"HOW COULD YOU DO THAT MOM?!" Galit na galit na turan ni Evelyn sa chairwoman na tahimik lang na naka-upo sa kanyang swivel chair sa loob nang kanyang office sa GSEG Building. Napahinto ang chairwoman sa kanyang ginagawa dahil sa biglaan at pabalang na pagpasok ni Evelyn sa kanyang office.
"I'm sorry ma'am, pinigilan ko po sya pero nagpumilit po sya" hinging paumanhin nang secretary nang chairwoman na kasunuran lang ni Evelyn na pumasok. Tumingin lang ang chairwoman dito tsaka ikinumpas ang kamay, sinyales na lumabas na ang secretary at iwan silang dalawa na mabilis namang sinunod nang secretary tsaka walang ingay na isinara ang pinto nang office.
Muling itinutok nang chairwoman ang kanyang atensyon sa mga papeles na kanyang binabasa at pinipirmahan, ngunit natigil sya dahil pabalang na lumapit sa kanya si Evelyn
"Paano mo naatim na gawin ang ganoong bagay sa sarili mong apo mom? For God sake, you almost kill her. Anong pakiramdam? Masaya ba? Masaya ka ba na unti-unti mong pinapatay ang sarili mong apo? Ganyan na lang ba talaga kahalaga sa inyo ang familyang ito dahil maging ang sarili mong apo ay nagagawa nyong saktan nang ganon-ganon lang para sa kapakanan nang familyang ito? What did you gain from that mom? Power? Shame on you mom!" Hindi na nakapagtimping bulyaw ni Evelyn sa chairwoman
"Wala kang karapatan na pagsabihan ako nang ganyan Evelyn. Dahil una sa lahat, hindi ikaw ang naghirap para panatilihin at protektahan ang pamilyang ito. Wala kang alam kung ano ang sakit at paghihirap ko at nang mga naunang henerasyon para alagaan ang familyang ito! Wala kang alam kaya wala kang karapatan na question-in ang pamamahala ko. Wala kang karapatan dahil una sa lahat wala kang alam sa familyang ito. Hindi mo alam kung anong sakripisyo ang ginawa namin para maitatag at palakasin ang familyang ito. Dahil una sa lahat madami ang umaasa satin!" Hindi na rin napigilang nang chairwoman ang kanyang damdamin, ngunit mas nanaig ang bugso nang damdamin ni Evelyn
"Yes, Wala akong karapatan na question-in ang pamamahala mo sa familyang ito. Wala akong karapatan na panghimasukan ang familyang ito dahil wala akong alam sa familya na ito. Pero baka nakakalimutan nyo ang karapatan ko sa ANAK KO! Nasa pangangalaga nyo si Zeventheen ngunit ako pa din ang kanyang ina! Kaya may karapatan akong magalit at may karapatan ako na ipagtanggol sya mula sa inyo!" Buong tapang nya lang tinitigan ang chairwoman sa mga mata nito
"Ipinagkatiwala ko ang pangangalaga sa kapakanan ni Zeventheen sa mga kamay nyo, pero hindi ibig sabihin na hindi ako mangingialam sa kung ano ang gagawin nyo sa buhay nya. Hindi ako makakapayag na gawin nyo ang mga bagay na iyon sa kanya!" Napa-atras naman si Evelyn nang malamig lang syang tiningnan nang chairwoman tsaka sya ginawaran nang nakasisindak na ngiti
"You know me Evelyn. Oo ikaw nga ang ina, pero anong klaseng ina na kayang ipamigay ang anak nya?" Natahimik si Evelyn sa sinabi nag chairwoman, pero mabilis ding nakabawi
"Hindi ko ipinamigay si Zeventheen! Kahit kailan ay di ko magagawa iyon. Hindi ko sya ipinamigay, kundi ipinagkatiwala sa mga kamay mo. Dahil ipinangako mo na pangangalagaan at poprotektahan mo sya!" Balik na asik ni Evelyn
YOU ARE READING
Into The Unknown (COMPLETED)
RomanceGxG story book two of The Popular Unknown Psychopath