Chapter 52

474 28 0
                                    

"Zeventheen" pinipigilan ko ang matinding emosyon na nararamdaman ko ngayon habang pinagmamasdan si ate Asharlie na umiiyak habang yakap-yakap nya ng mahigpit si Bluey.

Samantala nakikita ko naman sa mga mata ni Bluey ang gulat at katanungan. Napayuko sya upang tingnan si ate Asharlie dahil mas matangkad sya dito ng ilang pulgada lang. Mas lalong humigpit ang yakap ni ate Asharlie sa kanya nang magtangka syang lumayo dito

"No Zeventheen... Please stay..." Puno nang kalungkutang turan ni ate Asharlie habang umiiling. Rinig na rinig ko ang paghikbi nito habang nakasubsob sa dibdib ni Bluey.

Napayakap ako kay Zember nang mas lalo itong napa-iyak ng haplusin ni Bluey ang kanyang likod upang patahanin na nagpa-iyak lang dito lalo.

"Ate misses you so bad... Promise ate will never leave you again... So please stay... I will protect you from now on and I will never let anybody harm you again" Puno nang pagsusumamong pahayag ni ate Asharlie, marahil ay hanggang ngayon dala-dala pa rin nya ang pagsisisi dahil hindi nya nagawang protektahan si Zeventheen noon haggang umabot sa punto na humantong sa insidente na syang dahilan ng pagkawalay nya sa piling namin sa loob ng mahabang panahon.

"Ah... Ano kasi... sandali..." Nahihirapan nyang turan habang kumakawala sa mahigpit na yakap ni ate Asharlie. Wala nang nagawa si ate Asharlie kundi ang nakayukong humiwalay kay Bluey nang matanggal nito ang kamay nya.

Nakaramdam naman ng awa si Bluey kay ate, nababasa ko iyon sa kanyang mga mata. Makita ko pa ang marahan nyang pagpisil sa mga kamay nito na hawak nya, kanya napa-angat ng ulo si ate Asharlie para tingnan sya. Nag-aalangan lang na ngumiti si Bluey sa kanya, pagkatapos ay pinunasan ang mga luha ni ate Asharlie. Ngunit ayaw tumigil sa pagtulo ang luha nito, dumukot naman si Bluey ng panyo sa kanyang bulsa tsaka ito binigay kay ate Asharlie.

"Don't worry I won't mind it" tinanggap na yun ni ate Asharlie tsaka napahagulgol muli na sinubsob ang kanyang mukha sa panyong hawak nya. Tinapik-tapik lang ni Bluey ang balikat ni ate Asharlie, napa-iwas sya ng tingin

"Pasensya na miss, but I think you got the wrong person" malumanay na hayag ni Bluey kay ate Asharlie na pinupunasan ang mukha nya

"You mistaken me as someone I'm not" dagdag nyang turan habang di makatingin kay ate Asharlie. Napapa-iling lang si ate Asharlie

"Maybe it will be better if I introduce myself properly to avoid misunderstanding. My name is Bluey De Mesa, child of the owner of this island" pag-uumpisa nya, nakatitig lang sa kanya si ate Asharlie. Ngumiti lang sya upang bawasan ang awkward atmosphere

"No, you're not. You are Ze--"natigilan si ate Asharlie nang hawakan ko sya sa braso, nilingon nya ako. Dahan-dahan lang akong umiling upang sabihin sa kanya na hindi pa ito ang oras.

"I-Im sorry... I mistakenly thought na you're a person I know..." Labag sa loob na turan ni ate Asharlie tsaka nagyuko habang kagat na nya ang kanyang labi. Tumango lang naman si Bluey

"No problem. Sa totoo nyan madaming tao ang napagkamalan akong tao na kakilala nila. You're not alone" pahayag nya sabay ngiti habang kumakamot sa kanyang back head.

"By the way thank you for keeping Zember safe" turan ni ate Asharlie tsaka napa-iwas ng tingin nang tingnan nya si Zember na nanunuod lang sa amin

"Amber! Ate Asharlie! Oh Jake anong nangyari sayo? Bakit parang nakakita ka ng multo?" Narinig kong turan ni Samantha nang magtapat sola ni Jake na hanggang ngayon ay tulala pa ding nakatingin kay Bluey na nakatalikod sa kanya

"Baby Zember!" Masaya nyang bati sa anak ko tsaka mabilis na tumakbo palapit dito. Di nya alintana ang awkward atmosphere, maging ang presensya ni Bluey. Napalingon naman ako kay Rea na labis ding nagtataka sa kanyang mga nakikita.

Into The Unknown (COMPLETED)Where stories live. Discover now