Special Chapter 2

680 25 0
                                    

"hi nanang! Hi tatang! Kamusta na po kayo dyan? Maayos lang po ba lagay nyo dyan? Ako ito ayos na ayos lang naman. Btw gusto ko po sana ipakilala sa inyo si Amber" turan ni Zeventheen tsaka ako nito tiningnan at pinalapit sa kanyang tabi. Agad nya akong niyapos sa bewang at nakangiting tinanguan ako.

Humarap naman ako sa puntod ng mag-asawang De Mesa tsaka magalang na yumuko bilang pagbati. Lumingon ako kay Zeventheen, nakangiti lang sya tsaka nya ako ginawaran ng halik sa noo

"She's now my wife tang, nang. Actually kakatapos lang ng kasal namin. Pumunta kami dito para sa honeymoon, for your second  grandchild. Sa susunod po pala isasama po namin dito si Zember. Para personal nyo pong makilala ang isa't isa. Napakadaldal at napakatalino po ng batang iyon, sayang at hindi niyo na sya magagawang laruin. Kaya naman tanging paggabay nyo na lang ang hinihinge ko para sa pamilya ko." may himig nang kalungkutan sa kanyang boses habang sinasabi ang mga ito. Nakikita ko din ang pamumuo ng kanyang mga luha, ngunit pilit pinipigilan at tinatago ng kanyang mga ngiti

"Nanang, tatang alam nyo po ba miss na miss ko na kayo" at tuluyan na ngang bumagsak ang kanyang mga luha. Agad naman nyang pinunasan iyon, niyakap ko lang sya tsaka hinaplos ang kanyang likod at braso. Lumingon sya sa akin at ngumiti, nginitian ko lang naman sya upang sahihin na ayos lang, huwag nyang pigilan.

"Nami-miss ko na po ang mga luto nyo, ang sermon nyo at pag-aalala, lalo na ang pagmamahal at pag -aalaga kahit na alam nyong hindi ako ang tunay nyong anak. Kahit di nyo ako kadugo ay itinuring nyo pa rin po akong tunay na anak, kaya labis po akong  nagpapasalamat sa ginawa nyo. Dahil you help me to be a better version of myself" nakangiti nyang pahayag tsaka nya hinaplos ang mga pangalang naka-ukit sa mga lapida nito

"Look at me! Masayang masaya po ang buhay ko ngayon kasama ang sarili kong pamilya, kaya naman hindi niyo na kailangang mag-alala pa sa akin. Lagi ko kayong nakikita sa panaginip at lagi nyo akong pinagalitan lalo na noong mga panahon na iniiwasan ko ang mag-ina ko. Salamat nanang, dahil kahit wala na kayo sa tabi ko ay hindi niyo pa rin po ako pinabayaan" tsaka nya muling pinahid ang kanyang mga luha.

"Lalong lalo na din sa inyong dalawa. Bluey at Anson, maraming-maraming salamat sa ginawa nyong pagligtas sa akin at pagbubiwis ng buhay nyo para sa kapakanan ko. Dahil kung hindi sa inyo, hindi ko mararamdaman ang ganitong kaligayahan sa buhay ko. Labis ang pasasalamat at utang na loob ko sa inyong dalawa. Sa inyong pamilya" nakangiti sya habang nakatingin na sa puntod nila Anson at Bluey.

"Thank you for letting me to be you sa loob ng anim na taon. Dahil ang mga taon na iyon ay naging isa sa pinaka-importanteng parte ng buhay ko na syang humubog pa lalo sa pagkatao ko. Sana masaya na kayo kung nasan man kayo, hinding hindi ko kayo makakalimutan" tsaka sya tumango na para bang nasa harap nya ang mga ito at buhay na buhay.

"Sya nga pala, naghanda ang mag-asawang si Omeng ate Rea para sa birthday nyong dalawa ni Bluey at Anson. Niluto nila ang mga paborito nyo" tsaka nya isa-isang nilabas sa basket ang ibang pagkain na dala namin at inilagay sa nilatag na tela.

Nag-alala lang kami muli ng maikling dasal kasama ang ilang pagkain na para sa kanila. Pagkatapos nun ay nag-pasya na din kaming umalis sa lugar na yun.

Into The Unknown (COMPLETED)Where stories live. Discover now