Special Chapter 1

977 24 3
                                    

"what do you think you're doing right now?!" Puno nang sama ng loob kong tanong sa kanya habang hilam sa mga luha ang aking mga mata. Pinipigilan ko ang labis na galit, lungkot at sakit na nararamdaman ko sa mga oras na ito dahil sa ginagawa nya.

Nanatili lang syang walang imik sa akin, malamig na nakatitig sa aking mga mata. Nababalot ito ng dilim at lamig, tila walang buhay at parang walang pakiramdam. Just like the old Zeventheen back then when were high school. Muli ko na namang nakikita ang mga matang iyon, ngunit mas nangingibabaw ang lamig ng mga ito.

"Ano?! Mananatili ka na lang bang walang imik?! What the fuck Zev! Do you realized what you're doing right now?" Hindi ko na kayang pigilan ang sakit na nararamdaman ko. Nananakit na din ang aking lalamunan at mga mata dahil sa matinding emosyon na bumabalot sa akin ngayon.

"I think it's better to forget everything. It way more better than.." para akong biglang namanhid sa sinabi nya, ngunit hindi ko na narinig pa ang iba nyang sinabi

"Do you hear your self Zev?! Do you have any idea what you're saying?! Ganoon na lang ba kadali para sayo sabihin ang mga bagay na yan?!" Di makapaniwala kong tanong sa kanya habang marahas na bumababa-taas ang aking dibdib dahil sa bigat at sakit. Nanatili syang nakatingin sa akin, pumikit sya at napayuko bago muling magsalita

"I'm so sorry Amber. But I can't go back. I'm dead anyway, it's better if we leave it that way and move on" walang bahid na kahit anong emosyon sa kanyang boses habang binibitawan ang malamig na mga  salitang iyon, kasing lamig ng kanyang boses at ng kanyang mga mata. Napahilot sya sa kanyang sentido

"Let's move on Amber, kalimutan na lang natin ang lahat. You look okay naman nang wala ako. Look, napalaki mo ng maayos si Zember kahit na wala ako sa tabi nyo. Isa pa, nandyan si Jake. Bakit di mo sya bigyan ng chance at buksan ang puso mo para sa kanya" pagkasabi nya ng mga katagang iyon ay humakbang sya paatras. Tila bumagal ang ikot ng mundo ko nang tuluyan na nya akong talikuran. Nararamdaman ko ang mabibigat na paghinga ko, tila kinakapos ako ng hininga, ang bigat sa dibdib ng hanging lumalaban at pumapasok sa aking baga. Samantalang ang aking puso naman ay walang humpay sa pagwawala, rinig na rinig ko sa aking ulo ang nakakabinging tibok nito. Napakuyom ako't napakagat ng madiin sa aking labi bago nagsalita muli nang naka-ilang hakbang na sya palayo sa akin

"Ganoon na lang yun?! Pagkatapos ng lahat?! Ganito na lang ba ang kahihinantan ng lahat ng aking paghihirap at pagtitiis?" Patuloy kong turan sa kanya

"I was lost and dead when you left me, I was hopeless and lifeless ng iwan mo ako..." puno nang hinanakit kong turan habang nakatingin sa kanyang likuran, natigilan sya sa kanyang paghakbang ngunit di pa rin humaharap sa akin.

"Halos hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko simula ng araw na yun. Sobra kong sinisi  ang aking sarili dahil sa pagkawala mo, halos araw-gabi umiiyak ako at paulit-ulit na tinatawag ang pangalan mo" *sobs

"Umaasa na bigla kang lilitaw at susulpot sa harap ko upang punasan ang mga luha ko at sabihin na isa lamang iyon na masamang panaginip"

"Paulit-ulit na sinisisi  ang sarili ko, dahil kung hindi sakin ay hindi ka mawawala. Kung hindi mo ko pinilit na iligtas at itaya ang buhay mo marahil ay nasa tabi pa kita" sabay marahas na punas sa aking mga luha

"Gabi-gabi paulit-ulit kong pinagdarasal na sana ay isa lamang bangungot iyon, na sana ay gisingin na nya ako. Walang oras na paulit-ulit kong pinagdarasal at sinusubukan na sa bawat pagpikit at pagmulat ng mga mata ko ay magigising na ako sa bangungot na iyon" umiiyak kong pahayag sa kanya, sobrang bigat sa dibdib.

Into The Unknown (COMPLETED)Where stories live. Discover now