Chapter 37: ZEVENTHEEN GRAYSTONE

214 10 0
                                    

Mas lalong lumalayo ang loob ni Zeventheen sa mga tao sa mansyon. Maging ang chairwoman ay pansin na pansin ang malaking pagbabago sa kanyang behavior. Kahit na anong gawin nya ay nananatili lang itong tikom ang mga labi, kahit na anong parusa ang natanggap nito nula sa chairwoman. Madalas syang masaktan nang chairwoman dahil sa matinding kabalisahan nya, maging pagdating sa mga training at session nya kay Mr. Anderson at Mr. Smith ay napapabayaan na nya kaya madalas syang parusahan nang chairwoman.

Habang tumatagal ay napapansin nila Mr. Anderson ang pagdilim nang kanyang mga mata, halos wala nang bakas nang matitingkad na kulay na syang pinag-aalala nilang lahat. Ang patuloy na paglamig nang kanyang pakikitungo sa kanila. Tila isa na lamang itong robot na naka-program ngunit puro error.

"What will we do about this Anderson? As days goes by, mas lumalala ang young master" Puno nang pag-aalala na pahayag ni Mr. Smith before he take a shot of his vodka. Nakatingin lang naman si Mr. Anderson sa kawalan habang pinapaikot ang laman nang kanyang baso. Malalim na buntong hininga lang ang kanyang pinakawalan then he take a shot too.

"I don't know Smith, pansin mo ba lalong lumalala ang sitwasyon ni Zeventheen. She's not the person I used to know. It's seems like, she turned into someone new. Napakalaki nang pagbabago nya at hindi ko alam kung ano ang dahilan" Puno nang kalituhang pahayag naman ni Mr. Anderson habang mabilis na na-iiling at kuyom ang kanyang kamay habang mahigpit na hawak ang kanyang baso

"I think I know why?" Bigla namang napalingon si Mr. Anderson kay Mr. Smith dahil sa sinabi nito. Tumingin naman ito sa mga mata ni Mr. Anderson at napa-ismid pa na kinakunot naman nang noo ni Mr. Anderson

"Love sick" Turan nya then clicked his tongue. Tumaas lang ang isang kilay ni Mr. Anderson at nagpamewang

"Seriously? Ngayon mo pa nakuhang magbiro sa ganitong sitwasyon Will?" Asik ni Mr. Anderson

"No! I'm not joking. Look at these, hindi ko ito pinaalam sa chairwoman. Dahil we both know what is she(chairwoman)" pahayag ni Mr. Smith tsaka sya lumapit sa kanyang table, sabay hila sa pinaka-ibabang drawer nito at kinuha ang brown envelope.

"Hindi ako sigurado, pero I have a hunch na isa ito sa mga dahilan nang malaking pagbabago sa mga kilos nya. Look at this!" Mabilis namang nasalo ni Mr. Anderson ang envelope nang ihagis ito sa kanya ni Mr. Smith. Ibinaba na muna nya ang kanyang baso tsaka mabilis na tiningnan ang nilalaman nang envelope, inisa-isa nya itong tiningnan. Di makapaniwala syang napatingin kay Mr. Smith na tumatango lang tsaka itinaas ang kanyang baso sa harapan nito sabay inom.

"Bakit ngayon mo lang pinaalam ito?" Pabulong na tanong ni Mr. Anderson

"Paano ko ipapaalam sayo kung palaging nasa tabi natin ang chairwoman? Alam mo naman ang ugali nang chairwoman oras na malaman nya ito" kibit balikat na tugon ni Mr. Smith at muling nagsalin nang alak sa kanyang baso, tsaka naglakad palapit sa salaming bintana nang hotel. Pinagmasdan nya ang city lights, nakatingin lang naman si Mr. Anderson sa kanya

"Matagal ko nang kilala ang chairwoman, at mas madalas na nakasama kumpara sayo na laging kasama ang young master mula bata pa ito. Halos kabisado ko na ang ugali nang chairwoman, kung paano ito mag-isip sa mga certain situation. Lalo na sa mga ganitong bagay, you know kung gaano sya ka-obsessed sa safety ni Zeventheen. At sa tingin mo, ano ang gagawin nya oras na malaman nya ang tungkol sa bagay na ito? Sa taong ito!" Sabay harap ni Mr. Smith kay Mr. Anderson habang hawak ang isang  litrato kung saan masayang nakangiti si Zeventheen habang nakaharap sa isang dalaga, kung saan masaya silng nagsasayaw sa gitna nang maraming tao

Into The Unknown (COMPLETED)Where stories live. Discover now