Bluey's POV
Habol ang hininga akong nagdilat ng aking mga mata mula sa isang napakasamang panaginip. Ramdam ko ang napakabilis na tibok ng aking puso, lumingon ako sa labas ng bintana upang tingnan kung maaga pa ba. Napapikit na lamang ako't mapatukod ang siko sa aking hita habang salo ng aking kanang palad ang aking noo. Napabuntong hininga na lamang ako na parang kasing lalim ng Pacific Ocean. Tagaktak din ang aking pawis sa noo at leeg.
Napapilig ako at mas diniinan ang aking pagpikit, madiin na din akong napahawak sa aking ulo dahil bumabalik na naman sa aking diwa ang napakasamang panaginip na iyon. Nakakatakot at hindi maganda talaga, ganoon din naman ang sakit at bigat sa aking damdamin.
There was a group of people na nag-di-decriminate sa isang tao, nakatayo lang sya sa gitna nila. Habang sa kanyang harapan ay may isang babae na nakatayo at galit na galit na nakatingin sa kanya. Ramdam ko ang galit ng babae sa taong iyon, maging ang takot din ng taong iyon at sakit sa kanyang damdamin ay ramdam ko. Lalo na ang takot at pag-aalala dahil sa mga taong nasa paligid.
Hindi ko maintindihan pero pamilyar sa akin ang pakiramdam na iyon, tila naranasan ko na ang bagay na yun. Ngunit sa tanang buhay ko ay hindi pa ako nalalagay sa ganoong sitwasyon magmula nang magising ako. Pero bakit ganito na lamang ang nararamdaman ko.
I have a bad feeling about it
Nagbuntong hininga na lamang ako to the nth time. Masyado na ata akong nai-stress, ngayon nagsisisi na ako na sumuway ako kina tatang. Kung sumunod lang ako sa kanila siguro ay hindi ko mararamdaman ang ganitong takot sa puso ko dahil sa hindi malaman at tiyak na dahilan. Tama sina tatang, sasakit at mai-stress lang ako sa lugar na ito.
Now I regret it
Nagpalungbaba ako tsaka nakangusong tumingin sa labas, sa kawalan habang iniisip kung ilang araw pa ang bibilangin ko bago makabalik ng isla. Sa lugar kung saan purong katahimikan at kapayapaan ang nararamdaman ko. Bigla akong nakaramdam ng lungkot dahil bigla ko na lamang na-miss sila tatang lalong-lalo na si nanang.
Now what to do?
Sa hindi malamang dahilan, bigla na lamang sumilay ang isang napakatamis na ngiti sa aking mga labi nang maalala ko si Amber. Weird ngunit bigla akong nabuhayan ng loob, parang isang kidlat na gumuhit sa aking puso ang kapanatagan at galak nang maalala ko ang kanyang mukha.
I must be crazy
Just the thought of her makes my heart skip a beat. Para akong kakapusin ng hangin sa baga, sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Mababaliw na nga siguro ako talaga, in a good way. Muli na naman akong napangisi animo'y binabalikan ang mga nangyari kagabi.
My God! Ano ba itong nararamdaman ko?
Napailing na lamang ako habang nangungusap ang aking mga mata habang nagdi-daydream. The way she touched me, parang hinaplos na din nya ang aking puso. Pakiramdam ko ay bigla na lamang napunan ang malaking espasyo sa aking puso. Hindi lamang basta napunan, napuno pa habang nasa mga bisig nya ako.
I feel at eased. I feel home in her embrace
Corny! Pero totoo. Para akong bata na naliligaw sa gitna ng amusement park at sa wakas, sa tagal na pagkakawalay ay natagpuan ko na ang aking ina. Parang ganon, sa tagal nang pananatili ko sa dilim, sa gitna nang walang kasiguruhan ay bigla syang lumitaw at doon ko natagpuan ang aking hinahanap.
Bahala na kung ano man ito
Tangi ko na lamang nasabi sa aking sarili, umiling-iling na lamang ako at napabuntong hininga. Muli akong mahiga tsaka tulalang nakatingin sa ceiling, nag-iisip ng kung ano-ano. Iniisip ko din kung kamusta na sila tatang at nanang sa isla. Pangalawang araw ko na dito ngayon ko lang nararamdaman yung guilt dahil sa ginawa ko, paano pa kaya yung limang araw na natitira?
YOU ARE READING
Into The Unknown (COMPLETED)
RomanceGxG story book two of The Popular Unknown Psychopath