Chapter 12

658 28 3
                                    

Amber's POV

Halos  mapunit na ang aking mukha dahil sa hindi mabura-bura ang napakalawak na ngiti sa aking mga labi. Tahimik lang akong nagmamaneho habang nakikinig ng stereo, napapa-hum ako kasabay ng tugtugin.

Para akong kinikiliti sa tiyan kapag binabalikan ko ang mga oras na magkasama kami ni Bluey, napakasaya ko. Halos di ko na nga din namalayan ang oras, para kasing napakabilis ng pag-ikot ng relo sa tuwing kasama ko sya.

Napahigpit ang kapit ko sa manubela nang maisip ko na halos dalawang araw pa lang ako dito, pero sa loob ng mga araw na yun ay naging masaya ko. Halos makalimutan ko na ang lungkot na ilang taon kong pinaglunuran, at iyon ay dahil sa isang tao.

Bluey De Mesa, but deep inside she's not just Bluey De Mesa. For me she's the person I knew, Zeventheen Graystone. I don't care anymore of what will happen next, ang mahalaga ay ang meron sa pagitan namin. Simula pa lang ito, pero sisiguruhin ko na magiging maganda hanggang sa huli.

3:30 am

Napahikab ako matapos Kong makita ang oras sa aking cellphone.  Katatapos ko Lang maglinis ng katawan.  Pabagsak akong nahiga sa kama tsaka ko i-unlocked para tingnan kung may message ba ako or call.  Halos kay Jake at Kay Sam Lang ang karamihan. Napaupo ako nang makita ko ang name ni ate Asharlie na may 5 missed call.

Napaisip ako kung tatawagan ko ba sya dahil alanganin na din ang Gabi.  Baka natutulog na yun,  kaya naman nagtext na Lang ako sa kanya.  Napahinto ako nang maalala ko si Bluey,  nag-isip muna ako bago ko ipinagpatuloy ang pagta-type.

Huminga ako nang malalim pagkatapos ko itong i-sent sa kanya.  Nagtext na Lang din ako kay Jake at Sam, kasabay ang bilin na ingatan nila si Zember,  pagkatapos ay inilapag ko na sa said  table ang ating cellphone tsaka natulog.

8:30 am

Pikit ang isang mata ko na napabangon ako sobra na akong tinanghali. Sabagay late na rin ako nakatulog. Bumalik ang aking atensyon sa screen ng aking cellphone nang mag-ring ito. Lumingon ako sa bintana tsaka ko ito sinagot

"Hello?" Inaantok kong turan sa kabilang linya

"Hello! Amber?! Ikaw na ba yan?!" Itinapat ko ang aking cellphone sa aking mukha tsaka naoasimangot. Si Samantha pala

"Malamang, sino pa ba? Cellphone ko ito kaya natural lang na ako toh. Tsaka, wala bang good morning muna dyan?" Tanong ko sabay hikap, tumayo ako't humarap sa bintana. Mabilis kong hinawi ang kurtina nito tsala binuksan ang salamin pagkatapos ay nag-init ako habang nakaipit sa aking tenga at leeg ang aking cellphone

"Walang good sa morning! Teka nga! Ano bang nangyayari sayo?! Alam mo bang nag-aalala na kami sayo kahapon pa! Tawag kami nang tawag at text nang text sayo pero hindi mo sinasagot! Ano bang nangyari? Ayos ka lang ba? Pangtatlong araw mo pa lang dyan pero pinag-aalala mo na kami ng sobra, mas makakabuti siguro kung sumunod kami dyan!" Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nya, mabilis akong napatayo ng tuwid habang umiiling.

"Huwag na! Hindi na kailangan! Ayos lang naman ako! Huwag na ka nang mag-alala. Ano kasi... Naiwan ko yung cellphone ko kagabi sa kotse. Hindi ko na namalayan ang oras kaya hindi ko na din nasagot mga tawag at text mo. Pero ayos lang naman ako, sige sa susunod oras-oras akong magte-text sayo para hindi na kayo mag-alala" mahaba king pahayag. Hindi manlang sya sumasagot. Hindi ko rin kasi alam kung paano ko ipapaliwanag sa kanya ang mga nangyayari nang hindi sya maguguluhan. Gusto ko sanang sabihin sa kanila kapag ayos na. Kapag bumalik na ang mga nawalang alaala nya.

"Okay! Wala naman akong magagawa eh. Sige kung ganoon, pero kapag inulit mo pa yung ginawa mo kagabi. Ora mismo, kahit ngayon na mismo paliliparin ko ang sasakyan mapuntahan ka lang kaagad dyan" ngumiti lang naman ako sa kanya, dahil hindi nya talaga maitago ang sobrang pag-aalala nya. Nagpapasalamat talaga ako dahil may pinsan akong katulad nya, napakamaalalahanin at mabait.

Into The Unknown (COMPLETED)Where stories live. Discover now