Bluey's POV
I can't help my self but smile, like there's no tomorrow. I never been this happy sa buong buhay ko, sa pagkakaalala ko mula nang magising ako sa pagkakatulog ng 3 taon. Mula nang magdilat ang aking mga mata ay ngayon ko lang naramdaman ang sobrang kasiyahan na tila pumupuno sa puso kong uhaw sa di malamang dahilan.
Hindi ko kayang pigilan ang sarili ko na ipakita at ilabas ang tunay kong nararamdaman habang nakatingin ako sa isang babae na masayang nakikiindak sa mga taong nagkakantahan dito.
Ramdam ko rin ang napakabilis na tibok ng puso ko kung ikukumpara sa normal na tibok nito. Everything is in slowmotion, pakiramdam ko ay kaming dalawa lamang ang tao ngayon. Malabo ang nakikita ko sa paligid except sa kanya, tila sya lang ang pinakamalinaw na larawan ngayon.
Ang mga ngiti nya na nagpapawala sa aking puso, yung mga ngiti nya na parang sinag ng araw na nagpapaliwanag sa aking kapaligiran. Yung ngiti nya na hindi ko pagsasawaang pakatitigan, yung ngiti nya na ngayon ko lang nakita mula nang magising ako, yet seems familiar.
This stranger's smile that give me strange feeling, yet my favorite of all the faces in this places. I can't help myself. What to do?
Anong dapat kong gawin, lalo na ngayon pakiramdam ko habang lumilipas ang mga segudo, minuto at mga oras na kasama ko sya't napagmamasdan ang kanyang matatamis na ngiti ay unti-unting nalulunod ang aking puso sa kakaibang pakiramdam na ito.
Hindi ako sigurado kung tama nga ba itong nararamdaman ko sa mga oras na ito toward sa babaeng ito na ilang araw ko pa lang nakilala, pero dito sa puso ko. Pakiramdam ko ay sobrang tagal ko na syang kilala. Yun bang parang tinatawag nilang soul mate.
Yung pakiramdam na napakalakas ng connection nyong dalawa ganon. Walang awkward moment or uncomfortable feelings everytime na magkasama kaming dalawa. Everythings seem right, everything feels right.
Ngunit, habang tumatagal ay nakakaramdam din ako ng takot, dahil hindi ko maiwasang maisip na paano kung ako lang ang nakakaramdam nun. Dahil tulad ng sabi nya sakin noon na ako lang ang una nyang nakilala dito, paano kung na-overwhelmed lang sya sa company ko. Hindi ba't ang hirap isipin?
Hindi ko naman sya pwedeng tanungin ng mga tanong na ano ba tayo or may nararamdaman din ba sya sakin, dahil baka pagtawanan nya lang ako or worst layuan ako dahil sa mga isiping yun. Hahahah
Siguro sa mga oras na toh ang tangi ko lang magagawa ay, sulitin ang mga moment na kasama ko sya. De bale na kung taliwas sa iniisip ko ang maging ending namin atlis i have something precious na mati-treasure sa buhay ko. Atlis masasabi kong naging masaya ako kahit na it turned to the other side.
Kibit balikat ko na lamang na hihintayin at panunuorin ang mga susunod na mangyayari sa amin. Sa ngayon ang gusto kong pakatutukan ay ang masasayang oras na magkasama kami. Dahil kung di man mangyari ang iniisip ko, kung taliwas sa inaasahan ko ang mangyayari sa amin. Atlis may mababaon akong masasayang ala-ala na kasama sya, atlis masasabi ko na kahit minsan ay nagawa kong maging masayang-masaya. Yung tunay na saya.
"Whooh! Grabe sobrang nag-enjoy ako" masayang turan nya habang nakaupo na sa bench at hinahawi ang kanyang pawisang buhok, bahagya nya ding ginawang pamaypay ang kanyang kamay dahil siguro ay naiinitan na sya. Kinuha ko ang panyo ko sa aking bulsa.
Humarap ako sa kanya tsaka ko pinihit paharap sa akin ang kanyang ulo, nakatingin lang sya sakin na may pagtataka. Bigla naman akong napahinto habang hawak ko ang kanyang magkabilang pisnge, napatitig ako sa kanyang mga mata.
May kung anong damdamin akong nararamdaman habang nakatitig sa mga ito. May nababasa akong sari-saring emosyon sa kanyang mga mata, tila ba may bumabagabag sa kanya. Nababasa ko ang halo-halong lungkot, saya, pangungulila at pagmamahal.
YOU ARE READING
Into The Unknown (COMPLETED)
RomanceGxG story book two of The Popular Unknown Psychopath