Amber's POV
"Hello mommy!" Masayang bati sa akin ni Zember habang magkaharap kami sa screen nang aking laptop. Tipid lang akong nakangiti sa kanya, dahil kahit papaano ay medyo gumaan ang aking pakiramdam sa mga oras na ito. Kasalukuyan akong nasa hotel room na tinuluyan namin nila Anson pansamantala kung saan malapit lang sa ospital. Para mas madali para sa amin ang pagpunta kay Bluey.
"Hi baby. Mommy miss you so much!" Medyo maluha-luha kong turan habang tinititigan ang kanyang cute na mukha. Ang kanyang mukha lalo na ang kanyang mga mata na kasing kulay nang mga mata ni Zeventheen. Wala sa sariling napahawak ako sa screen nang laptop
"Miss na rin po kita mommy! Kailan ka po ba uuwi?" Nginitian ko lang sya
"Malapit na anak, Basta magbehave ka lang dyan kina tita Samantha huh? Promise one of this day magkakasama na din tayo. Miss na miss na din kita, lalo na mga kisses at hugs mo" nakangiti kong tyran na syang nagpangisi naman sa kanya.
"Opo mommy, basta promise mo malapit ka na pong umuwi. Kasama si dada di po ba? Pwede ko po ba syang makita?" Napalunok at napatutop ako sa aking bibig dahil sa sinabi nya.
"Hmm... Later anak. Can I talk to tita Sam?" Tumango lang naman sya bago sya tuluyang nawala sa screen, paglipas nang ilang segundo ay pagmumukha na ni Samantha ang lumitaw sa screen.
"Hey! Cous, is there a problem? You look worse!" Bungad nya sakin kaya napatawa ako nang pagak, sabay punas sa aking luha na hindi na napigilang tumulo. Nakita nya yun kaya rumehistro kaagad sa kanyang mga mata ang labis na pag-aalala
"Nandyan pa ba si Zember sa tabi mo?" Tanong ko sa kanya, nakatitig lang sya kaya napayuko ako tsaka huminga nang malalim at muling tumingin sa kanya
"Wala na, lumabas sila ni tita. Siguro ay nasa labas at nagpapaturo na mag-bike kina Tito. Yang anak mo ewan ko kung ano tumatakbo sa ulo nun, napaka-impulsive minsan. Manang-mana sa tatay-nay nya" sabay ngiti nya nang mapakla habang nakatitig sa akin
"Hayaan mo na, mahirap naman kung magmana sayo yun na may kabaliwan din" sabay mahina kong turan.
"Amber" tawag nya sa aking pangalan kaya napatitig ako sa kanyang mga mata na ganoon din sa akin. Di ko na naitago pa sa kanya kung ano ang dinadala ko sa mga oras na ito
"What's wrong? Bat nagkakaganyan ka na naman. Baka nakakalimutan mo na kaya ka namin pinadala dyan ay para magrelax babaita ka! Pero anong ginagawa mo?" Panenermon nya sakin, napangiti lang ako nang mapait at muling nagpahid nang aking pisnge dahil sa mga luha na ilang araw nang walang tigil sa pag-agos
"Sam..." Nanginginig ang aking boses at bumigay na
"Shhhh... Ano ba kasing nangyari? Tell me, bat nagkakaganyan ka na naman?" Umiling-iling lang ako
"Anong wala? Hindi ka magkakaganyan kung wala lang" patuloy lang ako sa pag-iling habang pinipigilang ang aking hikbi
"Sam, h-hindi k-ko na alam ang g-gagawin ko. Hindi ko alam, k-kung makakaya ko pa ba kapag n-nawala na naman s-sya s-sakin" sabay hikbi ko na at walang tigil na sa pag-agos ang mainit na likido sa aking mga mata
"Teka! Ano bang pinagsasabi mo? Ano bang nangyayari?" Naguguluhan nyang tanong sa akin
"S-si..si Zeventheen" nanahimik syang nang banggitin ko ang kanyang pangalan. Nagbuntong hininga lang si Samantha tsaka pumikit nang madiin habang kinakalma ang kanyang sarili
"Ilang beses ba kita kailangan na paalalahanan na dapat na nating tanggapin ang nangyari noon. Kasi Amber, kahit na ilang beses kang umiyak dyan at magsisi. Kahit na lumuha ka pa nang dugo sa mga oras na ito, hindi mo na mababago ang nakaraan. Dahil tapos na, nangyari na. Wala na tayong magagawa para bumalik at baguhin iyon, dahil tao lang tayo Amber. Kaya kung maaari ay tanggapin mo na kung ano ang mga nangyari noon at patawarin mo na ang sarili mo, dahil walang may gusto sa nangyari noon. Huwag mo namang pahirapan ang sarili mo, Amber hindi lang ikaw ang nasasaktan sa mga pinaggagawa mo. Maging ang mga tao sa paligid mo, ang mga nagmamahal at ang mga taong nandito sa tabi mo" mahaba nyang turan sa akin, hindi ko sya masisisi kung bakit ganito ang mga sinasabi nya. Dahil saksi sya kung paano halos masira ang buhay ko nang mangyari ang insidenteng iyon. Saksi sya kung paanong araw-araw ay pinapatay ako nang aking sariling puso at isip.
YOU ARE READING
Into The Unknown (COMPLETED)
RomanceGxG story book two of The Popular Unknown Psychopath