Chapter 33: ZEVENTHEEN GRAYSTONE

594 14 0
                                    

Puno nang kaba Ang dibdib ni Zeventheen habang tahimik syang naglalakad, ngunit walang katapusan na lumilingon sa kanyang likuran. Maya-maya nya tinitingnan kung may nakasunod ba sa kanya o Wala, Lalo na magpahanggang Ngayon ay dinadaga pa din Ang kanyang dibdib dahil sa pagtakas nya sa presinto kung saan sya iniwan nang matandang tumulong sa kanya at nagdala sa kanya Dito sa sentro. Halos malula sya sa dami nang kanyang nakikita, humahaba Ang kanyang leeg na parang Isang giraffe dahil sa kakatingin sa mga bagay na bago sa kanyang paningin.

Marahil ay Ngayon nya lang ito Nakita nang personal, labis Ang tuwa nya habang naglalakad. Natutuwa sya habang pinagmamasdan Ang kanyang kapaligiran, ngunit ganoon din Naman Ang takot at Kaba nya dahil sa napakadaming tao na kanyang nasalubong. Kaya naman Todo iwas ag ginagawa nya para hindi bumangga o dumikit manlang sa mga ito. Natuwa sya at napahinto nang may makita syang usang lalaki na tumutugtog nang gitara habang kumakanta, napatigil sya sa kanyang paglalakad at naki-nuod sa mga taong nanunuod sa lalaki habang sumasabay sa kanya't pumapalakpak pa. Nakipalakpak din Naman sya habang nakangiti syang nakatingin sa lalaki, pagkatapos ay sa mga taong masaya't natutuwa ding tulad nya

"Thank you po sa inyo, let proceed to the next song" tila isang announcer sa isang contest, pagkatapos ay muli itong nag-strum sa kanyang gitara. Nakita't nagtaka si Zeventheen nang may lumapit sa lalaki tsaka nag-abot nang barya't inilagay ito sa guitar case  nito. Pinasadahan nyang muli nang tingin ang iba pang tao na ganoon din Ang ginawa, kaya naman Ang ginawa nya ay binuksan nya Ang kanyang bag tsaka kumuha nang pera at inilagay din doon sa case ang pera. Napatitig sa kanya ang lalaki at ilang tao na nagbigay nang pera, kaya naman nakaramdam sya nang kaba dahil sa way nang pagtitig nang mga ito sa kanya. Kahit na gusto nya pa sanang ituloy ang panunuod sa lalaki ay mas pinili na lang nyang umalis sa lugar na iyon, para makalayo sa atensyon nang mga tao doon.

Nakaramdam sya nang takot dahil baka may makakilala sa kanya, o sa pagkatao nya. Lalo na Kilala Ang pamilyang pinagmulan nya, kaya naman kailangan nyang umiwas sa mga mata nang mga tao as long as possible, para maka-iwas sa anumang kaguluhan na mangyari kung sakali. Nakayuko syang naglalakad, pilit itinatago Ang kanyang Mukha sa mga taong nakakasalubong nya nang tingin, kaya naman hindi maiwasan nang mga tao na mapatingin sa kanya dahil sa kaniyang ikinikilos.

Nagbuntong hininga lang sya nang makarating sya sa isang park kung saan may mga taong naglalakad, paminsan-minsan ay may nagjo-jogging pa,  inilibot nya ang kanyang paningin sa paligid. May natanaw syang isang fountain at may mga bench na malapit doon kung saan naka-upo ang ilang mga tao na may kanya-kanyang mundo. Sa likuran naman nang upuan na inuupuan nya ay mayroong well-trimmed santan flower sa flower box na hanggang likod nya. At isang post-lamp na nakatayo sa tapat nang inuupuan nya. Napa-ikot sya nang upo, inilagay nya Ang kanyang kanang braso sa sandalan nang upuan tsaka nya ipinatong Ang kanyang baba doon habang nakatanaw sa malawak na field na nababalutan nang Bermuda grass, doon may mga nagpi-picnic, may mga bata na nagtatakbuhan, nagpapalipad nang saranggola, naglalaro nang boomerangs, at ang iba naman ay nilalaro ang mga alaga nilang aso. Samantala ing iba pa ay casual lang na naglalakad habang nag-uusap.

Into The Unknown (COMPLETED)Where stories live. Discover now