SEASON 2 Part 16

20.7K 923 1.2K
                                    

Galit na galit na pumasok ng office niya si Jaxon Scott. Madaling-araw na at siya lang ang tao roon. Halos lahat ng gamit na nadaraanan niya ay ibinabalibag niya.

"That Avery Heimsworth..." bulong niya sa hangin. There was a sense of anger in his voice. "How dare she to humiliate me?!"

Napapikit si Jax at umupo sa swivel chair niya.

"If she's that good, why is she a nobody now, huh?"

Hinampas niya nang malakas ang table niya at huminga nang malalim, pilit na pinakakalma ang sarili.

Alam ni Jax na may mali sa kaso ni Braelyn. He knew Hale was part of the crime. Nakita niya ang kotse nito sa 'di kalayuan nang hinuli nila si Lyle.

It was also off for him that Hale told him to go to the school that night. A moment later, someone notified the police about the incident. May nakakita raw sa dalawang tao na nag-aaway sa itaas ng building. The police station was just around the corner.

When Jax arrived, Lyle was caught on the scene. At iyon nga ang plano ng kapatid niyang si Hale. Hale wanted Lyle to be out of the picture.

"Alam niyang ako ang pumatay kay Serene," sabi ni Hale sa kabilang linya. Tumawag ito sa kaniya ilang minuto bago ang interrogation sa witness na si Everleigh Miller. "Dati, iniisip ko na hindi ko kailangang ma-bother kay Lyle, na hindi ako mastre-stress sa kaniya, but I was wrong. Sa sobrang bait ko sa kaniya... nagiging kumportable na siya na i-disrespect ako. Ako, ipapakulong niya? Gago ba siya?"

Nilamukos ni Jax ang sariling mukha. He knew that Hale did kill Braelyn, at hindi niya na dapat iyon itanong.

Gaya ng ilan pang krimen na ginawa ng kapatid, kailangan niyang pagtakpan iyon. Iyon na lang ang kaya niyang gawin para makabawi sa pagkukulang niya rito bilang kuya.

Iyon na lang ang paraan para mabayaran niya ang kasalanan niya rito noong iniwan niya ito sa ampunan at sumama sa mayamang pamilya.

Biglang nag-ring ang cellphone niya. Nang tingnan niya ay si Hale ang tumatawag. Sinagot niya iyon.

"Nasaan ka?" Tanong ni Jax. "Hindi ka pa ba uuwi?"

"Kumakain ako ngayon ng Ramen," sagot ni Hale. "Masiyado akong na-stress ngayong gabi, kailangan ko ng pahinga. Deserve kong kumain nang marami."

"Stressed?" Jax asked. There was bitterness in his voice. "What did you do to feel stressed?"

"'Wag mo nang alamin. Ang mahalaga, nabawasan na ang problema ko. Trabahuhin mo na lang ang kaso ni Lyle. Make sure that shit will be traumatized. Gusto kong makitang problemado siya, pangit at mukhang kawawa. Okay ba, kuya?"

Napalunok si Jax. Hindi siya makasagot.

"We both know na may chance na makalaya si Lyle dahil sa koneksiyon niya, 'di ba?" tanong ni Jax.

"I know. Hindi ko naman balak na ikulong siya. Gusto ko lang matakot siya sa 'kin. Na kaya kong sirain ang buhay niya. Now, look. May record na siya, cina-cancel sa twitter at bino-boycott. Wala nang fans si tanga, laos na ang career.  Deserve n'ya 'yan, feeling main character kasi si gago."

Humalakhak si Hale, kinukutya si Lyle.

Noong una ay hindi siya sanay sa ganitong asta ni Hale. Na matapos nitong manakit ng tao o gumawa ng krimen, ay parang wala lang dito kalaunan ang ginawa nito. Pero dahil sa pera nito at kapangyarihan ng pamilya, never itong nagbayad sa kahit na ano pang kasalanan nito.

Lalong-lalo na rin at pinoprotektahan niya ito. Jax felt sick at first, until he was left with no choice and became part of the problem too. He even wanted to resign, pero sa tuwing gagawin niya, kinokonsensiya siya nito.

"Catch Me, Attorney." (Law Series #4 || Season 1 & 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon