Chapter 15

656 28 6
                                    

Amber's POV

Tutok na tutok lamang ang aking buong atensyon sa kanyang papalayong sasakyan,  ngunit habang tumatagal ay mas bumibilis ang kanyang takbo. Bigla akong kinabahan nang malapit na kami sa intersection, ngunit yung takbo nya ay napakatulin pa din.

Napasigaw ako't mabilis na napaapak sa preno nang bigla syang kumabig pakanan, muntik pa syang mabangga ng nakasalubong nyang sasakyan mabuti na lamang at agad nya itong naiwasan. Pansamantalang nagkabuhol ang takbo ng trapiko dahil sa ginawa nya.

Lumiko ako't marahan na pinaandar at iniwasan ang mga sasakyan upang sundan syang muli. Ngunit napakalayo na nya at halos di ko na sya maabot ng aking tanaw. Napahinto na lamang ako sa sangang daan, di ko alam kung saan ang pipiliin ko.

Wala na akong ibang naisip kundi ang bumaba nang sasakyan, naglakad ako patungo sa harapan ng aking sasakyan. Tinanaw ko ang mga daan habang nasa ibabaw ng noo ko ang aking palad upang sipatin ng mabuti ang daan.

"Hmmm.... Saan naman kaya nagtungo ang taong iyon? Alin kaya dito ang daan na pipiliin ko? Lalo na hindi ko naman alam kung saan patungo ang mga daang ito. Haixt!" Turan ko sa aking sarili at napatampal sa aking noo dahil sa frustration na nararamdaman ko sa mga oras na ito.

"Bahala na. Inimini maynimo alin sa dalawa ang pipiliin ko..." Parang ewan kong kanta habang palipat-lipat ng turo sa direksyon. Kibit balikat na lamang akong nagpapadyak habang naglalakad pabalik sa aking sasakyan

"Bahala na kung saan ako dadalhin ng daan na ito. God guide mo ko please..." Lihim kong turan bago muling inistart ang aking sasakyan, huminga muna ako ng malalim tsaka mahigpit na napakapit sa manibela tsaka ko na pinaandar at kinabig ito sa kaliwang daan.

Habang nakapokus ako sa pagmamaneho ay pinagmamasdan ko ang paligid, ibinaba ko ang glass window sa aking side tsaka inilabas ang aking kamay upang damhin ang napakalamig na hangin. Napangiti ako dahil ang sarap sa pakiramdam. Napakagaan sa buong pakiramdam ang bawat dampi ng sariwang hangin lalo na sa aking kamay. I turned on the stereo para mas ma-enjoy ang journey ko na toh patungo sa kawalang siguruhan kung saan.

Sa sobrang  libang hindi ko na namalayan kung gaano na kahaba at gaano katagal akong nagmamaneho. Napansin ko na lamang na parang padami nang padami ang mga kabahayan establishment na nakikita ko kaya binagalan ko ang patakbo ko lalo na nang makita ko na ang mga tao. Muntik pa akong makabangga nang may biglang tumawid na kabataang lalaki sa aking harapan. Mabuti na lamang ay mabagal lang ang takbo ko at mabilis akong nakapagpreno. Wala namang ibang reaksyon ang mga kabataan, yumuko lang sya bilang paumanhin tsaka na nagpatuloy sa pagtakbo hanggang may sumunod na mga grupo din ng kabtaang sa tingin ko ay humahabol sa kanila.

Kibit balikat na lamang akong sumilip sa salamin ng aking sa sakyan upang tingnan kung nasaan ako. Natuwa ako sa aking nakikita dahil napakadaming tao at parang may kasiyahang nagaganap sa di kalayuan. Kaya naman nagdesisyon akong maghanap ng pwede kong mapagparkan ng aking sasakyan. Marahan kong pinaandar muli ang aking sasakyan hanggang sa makakita ako ng isang parking lot malapit sa isang maliit na plaza.

Pagkatapos kong ipark at mailock ang aking sasakyan ay nakangiti akong inilibot ang aking mga mata habang sinusundan ng tingin ang mga batang nagtatakbuhan habang nagkakasiyahan. Sinuot ko kaagad ng mabuti ang puting sumbrero na nakuha ko sa backsit ng aking sasakyan at puting jacket tsaka ang aking sunglass para hindi ako masilaw.

Nakapamulsa ang dalawa kong kamay sa bulsa ng aking jacket habang naglalakad ako't patuloy na pinagmamasdan at pinanunuod ang mga taong nagpaparoo't parito. Sinundan ko ang mga taong masaya at kita ang excitement sa kanilang mga mata habang tumatakbo patungo sa isang partikular na lugar.

Into The Unknown (COMPLETED)Where stories live. Discover now