SEASON 2 PART 1

78.4K 4K 11.9K
                                    

A/N: After 4 months of waiting, SEASON 2 is finally here! Join us on Twitter by using our tagline, "CATCH ME ATTORNEY S2'. Nagbabasa po ako ng tweets. Happy reading!

The pre-order for KMA (Law Series #3) ends on April 18th. Save your copies, unveilers!

---

REIGN.

"Miss Harriett, come in."

My lips formed a shy and nervous smile. Hindi ko alam kung tama bang gawin ko ito o hindi. My brain wanted to pursue whatever it was but my heart wanted to run away.

For one last time, I heaved a sigh. Kung ano man ang maririnig ko at kung ano man ang gagawin ko matapos malaman kung bakit ako ipinatatawag ngayon, bahala na.

Pumasok ako sa loob ng office ng home room teacher ko. Saktong pagsara ko ng pinto ay ngumiti siya sa akin at pinaupo ako sa harapan niya. Umupo naman ako at nagpasalamat.

"So, Ms... Harriett... give me a minute, i-open ko lang ang file ha," sabi niya at itinaas ang bilog at makapal niyang salamin habang nakatingin sa Computer niya.

Habang tumatagal ay lalo akong kinakabahan. Hindi ako mapalagay at halata iyon sa akin. Nanginginig pa nga ang tuhod ko at nagpapawis ang palad.

Napatingin ako sa salamin sa likod ng teacher ko at kitang-kita ko ang reflection ko-ibang-iba sa mukha ko noon. Noong mga panahong nasa Maynila pa ako.

Ang dati kong straight na buhok ay kumukulot na. Dati may bangs ako, pero ngayon wala na rin. Nakasuot ako ng puting uniporme at navy blue na skirt. Ibang-iba sa maroon na uniporme noon ng school na pinapasukan ko. Ibang-iba sa West Carson-

"Ayon, nakita ko rin," sabi ng adviser ko at bahagya siyang natawa. Bata-bata pa ito pero masiyado nang malabo ang mata. "Kumusta ka, Reign? Kumusta ang klase?"

"Okay lang po," sagot ko. "Kinakaya pa naman araw-araw. Minsan, mahirap ang klase pero walang hindi kakayanin."

Lumawak ang ngiti nito sa akin. "Tiningnan ko ang records mo at base roon, nag-stay ka sa isang private school ng isang term. Hindi lang basta-basta private school, kung hindi top pick pa talaga at elites lang ang nakakapasok."

I felt uneasy. Iyong ala-ala ng school na iyon ang gusto ko nang ibaon sa limot. Iyong mga tao na nakilala ko noon at ang mga pangyayari na nasaksihan ko ang mga bagay na ayaw ko nang balikan.

Pero sa buong isang taon na umalis ako ng school na 'yon at pumunta sa malayong probinsiya, para bang naging multo ang mga karanasan na 'yon na lagi akong dinadalaw. People will always ask me how was the experience. They thought that being surrounded by money was great but in reality, it was disgusting.

Lalo na kapag naaalala ko ang mga sikreto na hanggang ngayon ay walang ibang nakakaalam. Kapag nakikita ko sa balita na hanggang ngayon ay nag-p-protesta ang pamilya ni Miss Jess para sa katarungan niya. Kapag nakikita ko rin si Detective Howell at Prosecutor Jax sa TV, at nababalita ang pagiging isa sa largest company sa bansa ng Parker Holdings, naiiyak pa rin ako sa galit.

"Paano mo mai-co-compare ang West Carson High sa State University na mayroon tayo rito sa probinsiya?" Patuloy ng teacher ko. "Was it great?"

I wanted to say it was awful, sickening and wicked but my lips wouldn't allow me to.

"Fantastic," sagot ko na lang at tipid na ngumiti. "Siguro po lamang lang sa technology pero sa quality of teaching, same lang. Better pa nga tayo minsan."

Natawa ang teacher ko at ngumiti lang ako nang tipid. Totoo iyon. Sa West Carson High, kahit saan may aircon. Sa amin dito, electric fan lang ang mga nasa rooms tapos minsan, sira pa. Sira rin ang flush ng mga toilet sa CR at kadalasan, walang tubig. Pero ang quality ng pagtuturo? Hindi mo maikukumpara.

"Catch Me, Attorney." (Law Series #4 || Season 1 & 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon