Chapter 18

475 23 0
                                    

hindi ko alam kung ano nga ba talaga ang dapat  kong maramdaman o kung ano nga ba talaga ang nararamdaman ko sa tuwing magkasama tayong dalawa. Sa tuwing dumadating ang mga oras na masilayan ko ang iyong mga mata, kakaibang emosyon ang nararamdaman ko. Isang emosyon na hindi ko pa nararanasan sa pagkakatanda ko. I never been this happy since the first time I layed my eyes on you. Since the first night we get close and touch together, I never imagine na darating ang araw na mararamdaman ko ang emosyong ito. Yung pakiramdam na wala na akong mahihiling pa, dahil sa tuwing kasama kita at nahahawakan pakiramdam ko ay nasa akin na ang lahat ng bagay sa mundo. Yung pakiramdam na kuntento na ako na makita at makausap ka, marinig ang iyong tinig at ang iyong mga tawa. yung pakiramdam na tila ako ay hinihele sa tuwing nayayakap kita, ang kakaibang init sa tuwing magdidikit ang ating mga balat. Hindi ko na nais pa na matapos ang mga ganoong pagkakataon, nais kong pahintuin ang bawat segundo at pagtakbo ng oras, nais ko lamang ay ikaw. Ikaw lang at wala nang iba pa.

"hey! you okay?" bigla akong bumalik sa ulirat dahil sa bigla nyang pagtulak sa akin ng mahina

"hmmm? bakit?" tanong ko na lang sa kanya sabay kagat sa lower lips ko. Tinititigan nya ko na wari'y pinag-aaralan kung nagsasabi nga ba ako ng katotohanan, kaya naman agad akong napaiwas ng tingin sa kanya

"hmmm sigurado ka ba ayos ka lang?" paninigurado nyang muli sakin, kaya naman mabilis akong tumango bilang tugon sa kanya

"oo naman, bakit mo naman naisip na hindi ako okay?" tanong ko sa kanya tsaka malikot ang mga matang tumingin sa ibang direksyon

"wala naman. muka ka kasing ewan dyan na ngumingiti nang mag-isa. Gusto ko lang naman manigurado mamaya eh kailangan na pala kitang dalhin sa mental" mahaba nyang turan na agad kong kinasimangot habang nakatingin sa kanya, parang sinasabi niyang nababaliw na ako. Kasalanan ko ba yun, sya naman ang dahilan kung bakit ako ngumingiti nang mag-isa eh

"ooh! ibig sabihin ako pala ang iniisip mo at dahilan ng pagngiti mo?" nanlaki ang aking mga mata dahil sa sinabi nya. Malawak lang sya saking nakangiti habang ang kanyang mga mata ay nang-aasar na tinititigan ako.

"hayaan mo naiintindihan ko naman Bluey kung bakit. Hindi naman sa pagmamayabang pero you can't resist my charm. Sa ganda ko ba naman ito, di ako magtataka kung ma-inlove ka sakin o mabaliw ka nang ganyan eh" bigla akong napasimangot at napapikit ang isang mata habang nakatingin sa kanya, sabay tingin sa paligid 

"bat parang bigla na lang atang humangin nang malakas?" tanong ko sa aking sarili habang lumilinga sa paligid

"araaay!" ungot ko nang maramdaman ko ang pagsakit ng tagiliran ko dahil sa madiin na pagkurot ni Amber sakin

'Bakit bigla ka na lang nangungurot dyan?" medyo inis kong tanong sa kanya habang hinihimas ang aking tagiliran dahil sa hapdi. itong babaeng to kaliit-liit kasakit mangurot

"aray! pangalawa na yan Amber ah! ano bang trip mo?" turan ko muli sa kanya

"ewan ko sayo Bluey! Hmmp! bahala ka nga dyan!" biglang walk out?? puno nang pagtataka kong tanong saking sarili habang nakatingin sa kanya na parang batang nagdadabog habang mabilis na naglalakad palayo sakin. Abat! hindi na ako hinintay

"ooy! Amber! sandali nga hintayin mo naman ako! huwag mo ko iwan, saglit!" sigaw kong turan sa kanya, ngunit huminto lang sya tsaka lumingon sakin sabay irap. Ay! attitude ka girl? ilang beses akong napakurap dahil sa ginawa nya. Pero imbis na mainis ay napangiti lang ako

"cute" bulong ko sa aking sarili, tsaka na naglakad para sundan sya. Nababaliw na nga ako, dahil yung mga ayaw kong bagay ay ginagawa nya at ang mas nakakapagtaka ay I find it cute and sweet. napapailing na lang ako sa mga pinag iisip ko habang nakasunod sa kanya

Into The Unknown (COMPLETED)Where stories live. Discover now