Third person's POV
Malakas ang bawat hampas ng alon na syang nagsasanhi ng pagkakagulo ng mga kalalakihang nakasakay sa loob ng isang maliit na fisherman ship, kung saan walang tigil na sigawan ang maririnig habang ang mga ito ay hindi magkandaugaga sa pagtanaw sa madilim, maalon, maulan at mahangin na karagatan.
Mahigpit na nakahawak si Domeng sa railing ng maliit na barko upang suportahan ang kanyang sarili hanggang sa marating nya ang maliit na pinto papasok ng control room. Habol hininga syang humarap sa isang lalaki na nakasuot ng dilaw na raincoat habang may head flashligt na suot. Matalim ang mga tingin na ipinupukol sa harapan habang hawak nya ang wired walkie-talkie upang magsend-out ng message sa kabilang linya.
Bakas sa mukha ng lalaki ang labis na pagkatakot at pag-aalala. Kahit na nasa gitna sila ng malakas na ulan sa dagat ay hindi pa rin sya tumigil sa kanyang paghahanap
"Mang Abay! Kailangan na nating bumalik ng isla! Masyado nang malakas at masama ang panahon! Kung hindi tayo maglalayag pabalik ngayon ay baka kung ano pa mangyari sa atin!" Turan ni Omeng habang nakahawak sa kanyang head flashlight
"Hindi pwede! Kailangan natin syang mahanap! Subukan pa natim dahil baka makita din natin sya!" Pamimilit ni Mang Abay
"Pero, imposibleng mangyari iyon Mang Abay lalo na sa kalagitnaan ng ganito kasamang panahon! Siguro makakabuti kung magpatuloy tayo kinabukasan at magtungo sa kalapit isla upang makapagtanong-tanong dahil baka may nakakita sa kanya!" Pahayag naman ni Omeng sa mamang hindi na maipagkaila at maitago ang labis na pag-aalala at takot
Napahinto naman ang dalawa sa kanilang pagtatalo ng biglang tumunog ang radio
"Every near coastal area! Please report about a missing person if ever one of you may found her!"
Nagkatinginan naman ang dalawa dahil sa narinig na balita
"Pinapakiusapan at inuutusan ang lahat ng coast guard na magbantay sa mga area nyo dahil sa nawawalang tao na pinaghahanap ngayon. Sa kung sino man ang makatagpo sa taong ito ay i-report agad sa nakakataas! This is red alert situation! We need you to report immediatley"
"Description of a missing person, she's a girl. 5'8 tall, wearing a a white T-shirt and black pants. She was shot in her left shoulder and a shot in her right head. Kung sino man ang makakita sa kanya ay agad na ipaalam. The name of the missing person is Zeventheen Graystone! Youngest grandchild of Graystone Empire Group's chairwoman!"
"Mang Abay! Kailangan na po nating bumalik ng isla!" Pamimilit ni Omeng, ayaw man ng lalaki ay wala na syang nagawa kundi ang sundin ang sinasabi ng kanyang kasama iyon nga ang bumalik na lang sa isla at tsaka na lang ipagpapatuloy ang paghahanap sa kanilang anak.
"Bluey! " tawag ng lalaki sa kanyang anak, agad naman itong lumingon sa kanya. Ngumiti si Bluey sa kanya't kumaway
"Halika na kayo dito! Kakain na tayo!" Turan ng kanyang tatang
"Opo tatang!" Tugon naman ni Bluey
"Oh! Sya dalian mo na't nagmamadali ang iyong nanang!" Muli uli nyang turan sa kanyang anak
"Opo!" Mabilis naman na tugon ni Bluey sa kanyang Tatang tsaka nya pinagpagan ang kanyang kamay sabay punas ng towel sa kanyang namamawis na noo
"Kuya Omeng, tara na hoh muna! Mamaya na lang natin ipagpatuloy!" Tumingala naman sa kanya si Omeng tsaka tumingin sa kanilang ginagawa bago tumango.
"Mabuti pa nga! Hindi dapat natin pinaghihintay si nanang dahil siguradong makakatikim tayo roon ng hindi lamang masarap na pagkain, kundi masarap din na sermon!" Napatango lang si Bluey habang sabay silang tumatawa
YOU ARE READING
Into The Unknown (COMPLETED)
RomanceGxG story book two of The Popular Unknown Psychopath