Third Person's POV
"you like it or not, you will do what I said!" Buong diin na turan ng chairwoman sa kanyang apo na si Zeventheen. Samantalang nakatitig lang naman ito sa kanya, habang ang mga mata nito ay napupuno ng iba't ibang emosyon. Mga emosyon na halos hindi na nya malaman kung ano ba talaga ang dapat nyang maramdaman lalo na sa mga oras na ito.
Nanatili lamang tikom ang kanyang mga labi habang ang kanyang paningin ay umiikot, ang kanyang pandinig naman ay ginugulo ng mga boses na syang nagpapanginig sa kanyang kalamnan. Sa kabila ng lamig na kanyang nararamdaman sa kanyang buong katawan ay sya namang init ng mga likidong umaagos sa kanyang mga mata.
"You will regret this day" turan ni Zeventheen sa kanyang sarili habang nakatanaw sa salamin nang sinasakyan nya kung saan unti-unting naglaho ang imahe ng mansion na minsan nyang naging tahanan. Tahimik lamang syang lumuluha sa backseat, habang sa passenger seat ay tahimik lamang na nakamasid sa kanya si Mr. Anderson, kuyom ang mga kamay nitong nasa harapan ang atensyon.
"This will be your new house" agad na turan ni Mr. Anderson kay Zeventheen nang makarating na sila sa isang bahay kung saan nakakubli sa gitna ng private forest na pagmamay-ari ng pamilya nila. Inilibot lang naman ni Zeventheen ang kanyang paningin sa kabuuan ng bahay, tahimik at dim ang kabuuan nito. Tumango lang naman sya bilang tugon, walang anumang salita ang lumabas sa kanyang bibig kaya nagbuntong hininga lang si Mr. Anderson.
"Magpahinga ka na muna, iaakyat ko lang itong mga gamit mo sa taas" hindi na umimik pa si Zeventheen, nakatingin lang ito kay Mr. Anderson
Binalot ng kilabot ang katawan ni mr. Anderson dahil sa tingin na binibigay sa kanya ni Zeventheen.Madilim, blanko at walang mababasang ni katiting na emosyon sa mga mata nito. Diretso lamang itong nakatingin sa mga mata nya kaya di nya maiwasang ma-intimidate dito. Pigil hiningang nakatitig lang si Mr. Anderson sa kanyang alaga, hanggang sa ito na mismo ang unang nagbawi ng tingin. Nakahinga naman nang maluwag si Mr. Anderson nang talikuran na sya nito tsaka naglakad patungo sa hagdan.
Bago pa man ito tuluyang maka-apak sa unang baitang ng hagdan ay natigilan ito, sinilip nya ang taas habang nakatingala. Pinapakiramdaman ang buong kapaligiran. Muli syang humarap kay Mr. Anderson
"Ah oo nga pala! I forgot, sumunod ka na lang sakin para maituro ko ang magiging kwarto mo" tumango lang naman ito tsaka binigyang daan si Mr. Anderson habang buhat nito ang kanyang mga gamit. Tahimik lang naman na nakasunod si Zeventheen dito.
"Ito ang magiging kwarto mo" pahayag ni Mr. Anderson nang mabuksan nya ang silid, hindi na nya hinintay na sumagot si Zeventheen. Pumasok na sya dala ang mga gamit nito, sumunod naman si Zeventheen, nanatili pa din syang walang imik.
Inilagay na lang ni Mr. Anderson ang mga maleta ni Zeventheen sa gilid ng kama nito. Tsaka nya itinuro ang mga parte ng kanyang kwarto, tango at iling lang ang naging tugon ni Zeventheen. Nagbuntong hininga lang muli si Mr. Anderson dahil wala pa din itong imik.
YOU ARE READING
Into The Unknown (COMPLETED)
RomanceGxG story book two of The Popular Unknown Psychopath