PART THIRTY-ONE: The Detective's Downfall

84.8K 5.8K 9.3K
                                    

THIRD PERSON POV.

"SANA PINATAY N'YO NA LANG AKO," nakangiwing bulong ni Detective Howell sa sarili.

Kasalukuyan siyang naglalakad sa mahabang pasilyo ng office nila. Wala nang tao at patay na ang mga ilaw. Napakadilim. Kung hindi pa nga dahil sa ilaw na nanggagaling sa cellphone niya ay lalamunin na siya ng kadiliman doon.

"'Pag may multo, uwian na," sabi niya sa sarili, pilit na nilalabanan ang takot.

Sa pagliko niya ay natanaw niya ang isang kuwarto. Iyon ang sadya niya. Nang matapos ang trabaho nila at nag-uwian, nanatili muna siya sa kotse niya at naghintay ng ilang oras para ma-solo ang buong building at mapuntahan iyon.

Hindi naman siya na-bore. Sinagot niya ang lahat ng narrative report na ipinadala ni Reign. Lahat ay na-aayon sa plano niya. He even gave Reign a bonus. Just few more tasks and The Project Grey will end. Hindi siya makapaghintay para sa resulta.

Huminto si Howell sa tapat ng kuwarto at nagpalinga-linga. Nang masiguradong walang ibang tao bukod sa kanya ay kinuha niya ang susi sa bulsa niya at dahan-dahan iyong binuksan.

Right when he opened it smoothly, tumambad sa kanya ang table niya at ang table ni Jax. Opisina nila iyon at ang mga dokumento ni Jax ang tunay na pakay niya sa gabing iyon.

Ilang linggo nang iba ang ikinikilos ni Jax para sa kanya. Dati-rati ay sinasabi nito ang lahat sa t'wing sila ang partners sa kaso pero ngayon, alam niyang limited lang ang ibinibigay nito sa kanya.

At iyon mismo ang ikinagagalit ni Howell. Whenever he discovers something useful, sinasabi niya agad kay Jax with proper documents and evidence. Pero si Jax, lately, pili lang ang ipina-aalam sa kanya.

Hinala ni Howell ay nagsimula ang lahat ng iyon nang may natatanggap itong parcels araw-araw. Minsan na niyang nahawakan ang isang parcel. Sobrang secured niyon. Nakasulat mismo na confidential ang laman at huwag ibibigay kung wala si Jax Hibler Scott.

Hindi iyon galing sa Intelligence unit. Hindi rin galing sa Judge or kung kanino man na may kinalaman mismo sa kaso na hinahawakan nila. It seemed for him that it was something personal and Howell knew that in one way or another, those documents changed Jax.

Ano ang laman niyon?

Para saan iyon?

Ayaw niya itong pagdudahan kaya wala na siyang choice kung hindi alamin iyon. If Jax wouldn't give him the answer, he'd seek one for himself.

Lumapit si Howell sa table ni Jax at walang pakundangang binuksan ang lahat ng drawers na makikita niya at hinaluglog isa-isa.

"Nandito lang 'yon," bulong niya sa sarili at inilawan ang mga dokumento at binasa. "No. Not this."

Patuloy siya sa ganoong kalagayan nang makita niya ang isang drawer sa loob ng isa pang drawer. Nakadikit ito sa gilid at hindi mo mapapansin kung hindi mo kakapain. Parang secret pocket sa bulsa ang dating.

"Wow..." impressed na bulong ni Howell. "Scotts are sneaky, indeed."

That was the moment that he had been waiting for. Simula nang umuwi sila galing Palawan at namatay ang buong pamilya na posibleng makapagturo sa kung sino ang nag-utos na magpapatay kay Hale, lalong nagbago si Jax.

Ni-sagutin nga ang narrative reports ni Reign ay hindi nito magawa. Parati pa siya nitong pinapaalis at saan-saan pinapupunta para kumalap ng kung ano man. Hindi na nga rin nito nabibisita si Hale.

Hindi niya alam kung ano na ang nangyayari sa kaibigan pero isa lang ang nasisigurado niya. Distracted ito at ang mga parcels na natatanggap nito ang puno't dulo.

"Catch Me, Attorney." (Law Series #4 || Season 1 & 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon