulo. Napatawa ako nang mahina dahil nakasimangot na sya't naka-pout pa dahil sa ginawa ko habang nakahawak ang kanyang kamay sa ulo nya

"Magtiwala ka lang sakin, sisiguruhin ko na ligtas ka habang ako ang kasama mo. Hinding-hindi kita pababayaan, gagawin ko ang lahat basta masiguro ko lang na maayos at ligtas ka Amber" madamdamin kong turan habang nakatingin sa kanyang mga mata na kumikislap dahil sa liwanag ng buwan. Tumango lang naman sya sakin.

Kaya naman nauna na akong sumakay sa motosiklo, inalalayan ko syang sumakay. Kinuha ko ang dalawa nyang kamay, tsaka ko sya hinila papalapit sa akin. Agad kong naramdaman ang init ng kanyang katawan nang lumapat ito sa aking likod.

Ramdam ko rin ang mabilis at malakas na tibok ng kanyang puso, ipinuwesto ko sa aking tiyan ang dalawa nyang palad.

"Kumapit ka ng mahigpit. Huwag na huwag kang bibitaw, basta magtiwala ka lang sakin" turan ko sa kanya, naramdaman ko lang ang pagtango nya. Kaya naman hinawakan ko na ang manubela

"Okay. Ready ka na?" Tumango lang sya, naramdaman ko ang paghigpit ng kanyang yakap sa aking bewang

"Kung ganoon" pinihit ko ang silenyador, humigpit ang kapit nya sa aking damit. Kaya palihim akong natawa

Into The Unknown (COMPLETED)Where stories live. Discover now