SEASON 2 PART 3

57.3K 3.2K 8.6K
                                    

A/N: To share your thoughts, use our tagline CATCH ME ATTORNEY 03 on Twitter.

---

REIGN.

"If I fall for you, will you Catch Me, Attorney?"

Paulit-ulit na bumabalik ang mga katagang 'yon sa isip ko. Kahit na higit isang taon na ang nakararaan simula nang umamin sa akin si Lyle, I still hear those words. I can still remember the mixture of emotions in his eyes-the fear of being rejected and the bravery to confess what he feels.

Sa totoo lang, nagsisimula ko nang makalimutan ang lahat ng naganap sa Maynila at sa West Carson High. I created a new version of me in this province and selectively erased whatever happened before.

But just when I was completely succeeding, the world screwed me up again. Ngayon, pakiramdam ko'y nag back to zero ako at hindi ko alam ang mararamdaman.

"Oh, isa pa. Kaya pa 'yan, usog lang sa dulo, usog!" rinig kong sigaw ng konduktor.

Nasa loob ako ngayon ng bus pauwi ng bahay. Kakaunti lang ang bumabiyaheng bus sa gabi kaya sobrang siksikan ngayon. Public bus pa iyon kaya walang aircon at talaga namang umuuga na para bang nasa roller coaster ka.

Looking at the passengers, mukhang sanay na sanay na sila. Walang-wala lang sa kanila na para na silang titilapon sa kabilang dulo ng bus. Nakakabilib ang resiliency pero nakakalungkot na matagal na silang nagtitiis sa ganito.

Why would you settle for less when there's something far better? Only if the government was competent enough...

Bigla akong natigil sa mga iniisip ko nang huminto ang bus at tumapat sa isang bus stop. Napalunok ako nang makita ko ang advertisement poster ni Lyle doon.

"'Di mo ba talaga ako titigilan?" bulong ko sa hangin habang nakatingin doon.

Nakangiti pa ito sa akin.

"Does seeing me confused make you smile?" tanong ko rito.

I sighed.

Kanina lang nangyari ang lahat. Kanina lang kami nagkita ulit ni Lyle at kanina lang ulit nagsimulang gumulo ang buhay ko.

Seeing how he looked at me, I felt he really did miss me. Pero may bahid ng galit doon, mayroong tampo. Hindi ko naman siya masisisi. After I promised him something, I vanished without even a word. Kaya kung galit siya, naiintindihan ko. Maiintindihan ko.

Biglang umandar muli ang bus at nawalan ako ng balanse. May humapit sa balakang ko, dahilan para hindi ako matumba. When I looked who was beside me, it was Maki.

Nakasuot ito ng puting T-Shirt na naka-tuck in sa slacks nito. Ang polo naman nitong uniform ay hawak na lang niya dahil sa sobrang init. To be honest, Maki looked manlier yet cuter in white. Sobrang linis tingnan.

"Okay ka lang?" tanong niya habang nakatitig sa mga mata ko.

Tumango ako. "Ikaw ba?"

"'Di ko sure. Parang gusto tayong ibalibag ng bus," biro niya. Pareho kaming nangiti sa isa't isa.

Umandar na ulit ang bus at maya-maya lang ay may sinasabi si Maki sa akin pero hindi ko maintindihan dahil sa ingay ng bus at ng mga tao.

"Ano?" malumanay kong tanong.

Bumuka ang bibig ni Maki para ulitin ang sinasabi niya pero agad din niya iyong isinara at biglang ngumiti.

Walang anu-ano'y hinawakan niya ako sa magkabilang balikat ko at iginiya ako sa dulong bahagi ng bus.

"May bakante na kase," rinig kong sabi niya.

"Sorry na," nangingiti kong sabi. "Sabog ako today."

I heard his tiny laugh. "Hindi lang pala mga tao sa loob ng bus ang lumilipad, isip mo rin pala."

"Catch Me, Attorney." (Law Series #4 || Season 1 & 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon