"what is this urgent Mr. Smith?" Naguguluhang tanong ni Asharlie nang bigla na lamang syang sunduin ni Mr. Smith habang nasa gitna ng photoshoots, kaya naman ganon na lang ang pagtataka ng kanyang mga kasama
"It's emergency Ms. Asharlie, Chairwoman ordered me na sunduin ka at siguraduhin ang safety nyo. Lalo na ngayon" nagmamadaling pahayag naman ni Mr. Smith
""What do you mean? Why?" Naguguluhan pa ding tanong ni Asharlie, hindi nakatingin binigay sa kanya ni Mr. Smith ang jacket dahil magpahanggang ngayon ay naka suot pa din iyon ng bikini dahil nga sa photoshoots nila. Agad namang tinanggap at sinuot yun ni Asharlie
"Because they starting to move" napatingin si Asharlie sa ginagawa nyang pagtatali ng kanyang jacket dahil sa sinabi ni Mr. Smith
"They moving now, they more aggressive than before sa tingin ko ay may nag-uudyok sa kanila kaya ganoon na lamang ang tapang nila" nagbuntong hininga si Mr. Smith pagkatapos ay nagmamadali na silang umalis sa lugar, kaliwa't kanan ang kanyang pagtingin bago sila sumakay ng sasakyan.
"Alam na din ni Anderson ang nangyari kaya naman sigurado na mas mahigpit ngayon ang siguridad sa inyo. Lalo na ngayon wala pa sa maayos na kalagayan si Zeventheen" sumakay na din si Asharlie at mabilis naman na umikot si Mr. Smith sa tabi ng driver at mabilis na pinasibad ang sasakyan.
Tahimik lang naman si Asharlie habang nakatanaw sa labas ng sasakyan, maraming sasakyan ang naka-convoy sa kanila dahil na nga rin para masiguro ang seguridad nila.
"How about mom and dad?" Tila natigilan si Mr. Smith dahil sa tanong ni Asharlie. Napatingin muna si Mr. Smith bago sinagot
"Siguradong nasabihan na sila ng Chairwoman. Hindi ko lang alam kung kailan sila uuwi ng bansa, mamaya ko pa malalaman mula sa Chairwoman dahil agad nya akong pinapunta sayo" tango lamang ang na-isagot ni Asharlie
Kasalukuyang nasa Italy ang mga magulang ni Asharlie ngayon kung saan may ibang business matter na kailangan nilang puntahan personally. Kaya mas lalong nag aalala si Asharlie.
"Mr. Smith, magsama ka ng maraming tao upang sunduin sila Jary at Evelyn ngayon sa airport" sumunod lang kaagad si Mr. Smith sa naging utos ng Chairwoman, kahit na nagtaka dahil ang alam nya ay nasa Italy pa din ang mga ito.
Naiwan na lamang mag-isa ang Chairwoman sa loob ng kanyang office kung saan malalim pa din ang iniisip, labis ang pag-aalala nya lalo na sa sunod-sunod na threats na matatanggal nya at ang mga nangyari ngayon. Lalo syang nag-aalala dahil hindi nya alam kung sino ang mga taong nasa likod ng mga ito, at hindi sya sigurado kung sino ang mga kakampi at dapat nyang pagkatiwalaan. Natigilan ang chairwoman sa kanyang malalim na pag-iisip nang tumunog ang kanyang cellphone
"Hello mom nandito na kami, actually kanina pa. Hindi na namin mahintay ang sundo mo kaya naman na-una na kami. Masyadong nag-aalala si Jary para sa mga bata lalo na nang malaman nya ang balita sa kung ano na nga ba ang nangyari dyan, kaya naman hindi ko na sya napigilan pa. Pumayag naman ang Elder at council ng ating Familya sa Italy nang ibalita namin ang nangyari dito. Nangako sila na gagawin nila ang lahat upang malaman at matugis ang mga taong nagtatangkang sirain ang kapayapaan ng ating Familya. Nasabi din nila na magpapadala sila ng mga dark knight to investigate the situation. You know naman kung anong klaseng tao ang mga dark knights, kanya napagkasunduan na mas makakabuti kung bumalik na kami dito satin dahil sila na ang bahala. " napakuyom naman ang Chairwoman buhat sa kanyang narinig
YOU ARE READING
Into The Unknown (COMPLETED)
RomanceGxG story book two of The Popular Unknown Psychopath