REIGN.
"Grey..."
I suddenly can't move at all. Para akong nanigas sa kinatatayuan ko nang makita ang pamilyar na mukha na ni minsan ay hindi ko nalimutan.
When Lyle appeared when I was talking with Maki, pakiramdam ko ay nanlamig ako. Just when I thought that was gonna be the most inexplainable feeling above all-meeting the person you used, ghosted, and lied to-I was wrong. With Lyle, I felt the need to be brave and defend myself.
But with Grey...
Tiningnan ko siya. Gulat na gulat pa rin siya nang makita ako. Isang taon na rin ang lumipas simula nang nag-break kami, isang taon na rin ang lumipas simula nang umalis ako sa West Carson High at napakarami nang nagbago.
Kabisado na namin ang isa't isa. From our features to our secrets, we found comfort with each other. Pero ngayon... he was looking at me as if I looked really strange in his eyes.
Nanliit ako sa sarili ko at na-guilty. Isa lang ang nakikita kong paraan, gaya ng dati-I felt the need to run away and disappear. It was the only way.
Tiningnan ni Grey si Lyle, papunta kay Maki, at pabalik naman sa akin. Hawak pa rin ni Lyle ang isa kong kamay habang si Maki naman sa isa. He looked really confused.
"Sino siya, Reign?" tanong ni Maki sa akin. "Kilala mo ba siya?"
Hindi ako makapagsalita. Ni-hindi ko alam kung anong sasabihin ko.
"Of course, he knows him," Lyle said with a hint of bitterness in his voice. "Sa lahat ng taong kilala niya, siya ang hindi niya malilimutan."
Hindi sumagot si Maki. Tiningnan ni Maki si Grey, na para bang pinag-aaralan niya ito.
"Reign..."
Napatingin ako kay Grey. From looking confused, he forced himself to smile at me.
"It's... it's nice seeing you again..."
Lahat ay nag-flash back sa akin. Simula noong una kaming nagkita sa Arcade at sinalba niya ako laban sa mga sindikato, 'yong mga panahong siya lang ang kakampi ko sa school habang ang lahat ay gusto ako umalis, the way he chose me over his family, and the way we broke up and parted ways.
Alam kong tanggap ko na ang lahat. Alam kong naka-move on na ako. Pero bakit ganito ang nararamdaman ko? Do I feel the guilt now? Or am I just ashamed of how I have become after ghosting them all?
"Let go of me..." bulong ko.
"What?" Lyle asked me.
Hindi ko na hinintay pa ang sagot niya. Mabilis kong binawi ang kamay ko mula sa pagkakahawak nila Maki at Lyle. Pareho silang nagulat. Akmang lalapit si Grey sa amin nang bigla siyang mapahinto dahil sa ginawa ko.
Without uttering anything, I turned my back and just like what I always do, I ran away without even looking back at all...
---
THIRD PERSON POV.Hindi malaman ni Grey ang gagawin. Ang unang nakita niya sa malayuan pa lang ay si Lyle. Hindi pa nga siya sigurado kung si Lyle nga ba iyon pero dahil sa tangkad ng kaibigan ay madali niya itong nakilala.
Nang tuluyan siyang makalapit ay bigla siyang napahinto. May kasama itong isang babae at isang lalaki.
"May away?" tanong ni Grey sa sarili.
He knew pretty well that Lyle will never get himself in trouble. Pero sa sitwasyong iyon, mukhang handa itong makipagbuno anytime.
Matalim ang tingin ni Lyle sa lalaki at may sinasabi rito. The way he smirked, he knew Lyle will never hesitate to destroy his life.
BINABASA MO ANG
"Catch Me, Attorney." (Law Series #4 || Season 1 & 2)
Romance[PUBLISHED Under LIB] #4. "If I fall for you, will you catch me, attorney?"