Reign Harriett (First Person POV).
"FINALLY!"
Nakangiting umabante ako sa pila at inilabas mula sa bulsa ko ang itim kong wallet. Kasalukuyan akong nakapila para mag-withdraw ng pera sa ATM machine.
Medyo mahaba ang pila dahil pay day ng mga empleyado. Nakisabay pa iyong babae sa harapan ko na napakatagal nag-withdraw. Halata na nga ang inis sa mga kapwa ko nakapila, e. Ang sarap na nga tanungin ni ate kung nag te-tetris ba siya roon.
Agad kong inilagay ang ATM card ko at ini-lagay ang aking PIN. Nang tingnan ko ang balance sa card ko ay napangiti ako.
Pumasok na 'yong bayad mula sa part time job ko. Ni-withdraw ko ang lahat ng pera at inilagay sa wallet ko.
Habang naglalakad ay hindi ko maiwasang mapangiti. Sino ba namang hindi, eh, may pera?
"Ano kaya masarap na ipasalubong?" tanong ko sa sarili at maya-maya'y napangisi.
Hindi naman puwedeng ako, 'no? Oo, masarap ako pero bawal lalo na't mga nakababata kong mga kapatid ang kakain.
Apat kami sa pamilya at puro babae pa. Ang tatay ko na nagtratrabaho sa Saudi ay mayroon nang sariling pamilya roon. Nagbibigay nalang ng financial support para sa amin. Ang nanay naman namin ay umalis nalang sa bahay sa hirap ng buhay. Ang sabi, sumama raw sa Amerikano.
Hindi ako gaanong ma-alam tungkol sa pamilya namin. Lumaki kasi akong nakatira sa probinsya kasama ang lolo at tiyuhin ko. Magulo ang pamilya namin kaya hindi ako lumaki sa mga magulang ko. Sa hirap na rin ng buhay ay halos inampon na nga ata nila ako. Sa totoo lang, hindi ko nga kilala ang mga kapatid ko noon.
Nang pumanaw ang tiyuhin ko ay umuwi ako ng Maynila at hinanap ang mga kapatid ko. Not too long after, tumira na rin ako sa kanila. Ang panganay ay twenty-four years old. Ako ang sumunod, ang pangatlo ay eleven, at ang bunso ay anim na taon.
Ang sabi ng nanay namin nang dalhin ang bunso sa bahay anim na taon na ang nakalilipas, kukuhanin daw niya kami 'pag nakakuha na siya ng green card—iyong card na mag a-authorize sa 'yo para tumira sa Amerika. Permanent resident, kumbaga. Pero anim na taon na nga ang lumipas ay wala pa rin. Hindi na siya nagpakita pa at hindi ko na siya nakita dahil halos mag-iisang taon pa lang nang bumalik ako rito.
Nagpalinga-linga ako at naghanap ng puwedeng bilhin. Nang makita ko ang isang brand ng donuts sa loob ng mall ay agad akong pumila para pumasok. Okay na sana nang bigla akong harangin ng guard.
"Ilang taon na po kayo, ma'am?"
Nakangiting kinuha ko ang I.D ko sa wallet at ihinarap iyon sa kanya.
"Eighteen po," sagot ko.
Nang tingnan ang I.D ay hinayaan na niya akong pumasok. Napangiti akong lalo.
May ordinansa kasi sa lugar namin na bawal na lumabas ang mga fifteen years old and below kapag gabi na. Ewan ko ba, eighteen na 'ko pero pinagkakamalan pa rin akong kinse.
Hindi na ako nag-aksaya ng oras at bumili na ng mga donuts. Dalawang box ang binili ko dahil medyo malaki ang nakuha kong pera mula sa trabaho ko.
Nagsimula na akong maglakad pa-uwi at hindi maiwasang mapangiti. Matagal ko na kasing pangako ito sa dalawa kong nakababatang kapatid at ngayon pa lang ay na-iisip ko na kung ano ang magiging reaksyon nila.
"KUNG TAKOT ANG MGA MAMBABATAS, ANONG MANGYAYARI SA HUSTISYA?"
Habang naglalakad ay agad akong napahinto. Animo ako nanigas sa kinatatayuan ko nang marinig ang pamilyar na boses na iyon.
BINABASA MO ANG
"Catch Me, Attorney." (Law Series #4 || Season 1 & 2)
Romance[PUBLISHED Under LIB] #4. "If I fall for you, will you catch me, attorney?"