Chapter 10

752 30 1
                                    

Amber's POV

Halos mapunit ang aking mukha sa sobrang lawak ng aking pagngiti habang nakatingin sa masaya nyang kaanyuan ngayon, habang kitang-kita sa kanyang mga mata kung gaano sya kasaya at nag-eenjoy habang tumutugtug ng gitara kasama ang kanyang mga kabanda.

Napakaraming tao at napaka-ingay sa lugar na ito, pero kahit na magkagayon ay iisang tao lang ang nakikita ng aking mga mata. Pakiramdam ko ay kami lang dalawa ang tao, maging ang ingay ay di ko na pansin pa.

Habang nakatitig ako sa kanya, bigla akong napaisip na kung noon pa lang ay ipinanganak na sya tulad ng pangkaraniwang tao siguro hindi nya mararanasan at magagawa ang mga bagay na yun noon.

Hindi siguro sya dadanas ng sobrang sakit at matinding paghihirap sa kamay ng ibang tao, lalong-lalo na sa taong itinuring nyang pamilya. Siguro kung ipinanganak syang tulad ng nakikita ko ngayon noon pa lang hindi nya mararanasan ang lahat. Ngunit ang tanong, may pagkakataon din kaya akong makilala sya?

Bigla akong nakaramdam ng lungkot habang iniisip ang mga bagay na iyon. Nasabi ko na lang sa aking sarili na nagpapasalamat din ako na naranasan nya ang mga bagay na iyon. Dahil kung hindi nangyaring ipinanganak sya bilang Graystone hindi magku-krus ang aming mga landas. Kung hindi nya naranasan ang pagmamalupit ng mga istudyante sa kanya noon sa GSU, hindi kami muling magkikita.

At ang mas nagpapasalamat ako kahit na masakit ay, dahil sa nangyari kay kuya hindi lang nagkrus ang aming mga landas, kundi nagkabuhol-buhol pa. Dahilan kaya mas lalo kaming napalapit sa isa't isa hanggang sa tuluyang nahulog ang mga loob. Iyon ang pinakamasarap na pakiramdam sa kabila ng lahat ng sakit at luha na naranasan ko.

Ang makulong sa kanyang mga bisig, ang sumandal sa kanyang dibdib, ang mapalapit sa kanyang mainit na katawan, ang nakakapanghina nyang mga titig, ngiti at boses. Yung pagkakataon na mabigyan ako ng pagkakataon na mapalapit at makapasok sa kanyang buhay lalo na sa kanyang puso, ang isa sa pinakamagandang achievement na nagawa ko.

Ang mahalin at magmahal ng isang katulad nyang Graystone. Matigas at malamig. May Madilim at malalim na pagkatao. Ngunit sa pinakaloob at pinakailalim nito, ay nandoon ang isang tao na may mapagmahal at mainit na puso.

Nakakalungkot mang isipin dahil sa pagkabuhol ng aming mga landas, nagawa nya ang mga bagay na hindi ko inakalang magagawa nya. Para kanino? Para sa mga taong mahalaga sa kanya, sa ate nya, sa mga magulang nya, sa buong empire ng Graystone at lalong lalo na, para sa kuya ko. Para sa akin.

At iyon ang bagay na patuloy na nagpapasakit sa aking damdamin. Kaya naman ngayon ay mas lalo akong nasasaktan, napakalapit nya halos abot kamay ko na. Ngunit napakalayo nya, hindi ko sya maabot lalo na ang puso nya. Dahil sa kakatwang pangyayari, bigla na lamang akong nawala sa kanyang alaala, sa kanyang buhay.

Dahil kanino? Sa akin. Ngunit, kahit na ganoon ang nangyari, masaya pa din ako dahil binigyan kami uli ng pangalawang pagkakataon upang magkita. Nagpapasalamat ako, dahil sa ilang taon na pag-aakalang tuluyan na syang nawala ay nandito sya. Nandito na sya sa harapan ko mismo.

Pero bilang ibang tao. Bilang isang Bluey De Mesa na anak ng mag-asawang Abay at Yolly De Mesa na nagmamay-ari ng kilalang isla sa pangalang isla De unknown, at hindi bilang si Zeventheen Graystone na syang  bunsong anak at tagapagmana ng Graystone Empire.

Ang sarap at ang saya sa pakiramdam, dahil kitang-kita ng dalawa kong mata na buhay na buhay sya.  Ang masakit nga lang ay wala ni kahit na kaunting traces na natitira sa kanyang pagkatao na nakakikilala sa akin. Dahil para sa kanya katulad lang ako ng mga taong nandito na humahanga sa kanya at nagmamahal.

Napayuko na lamang ako tsaka napainom ng alak na inorder ko. Tapos na silang mag-perform kaya naman ibang banda naman na ang tumutugtog, mahigpit akong napahawak sa aking baso nang magsimula na ang ang bagong banda.

Into The Unknown (COMPLETED)Where stories live. Discover now