"Love Me, Attorney..."
Malakas ang kabog ng dibdib ko. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko sa narinig kong iyon. It felt good that I have someone like Lyle, but I pitied him somehow.
I looked down and sighed.
"Lyle..." panimula ko. "I know, desperate na ako pero hindi ako ganoon kasama para gumamit ng ibang tao."
"You won't use me on your will. I volunteer, Reign," sabi sa akin ni Lyle. "You can use me whenever you want to. Kung sa tuwing maaalala mo si Grey or something reminds you of him, call me. Kung sa tuwing nami-miss mo ang yakap niya, I would give you a hug. If you wanna feel him, I would kiss you delightly. Reign, desperado na rin ako. I wanna be loved. I wanna feel your love... even of his behalf."
Lalong bumibikat ang dibdib ko.
"Reign, listen to me..." he said. "You may think that it's not me, that I have changed. Na masiyado ko nang ibinababa ang sarili ko. People may say that I am pitiful, na kawawang-kawawa ako. But Reign, I have been numb for so long. I haven't loved anyone else this much. I have never felt attracted to anyone else. When you came, you changed me for good. You made feel the emotions that were strangers to me before. Sa 'yo ko lang naramdaman ang saya, ngiti... ang kilig."
The snobbish Lyle that I once knew smiled at me genuinely.
"I love you, Harriett..." Lyle confessed, his voice was more like a whisper. "Even if you won't be mine..."
Kinabukasan ay tuliro pa rin ako sa nangyayari. Kinakabahan ako sa mararamdaman ko kung sakaling makita ko si Grey.
A part of me says na dapat ko siyang makita para kung maramdaman ko mang muli ang naramdaman ko kagabi, for sure, mahal ko pa nga talaga siya.
"Reign! Reign!"
Natigil ako sa hallway nang makita ko si Maki. Kumunot ang noo ko dahil pormadong-pormado ito.
"Nag-shopping ka?"
Tumango siya. "Na-receive ko na ang allowance ko, e. Bumili ako ng damit kahapon, nagpagupit at nagpa-facial na rin."
"Wow!" Sabi ko at bahagyang natawa. "Facial talaga?"
"Oo," sabi niya at bahagyang sumimangot. "'Yon kasi gusto niya, e. 'Yong well-groomed."
"Sinong siya?" Tanong ko at nanlaki ang mga mata. "May nililigawan ka?!"
"Sssh!" Sabi ni Maki at tiningnan ang paligid. "'Wag kang maingay!"
"So totoo nga?!" Sabi ko. "Maki, binata ka na!"
"Sssh nga, hindi pa naman kami. Nagkikita pa lang kami, ganoon. Basta, hirap i-explain. Maarte kasi siya."
Napangiti ako. Maki really looked happy. No wonder kung bakit siya blooming.
"Akala ko tatanda ka nang matanda, e," sabi ko. "Sa wakas, magagamit na ang putotoy."
Natawa si Maki sa biro kong iyon.
"Sayang naman ang pagtuli sa akin noong baby pa lang ako kung hindi ko naman magagamit. Ready na si putotoy."
Nagkatawanan kami nang malakas. Natigil ang tawa ko nang makita ko si Hale sa bandang dulo ng hallway. Kumaway ito sa akin at sumesenyas na sumunod daw ako sa kaniya.
"Maki..." sabi ko. "May naiwan pala ako sa locker ko. Babalikan ko lang."
"Okay, okay. Kita na lang tayo sa class ha."
Hindi na ako kumibo at tumalikod na lang. Tinalikuran ko rin ang direksiyon ni Hale. Marami na akong problema, wala na akong balak na dagdagan pa.
Nakakailang hakbang pa lang ako nang biglang mag-ring ang phone ko. Pagtingin ko ay chat iyon sa akin ni Hale. Hindi ko na sana bubuksan pero nang makita kong voice message iyon ay inatake ako ng curiousity. I opened his message and listened to the voice message.
BINABASA MO ANG
"Catch Me, Attorney." (Law Series #4 || Season 1 & 2)
Romance[PUBLISHED Under LIB] #4. "If I fall for you, will you catch me, attorney?"