Chapter 46

410 17 3
                                    

Ramdam ko ang bigat ng aking ulo nang dahan-dahan kong idinilat ang aking mga mata. I look around nagtaka ako dahil sa isang pamilyar na kwarto, nakita ko din ang gitara ko na ginagamit ko noong nasa isla ako. Nakita ko din ang painting na huli kong ginawa bago ako umalis ng isla at ang ilang mga libro na binabasa ko sa tuwing wala akong ginagawa sa isla.

"Teka!" Bigla akong napabalikwas nang bangon dahil sa realization. Napahawak pa ako sa aking ulo nang maramdaman ko na tila may pumitik sa aking ulo dahilan nang bigla nitong pagkirot. Napasandal ako sa headboard ng kama habang pikit ang isa kong mata dahil sa kirot.

Mababasa sa aking mukha ang sakit na nararamdaman ko habang inililibot ko ang aking paningin sa buong silid. Laglag ang panga ko nang mapagtanto ko na nasa isla na talaga ako, nakaramdam ako bigla ng bigat at sakit sa aking dibdib. Dahil buhat dito ay hindi ko na makikita pa si Amber, tatayo na sana ako para umalis ngunit nagulat ako dahil sa pagbukas ng pinto ng aking kwarto

"Oh! Bluey, mabuti naman at gising ka na! Ayos na ba ang pakiramdam mo? Teka! Tatawagin ko lang sila nanang at tatang!" Masayang pahayag ni Kuya Omeng, tulala lang akong napatingin sa aking harapan. Pinapakiramdaman ang aking sarili, imposibleng panaginip lang ito dahil ramdam ko ang kirot ng aking ulo.

"Ibig sahihin nakabalik na ako ng isla, pero paano?" Tanong ko sa aking sarili tsaka nagbaling sa bintana ng aking kwarto kung saan tanaw ko ang ilang mga tao na kararating lang ng isla. Masaya itong binabati nila kuya Bong at nila nanang.

Nakita ko naman si kuya Omeng na tumatakbo patungo kila tatang na busy sa pag-a-asikaso ng mga bisita. Masayang-masaya naman ang mga bisita habang isa-isa nilang ibinababa ang kani-kanilang mga kagamitan

"Nanang! Tatang! Si Bluey! Gising na po!" Masayang balita ni kuya Omeng habang tumatakbo at sumisigaw palapit sa kanila, natigilan naman sila nanang at tatang sa kanilang ginagawa dahil sa ibinalita ni kuya Omeng. Mabilis na nagpaalam sila nanang at tatang sa mga bisita upang magtungo sa akin, kitang-kita sa kanilang mga mukha ang galak

"Bong! Ikaw na muna ang bahala sa mga bisita natin!" Masayang paalam ni tatang kay Kuya Bong tsaka inaalalayan si nanang habang mabilis na naglalakad patungo sa akin. Nakita ko pa na tila nagtatanong ang bisita kay Kuya Bong kung sino ako dahil itinuro pa nila ang lugar ko.

"Masaya akong malaman na gising ka na din sa wakas" marahas akong napalingon sa aking gilid, mula sa pintuan nakita ko ang taong ito na nakangiting nakatingin sa akin

"Kuya Anson? Anong ginagawa mo dito?" Puno nang pagtataka ngunit umaasa din na kasama nya din ang iba.

"Ahmm..." Di na nya natuloy ang kanyang sasabihin dahil bigla nang sumulpot sila nanang at tatang.

Naluha pa si nanang habang hinahaplos nya ang aking ulo at mahigpit na niyakap. Kaya yumakap na lang din ako, madami silang katanungan sa akin kung ayos lang ba ang pakiramdam ko. Tango at ngiti lang naman ang naging tugon ko.

Napansin ko din ang bahagyang pagpayat ni nanang kaya nag-aalala ako sa kanya, maging ang paglalim ng mga mata ni tatang. Tinanong ko sila kung ayos lang ba sila, tumugon lang naman sila sa akin na maayos lang naman daw sila. Labis lang silang nag-alala sa akin kaya minsan ay nakakaligtaan na nila ang sarili nila. Humingi lang ako ng paumanhin sa kanila dahil labis silang nag aalala sa akin.

"Ang lalim at ang layo ng iniisip mo ah?" Agaw atensyong tanong sa akin ni Kuya Anson. Humarap lang naman ako sa kanya tsaka tumango habang may tipid na ngiti.

"Oh! Magpalamig ka muna" sabay abot nya sa akin ng isang baso ng orange juice. Agad ko naman iyong tinanggap. Nakatitig lang sya sakin, hinihintay nya na inumin ko ito. Ngumiti ako sa kanya bago ito inumin, napahinto pa ako sandali nagdadalawang isip sa pag-inom. Ngunit hindi mawala sa akin ang kanyang mga titig kaya uminom na ako. Doon lamang nawaglit sa akin ang atensyon nya.

Into The Unknown (COMPLETED)Where stories live. Discover now