*tsup!
What was that? I'm still sleepy. I want to open up my eyes to find out what is that thing. But I can't, it feels so comfortable lyring right here. I love this feeling, it feels home.
*Child giggle
Is that a child's voice? It's sound like this child is enjoying what she's doing.
*Click!
Its a sound of a camera, where did it come from?
"Dada, wake up" it's the kid's voice.
"Hmm... Give me more minutes. I'm still sleepy" then I held something soft, it smells good and lovely. I love to hold it forever.
"But Dada it's already late... Mommy..." I can let it go, this kid trying to take it away from me but I can't just let it go that easily
"It's mine..." And grab it tightly, I can feel it softness.
*Giggles
*Random voices
*Camera shot!
"What is that noise?"
I can't open my eyes, nasisilaw ako sa liwanag na nanggagaling sa labas ng binata. I can also feel the cold breeze. Mas lalo kong niyakap ang malambot na bagay na nakakulong sa aking mga bisig.
It smells good
Mas lalo kong isinubsob ang aking mukha sa malambot na bagay na ito upang itago din ang aking mukha mula sa nakakasilaw na sinag ng araw.
"I think we should leave them for the mean time baby... Look, Dada is enjoying it" rinig kong turan ng isang boses, ngunit mahina tama lang na hindi makabulabog. Narinig ko naman ang mahinang pagtawa ng maliit na boses
"If you say so Tita. Then can we take a photo of them?" Tanong ng bata sa isang babae. Samantalang ako naman ay nanatili lang na nakayakap sa malambot na bagay na nasa tabi ko. It felt so warm.
"Basta huwag kang maingay dahil baka magising sila" turan uli ng babae. Pagkalaon ay wala na akong narinig pa na kahit na anong ingay, maliban na lang sa mahinang tunog na tila ba kumukuha ng litrato.
Pagkalipas nang ilang sandali ay tuluyan nang nawala ang ingay. Narinig ko na lamang ay marahang pagbukas ng pinto at ang pagsara nito.
Tila nilamon ng katahimikan ang buong lugar kung saan natutulog ako ngayon. Ang tanging ingay lang ng alon sa dalampasigan ang naririnig ko mula sa di kalayuan, ang ingay na nagmumula sa mga dahon at punong naghahampasan habang sinasayaw ng hangin sa mabagal at mahinang pag-ihip nito. Idagdag mo pa ang ilang mga ibon na maririnig na lumilipad at umaawit sa mga sangha at kung saang parte ng mga puno.
May mga ilang tinig din akong naririnig mula sa kalayuan, tawanan at masasayang sigawan at usapan. Mahihimigan sa kanilang mga boses ang saya at enjoyment na ginagawa nila sa mga oras na ito.
Naririnig ko rin ang ilang ingay na nagmumula sa mga maliliit na bangka at ilang speedboat. Halo-halong boses at ingay sa paligid, habang nakapikit ang aking mga mata ay mas malinaw kong nakikita ang mga nangyayari. Ang mga ngiti at kanilang pagtawa ay malinaw sa aking paningin.
Napangiti ako dahil sa nakikita ko, mas lalo kong hinapit ang malambot na bagay na yakap-yakap ko it's feel so peaceful. Hindi ko maintindihan, gaya ng sari-saring ingay na nagmumula sa labas at paligid ay ganoon din ang malakas na pagtibok ng puso ko. At mayroon din akong ibang naririnig na tibok na syang sumasabay din sa aking dibdib.
YOU ARE READING
Into The Unknown (COMPLETED)
RomanceGxG story book two of The Popular Unknown Psychopath