Amber's POV
Wala na akong ginawa pang iba kundi ang manatili na lamang dito sa harap ng lake. Sa di kalayuan ay naririnig ko ang boses ng mga tao na nagkakagulo, hindi dahil nag-aaway sila kundi dahil nag-eenjoy sila sa gabing ito. Samantalang ako, ito mag-isa at malalim na nag-iisip pabalik sa alaala ng isang tao.
Zeventheen Graystone
Ang taong patuloy ko pa ding hinahanap magpahanggang ngayon. Ang taong nanatili sa aking isip at puso. Ang taong dahilan ng mga pagluha at pagngiti ko. Ang taong dahilan ng saya at syempre ng sakit sa aking puso.
Naalala ko na naman ang taong iyon na na-encounter ko kanina. Napakalaki ng pagkakahawig nilang dalawa, napapailing na lang ako dahil hindi ako makapaniwala sa nakita ko kanina. Nakakapanghinayang nga lang ay, hindi sya si Zev. Hindi nya ako nakilala, wala akong nabasang kahit na anong emosyon sa mga mata nya. Kahit na sign lang na nakilala nya ako. Pinahid kong muli ang aking luha dahil muli na naman itong tumulo.
(Played: Gunita - Sandiwa)
Nang bumalik ang ulirat, unti-unting naglalaho ang yakap mo't mga ngiti na parang naalaala
Ang tanging naisin ay maranasan kang muliMuli na naman akong napaiyak nang marinig ko ang kantang ito mula sa live band na malapit lang dito, rinig na rinig ko iyon dahil sa malakas nitong speaker na syang naging center ng event.
Maaari bang hawakan at pansamantalang punan ang aking kamay
Sa paggising man ay may luha, ikukubli ang yung gunitaHindi ko alam pero damang-dama ko ang kantang ito, lalo na habang pinapakinggan ito ay sya ang naiisip ko. Tama, maaari bang mangyari iyon? Maaari bang kahit sandali lang ay muli ko uli syang mahawakan? Kahit na sandali lang, kahit na ang kasunod noon ay pagluha na namang muli.
Sa matalik na panahon asilo na di na maituturing
Ang naiwang kanlungan sa panaginip
Tatak ng yung alaalaHanggang kailan ba akong mabubuhay mula sa nakaraan? Hanggang kailan akong aasa na makasama sya sa aking panaginip, sa aking alaala.
Maaari bang hawakan at pansamantalang punan ang aking kamay
Sa paggising man ay may luha, ikukubli ang yung gunitaGunita aaah...
Gunita aaah...Masakit mang aminin pero hanggang doon na lang ata talaga sya. Hanggang panaginip at alaala.
Ang tanging naisin ay maranasan kang muli...
Ang tanging naisin ay maranasan kang muli"Babe, hanggang kailan? Hanggang kailan akong mangungulila ng ganito sayo. Ang sama mo! Pero hindi ko manlang magawa na magalit sayo dahil sa ginawa mo. Ang unfair mo"
Maaari bang hawakan at pansamantalang punan ang aking kamay
Sa paggising man ay maluha, ikukubli ang yung gunita..."I want to be with you again babe, kung pwede lang. Miss na miss na talaga kita, mababaliw na ako. Konti na lang, pakiusap. Bigyan mo ako ng lakas at sign"
Maaari bang hawakan at pansamantalang punan ang aking kamay
Sa paggising man ay may luha ikukubli ang yung gunita...Gunita aaah... Haah.
Gunita aaah... OoohHooo hooo oh
Hooo hooo oh hoh
Hmm...Bigla akong napahinto sa aking pag-iyak nang makita ko ang ilang mga alitaptap na lumilipad sa paligid na para bang nakikisama at nakikisimpatya sa aking naramdaman. Napangiti ako kahit na may luha sa aking mata
YOU ARE READING
Into The Unknown (COMPLETED)
RomanceGxG story book two of The Popular Unknown Psychopath