White room
Isang silid sa mansyon na kinakatakutan nang mga tagapagsilbi dito. Ito Ang lugar na hindi ninais nang sinuman sa kanila na pasukin. Sa unang pagkakataon na narinig nila Ang tungkol sa kwarto na ito ay binalot na nang kilabot ang kanilang mga puso. Dahil Ang white room na tinatawag nila ay isang dark room, kung saan lahat nang pumapasok dito ay swerte na lang kung lalabas Kang may Bali sa katawan. Dahil Dito sinasagawa ang mga pagpaparusa sa mga taong nagtatangkang guluhin ang katahimikan nang bawat miyembro nang pamilya. Pero mas madalas na dito ipinapasok ang mga taong nakagawa nang pagkakamali o sumusuway sa utos nang chairwoman.
"You know this room very well Zeventheen" bungad na turan nang chairwoman kay Zeventheen nang tuluyan na syang makapasok nang kwarto. Napalingon sya sa pintuan nang marinig nya ang pag-click nang pinto indikasyon nang pagsara at pag-locked nito. Tanging ang chairwoman lang ang makakapagbukas nito higit sa kanilang dalawa.
Nakaramdam nang panlalamig nang katawan si Zeventheen habang inililibot nya ang kanyang paningin sa loob nang dim room. Kilabot at takot ang kanyang naramdaman nang pumasok sya sa silid na ito. Nag e-echoe sa pandinig ni Zeventheen ang mga tinig nang mga taong pumasok at pinarusahan na dito. Napalunok lang si Zeventheen habang binabalot nang matinding kilabot ang kanyang katawan, ramdam din nya ang pagtagaktak nang malamig na pawis sa kanyang buong katawan. Wala syang magawa kundi ang tumayo lang nang tuwid habang nanlalamig, mahahalintulad sa isang statwa na hindi gumagalaw sa kanyang kinatatayun.
"And you know me too, very well" nangilabot at nagsitayuan ang balahibo ni Zeventheen sa kanyang buong katawan dahil sa sinabi nang chairwoman na ginawaran din sya nang isang mapang-uyam na ngiti. Ngiting nagsasabi na may mangyayaring hindi maganda sa kanya. Marahan lang syang tumango habang magkahawak ang dalawa nyang kamay na nanlalamig at nanginginig sa kanyang harapan.
Sinundan nya nang tingin ang chairwoman nang naglakad ito palapit sa isang istante, pinasadahan nang haplos ang mga bagay na nakalagay dito. Mga bagay na ginagamit sa pagpaparusa, napalunok si Zeventheen nang huminto ang kamay nang chairwoman sa isang latigo. Nanginig ang kanyang katawan dahil sa pagtingin pa lang sa bagay na yun ay naririnig nya ang mga tinig na pinahirapan nang bagay na yun. Ramdam na din nya sa katawan ang sakit nang paglapat nito
"Lagi kong sinasabi sayo Zeventheen na sa lahat nang mga oras dapat mong pag-isipan ang mga bagay na gagawin mo. Malaki man iyon o maliit, dahil hindi mo alam na maaari itong maka-apekto sayo, lalong-lalo na sa pamilyang ito. Ilang beses ko bang dapat gawin ito para magtanda ka?" Na-uubusan nang pasensyang saad nang chairwoman tsaka kinuha ang latigo sabay harap sa kanya. Sunod-sunod ang paglunok nito nang lumapit na sa kanya ang chairwoman.
"You already know what you should do" Saad sa kanya nang chairwoman, nanginginig ang kanyang mga kamay na hinawakan ang laylayan nang pang-itaas nyang suot, tsaka ito dahan-dahang hinila pataas. Tagos hanggang buto ang lamig nang buong kwarto nang mahubad na nya ang lahat nang pang-itaas nyang damit.
YOU ARE READING
Into The Unknown (COMPLETED)
RomanceGxG story book two of The Popular Unknown Psychopath