"LET'S START THE FUN!"
Umalingawngaw ang sigaw na iyon sa buong bahay kasabay ang malalakas na tugtugin at hiyawan ng mga tao.
Sa bawat pagsayaw nila ay kita ang kasiyahan. May ilang mga halos tumumba na dahil sa epekto ng alak ngunit marami pa rin ang nagsasaya na animo'y wala nang bukas.
Nagkalat ang mga confetti sa paligid. Kaliwa't kanan naman ang mga lamesa para sa pagkain at inumin. May mga tao na nag-uusap lang sa unang palapag, mga sumasayaw at nakikigulo sa ikalawang palapag, at sa ikatlong palapag naman ay mga kuwarto.
Sa dingding ng bahay ay may nakakabit na mga tarpaulin. Kung babasahin, malalaman mo kaagad ang sanhi ng pagdiriwang.
"West Carson High, National School Sports Competition (NSSC) All Sweep Champions in Season '92," pagbabasa rito ng isang lalaking naka-upo sa gilid at bumuntong-hininga.
Nang marinig iyon ng babaeng tinabihan niya ay agad itong natawa.
"Ba't ang lalim naman ng buntong-hininga mo, Nashville?" tanong ng babae sa lalaking nakasuot ng beige-colored turtle neck, light brown denim jacket and pants. Naka-suot din ito ng puting sapatos.
"Bakit Braelyn, bawal ba?" nakangising tanong ni Nashville habang pinanunuod ang mga estudyanteng sumasayaw.
Natawa ang babae. "Para kang kambing, tanga."
Natawa rin si Nashville. "Ang dami nang nalalasing, oh. Hindi mo ba sila pipigilin?"
"Sino ba kasi nagpasok ng alak dito?" tanong ni Braelyn na bahagyang naiirita. "Hindi na 'ko magugulat kung makarinig nalang tayo ng tunog ng sirena ng mga pulis at ma-raid tayo rito. Imagine, we are all underage here, Nashville, and yet people are drinking and smoking!"
"Why don't you report us, then?" tanong ni Nashville. "Ikaw nalang kaya hinihintay ko mag-react. Honestly, sumasakit na ulo ko sa amoy ng sigarilyo."
"Same," natatawang sabi ni Braelyn. "Pero ewan ko, natatakot ako. Alam mo naman kapag pinakialaman mo ang buhay ng kahit na sino sa West Carson High, buhay din ang kapalit."
Biglang natahimik si Nashville at maya-maya'y ngumiti nang tipid.
"Whoa-ho-ho, the peacemaker of West Carson High is a scaredy-cat, huh?"
Biglang nanlaki ang mga mata ni Braelyn na ikinagulat ni Nashville.
"W-Why?" takang tanong ni Nashville. "Did... I say something offensive?"
"Speaking of school!" sabi ni Braelyn at agad na inilabas ang iPad niya. "Maniningil pala ako tonight for the props. Kanina sana 'yon kaso championship nga. Hold on... Nashville Burlington... let's see if bayad ka na..."
Maang na tinitingnan ni Nashville ang kaklase.
"Seriously, Braelyn?" tanong niya. "Hanggang... sa ganitong lugar at pagkakataon maniningil ka...?"
"Siyempre, 'no. Allowance ko pinangbayad ko, e," sabi nito at naningkit ang mga mata. "Chinichika-chika mo 'ko, hindi ka pa pala bayad pota ka..."
"Magkano ba?" tanong ni Nashville at nilabas ang wallet.
"850."
"Ang mahal naman. Olympics ba 'yang ni-design niyo," reklamo niya at inilabas ang wallet. "'Yun lang, wala akong cash. Next week nalang sa room."
"Hindi pwede," determinadong sabi ni Braelyn. "Do bank transfer."
Pinanliitan siya ni Nashville ng mata. "Sigurista ka, 'no?"
Binuksan ni Nashville ang cellphone niya at nang ma-transfer na ang pera ay iniharap iyon kay Braelyn.
"Okay na, masaya ka na?"
BINABASA MO ANG
"Catch Me, Attorney." (Law Series #4 || Season 1 & 2)
Romance[PUBLISHED Under LIB] #4. "If I fall for you, will you catch me, attorney?"